So nag-CR ako sa mall kanina. Wow, big deal. Anyway, na-detect na nung automatic flush 'yung pwet ko... and this is good news, dude. Here is, I guess, a toast in celebration of me NOT being a ghost. Tapos na ang halloween, Unprettier.
...
Shower thoughts. Ano ulit 'yung sinasabi nila tungkol dito? Tinatamad talaga akong maghanap ng formal explanation ukol dito sapagkat sobrang bagal ng internet at maari ka pang abutin ng sampung minuto para lang mag-post ng update sa Wattpad.
Let me give it a try: Kung ikaw ay naliligo or may ginagawang anes sa toilet, considering na wala kang ibang kinakalikot maliban sa mga bagay na nararapat kalikutin sa oras na 'yun, na-e-enganyo kang mag-reflect o mag-contemplate. Tungkol sa bagay-bagay... and shit. But then again, this can also happen with the help of asphyxia. Umm... doon na lang tayo mag-focus sa shower at toilet. Ito ang ilan sa mga bagay na pumasok sa utak ko habang naliligo ako sa dorm, and I can assure you that no illegal substances were involved.
[1] "Lalaki ako at pwede akong manuntok ng babae dahil pantay-pantay lang tayong lahat HASHTAG EQUALITY"—nabasa ko yata ito somewhere, sometime. Panununtok lang ng babae ang pakay mo sa fight for equality? Masama ang panununtok (this applies to all cases, regardless of gender) at naniniwala akong pwede lang manuntok ng tao kung kinakailangan na talaga, tulad na lang kung may naglaglag ng spaghetti mo sa Jollibee.
"Lalaki ako at ayokong paupuin 'yung babaeng nakatayo roon dahil capable naman siyang tumayo for a while. Pipiliin kong paupuin 'yung lolong nirarayuma rito dahil... uh... nirarayuma siya at hindi siya uminom ng Flanax." Gorabels lang. Mas mabuti na 'yan kumpara sa mga taong nag-pe-perpetuate ng stigma na "Pauupuin ko ang babaeng iyon dahil babae siya at mahina ang mga babae." (For some, siguro innate na ang mindset na ito and nobody's going to come to an epiphany hangga't walang tumatayo under the shower at nag-iisip nang malalim.) Paano kung si Chyna ang katabi mo sa LRT? Papapupuin mo ba siya o siya magpapaupo sa 'yo?
[2] Nag-e-expire ba ang toilet paper? [A/N: Naisip ko 'to ilang minuto matapos makipagtitigan sa roll ng toilet paper ko. Napatingin ako sa loob ng roll at may nakalagay na "September 2013" or something at napaisip ako ng "Shit, expired na ang toilet paper ko." Pagkatapos ng ilang oras, na-realize ko na manufacturing date pala 'yun.]
[3] Pwede bang gawing fertilizer ang libag? Paano naman 'yung sinunog na remains ng tao? I guess Google knows the answer because Google is an evil overlord. I'm curious, but not curious enough to make a search that might get my name into a blacklist.
...
Balik sa kwento ng CR sa mall: Pagkatapos kong mag-CR, muntik na akong maihi sa pantalon dahil biglang may sumulpot na babaeng nakatayo nang tuwid sa tabi ng pintuan... leche, sobrang creepy. Naka-tikas lang siya roon and shit... ate, banyo po ito at hindi military boot camp... hindi ko tuloy siya napansin noong pumasok ako.
Unprettier: Please don't eat me.
Ano'ng trip niya? Ewan ko rin. Siguro hindi niya na-realize na tapos na ang Halloween.
--x--
BINABASA MO ANG
Hippopotomonstrosesquipedaliophobia
Non-FictionBecause life is still a beach. Accounts of the author's failed attempts at interpersonal interaction, part deux.