TCK 18 - Shattered

3.2K 135 3
                                    

Saturn's Pov

On the way ako ngayon sa site kung saan sinisimulan nang itayo ang dream house nila Bella at brent.
Hindi naman talaga ako pupunta ngayon kaso pinakiusapan ako ni Brent to look if there is an improvement.  Ayaw kasi nila makita parehas ni Bella ang bahay,  pinagkatiwala sakin muna ang itsura nito para maging surprise daw sa kanila parehas.

At dahil sa wala akong nagawa,  hindi naman kasi ako makakatanggi sa kanya,  kaya heto ako ngayon,  kasama ko si Jacob upang samahan ako now.  Wala daw siyang work ngayon. Or should I say na nag leave siya ngayong araw para samahan ako.

Tapos si Jupiter... Haissstttt...

"Hey Hon,  ok ka lang ba? " tanong niya sakin

"O-oo naman. Bakit? " busy pa rin siya sa pagdadrive habang pinagmamasdan ko pa din ang dinadaanan namin

"Kanina pa kasi ako nagsasalita dito.  Parang di ka naman nakikinig.  Ayos ka lang ba talaga? " tanong niya ulit

"Ah.  Ganun ba?  Sorry,  meron lang akong iniisip. Anong sinasabi mo kanina? " medyo nahihiya kong tanong.  Space out na naman ba ako?

"I see.  Mukang may iniisip ka nga.  Sabi ko if ok lang ba sayo na pumunta ako sa Batanes this Sunday? May company team building kasi kami dun.  If ayaw mo naman, ok lang sakin" pagpapaalam niya.  Bakit naman hindi siya sasama?

"Oo naman hon.  Bakit naman hindi.  You should go,  ikaw ang boss kaya kailangan ka don" pagpupush ko sa kanya

"Pero maiiwan kita dito.  Hindi kasi pwedeng magsama eh.  Gusto sana kitang isama don,  I know na hindi ka naman din pwede because you have a lot of prior commitments" pagpapaliwanag niya

"Ano ka ba Hon,  dont mind me.  Im ok. Enjoyin mo lang don.  Pasalubungan mo na lang ako ng hangin ng Batanes" pagbibiro ko pa rin sa kanya
Pero tila ba hindi siya natuwa
"Hey hon!  Ayos ka lang?  Ok lang nga sakin.  Dont worry about me." pag aalo ko sa kanya

"May babalikan naman ako di ba? " tanong niya sakin. Nagtaka naman ako sa kanya

"W-What do you mean? " nauutal kong tanong. 

Nagkaroon nang saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakatingin lang ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Kapag umalis ako,  tayo pa naman di ba?  Akin ka pa din? " malungkot na bigkas niya na mukang may pinanghuhugutan

"O-Oo naman hon.  Bakit mo naman nasabi yan?" and again, silence was all over the place. Im waiting for his response

"H-Hon,  R-Ramdam ko kasi na hindi na ako.  Pero please,  please stay kahit sandali pa." nauutal na sabi niya at hindi na rin napigilan umiyak. 
"Please kahit sandali na lang.  Stay by my side" tinigil muna niya ang sasakyan saka humarap sakin
"Ano ba yan.  Why am I even crying...  Dapat ok na ko eh.  Im expecting this already, dapat hindi na ko nasasaktan" pinupunasan niya ang mga luha niya na umaagos sa pisngi niya... ramdam ko ang sakit na sinasabi niya at hindi ko na napigilan maluha.  So, alam na niya.  Na. Na.  Si Jupiter ang mahal ko.  Pero mahal ko din siya.  Kaya mga iniiwasan ko si Jupiter dahil sa kanya, dahil ayaw kong masaktan siya. 

Walang lumabas na salita sa bibig ko.

"Pero i-if y-you need to go... " umiyak na siya ng todo
"I-Ill set you free.  Ayaw naman kita na makulong sakin...  Nagawa na kitang s-saktan noon, k-kaya ayaw ko nang maulit yon kaso magkaiba ngayon eh.  I know you'll get hurt if you stay by my side. " hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya... Tanging iyak lang ang narinig namin sa isat isa.  Walang nagsasalita habang magkayakap kami.

Despicable Men - The Cassanova KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon