Math vs. Unprettier: Somewhere along the way...

32 1 0
                                    

Yes, Math subjects suck for suckers like me.

Call it fate, call it karma: Ito ang tinaguriang "favorite subject ni satan" sa unibersidad namin. Okay, pauso ko lang 'yun, pero totoo naman kasi para sa marami. Hindi ako nag-excel dito dahil hindi naman ako 'yung taong tinatawag nilang analytical... or left-brained, kung may naniniwala pa rin sa ganoong shit ngayong 2015. Hunghang daw ako sa advanced math subject ko dahil masyado akong careless tuwing nag-so-solve. Kung hindi ako na-correct ng blockmate ko that one time, "3x3=6" pa rin ang nakasulat sa isang page ng notebook ko ngayon*. Wala rin naman akong magawa sa problema ko regarding this matter dahil nakakawalang ganang matuto kapag hindi tugma ang learning style mo at ang teaching style ng prof. Ayan, simulan na ang finger-pointing.

...

Finals week. Nagdala ako ng sample exams sa isang family gathering, para lang maipakita sa mga kamag-anak kong mayroon talaga akong ginagawang matino sa buhay ko. Unang nakakita sa akin 'yung tito kong mahilig tumahol (His bark's stronger than his bite, geddit? Natawa ako noong sinabi ko ang joke na ito sa sarili ko kahapon tapos ngayon hindi na). Tinanong niya ako kung bakit ako nag-re-review, sabay hirit ng "Sus, wala lang iyan!" kaya ipinakita ko sa kanya 'yung questionnaire ng third exam kong nabokya ko tapos natahimik siya, sabay hablot ng Goldilocks macaron.

Nagulat ako nang bahagya noong ipinakita ko 'yung questionnaire sa mga pinsan kong bagets, mukhang na-gets yata nila. Sa mga pinakitaan ko ng questionnaire, sila lang kasi ang hindi tumitig sabay nganga. That, or sila 'yung tipo ng taong gumagamit ng quasi-substantial shit... mema. Like those people who go "Oh, yes. Anaphylactic shock. Very shocking" sabay stroke sa kilikili dahil wala silang handlebar moustache.

No doubt, ginagawang leche nitong (required) advanced math subject ang buhay ng mga estudyante. You can take that two ways: Leche na gatas, nagpapatamis ng buhay mo kung ika'y ultra-imbang anak ng Diyos o batang nag-alay ng kaluluwa sa Infernal Majesty; o 'di kaya lecheng nagbibigay ng explosive diarrhea sa lactose intolerant na tao. Ewan ko kung tamang ihalintulad 'to sa diarrhea pero ganoon talaga. Wala akong journalism skills. 

Masarap sisihin agad 'yung prof at ang teaching style niya tuwing babagsak ako sa test (ooh, because it's never my fault. Keep telling yourself that, Unprettier). Siguro sadyang pagong lang ako at 'di ko ma-gets at maisaisip ang sinasabi niya sa harap ng klase kaso tao rin naman ako at hindi ko kayang magsulat ng 32 lines per hour while the prof speaks at a rate of 9000 words per minute [citation needed]. Ang nakakasunod lang naman sa discussion ay 'yung mga kaklase kong masyadong attentive o magaling na sa math dati pa--ang sarap tuloy pagnilayan 'yung konsepto ng paghati sa sarili mo in half. Parang manananggal na lengthwise.

...

Bali-balitang hindi na raw pinapayagang mag-cross-reg sa kabilang campus ang mga uulit sa advanced math dahil mataas raw ang makukuha nilang grade sa kabila. [1] Hindi ko alam kung may matinong explanation para riyan o sadyang madugo lang ang math dito pero bahala na. Hindi ko pa naman nakikita kung gaano kadugo roon sa kabila kaya hindi rin ako makapagbibigay ng final verdict. [2] Of course, walang thrill ang kwento kung walang political agenda 'yung shit na ito. Marami-raming skeptic daw kasi ang nag-point-out na nagmimistulang sadya raw ng departament ang magbigay ng madugong mathematics exams sa mga batang nasa undergraduate degree program na walang kinalaman sa complex math** para magsibagsakan sila, mag-retake, at magpaulan ng pera sa office ng administrasyon... but you didn't hear it from me.

Kapag tinanong mo naman ang departamento kung bakit wagas ang math shit nila, ito ang kanilang cookie-cutter answer: "Taking this course is a challenge to your brilliant minds!" Sige na, I'm not even going to argue with that. Advantage talaga 'yung pag-aral ng college algebra kasi hindi rin natin alam, baka may mga sumugod na terminator-slash-alien sa Pilipinas next decade at... at...seven-condition Piecewise-defined functions lang ang makapagliligtas sa bansa. Gusto ko mang asarin ang math buong araw, wala rin namang mangyayari dahil mayroong seryosong sagot sa tanong natin sa taas.

Foundation daw kasi siya at ang ibang G.E. courses for being a well-rounded individual, at kailangan nating maging well-rounded para makatulong sa bansa kapag sumugod na ang mga terminator alien na bumubuga ng kidlat at apoy. Sabi nga sa akin ng English teacher ko noon, hindi naman kasi pwedeng lahat lang ng gusto mo ang gagawin mo in your lifetime dahil kailangan mong gumawa ng bagay na hindi mo gusto para sa iba... something like that. I'm not the most altruistic person in the world but I'm trying to do the best I can. Notice how I said "trying" and not "doing" because I'm actually a stubborn piece of crap at hindi ko masasabing maiaalay ko ang buong pagkatao ko sa ideolohiyang iyan. Baka mabago na iyan ng draconian maniacs na makikilala't makakasama ko in the future, but for now... maybe not.

Kung may kids (or spambot disguised as a 13-year-old) mang nagbabasa nito habang umiiyak dahil sa math exam o pinagalitan ng magulang dahil sa mababang grade, I just want to say this: I failed all my departmental exams, failed the finals, and managed to pass the removals by the skin of my teeth. I don't owe it to a sudden surge of mind power.

Sinuwerte lang ako.

(In the end, ang buhay ay isa pa ring malaking Quiapo.)

-x-

* Ramdam ko talagang papatunayan nitong sentence na ito 'yung portion ng Miranda warning na "Anything you say can and will be used against you." Hindi ko alam kung kailangan ko pang i-explain na alam kong 9 ang sagot dito, at kung mayroon mang chance na mayroong taong hindi maniniwala kapag sinabi kong alam ko na 'yun ang sagot sa tanong na iyon.

** Naka-uno 'yung blockmate ko sa advanced math kaso hindi naman niya choice na makasama sa undergraduate program namin kaya hindi siya counted sa sitwasyong ito. (Balita ko nag-shift na siya.) Anyway, uno. Parang kumakain lang ng Superstix habang nag-aalay ako ng kambing sa mga espiritu, ganoon.

† Sabi nga roon sa jeje na shirt, "NEVER GIVE UP" (otherwise, I don't know what to do. I'd be just as helpless. Let's just bask in anger together while someone else thinks of a big idea)

HippopotomonstrosesquipedaliophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon