Second Sem, or How I Learned to Stop Living and Love the Bomb

37 3 0
                                    

The time is 2:47 AM. Patong-patong 'yung outdated na readings mo sa isang tabi ng kama habang tinatapos mo ang isa sa limang unfinished papers mo. Tulog na 'yung roommates mo, humihilik 'yung isa. Bakit sila, ayos naman ang shit nila sa buhay? Sanay sa ba sila sa hirap ng buhay na ganito? May ikinabubuhay pa kaya sila? Mukha naman silang masaya, nagagawa nga nilang gumala-gala sa Robinsons kahit mukhang mas marami pa silang ginagawa kumpara sa 'yo.

Nagrereklamo 'yung blockmates mo kanina dahil maraming gawain ngayong linggo, pero nagagawa naman nilang tapusin 'yun kahit apat na oras ng buhay nila ang nasasayang sa pagluwas at pag-uwi araw-araw. Ikaw, kaunting kembot lang ang layo sa campus, kaso mas mukha ka pa ring tanga kumpara sa kanila. Nagagawa nilang gumala at gumimik kasama ang kanilang mga kaibigan kapag Sabado at Linggo. Ikaw naman, apat na buwan mo na hindi kinakausap 'yung "best friend" mo.

Bakit ikaw lang ang inaatake ng panic tuwing Math 11?

-

Malas yata ngayong sem. Four 7 AM classes (7 ang alis namin tuwing NSTP), mga prof na laging wala sa klase, mandatory preachy-preachy shit sa dorm na kailangang attend-an kung ayaw mo mawalan ng tirahan. At oo nga pala: Fuckin' MATH, man. Kingina, wala namang kinalaman sa course ko pero 'di pa yata ako makaka-shift dahil sa subject na 'to. Walang available na tutor. Parang mas masayang hindi na lang mag-aral...

Biglang may sasabat na keyboard warrior.

"Tangina mo, ang daming batang gustong mag-aral tapos ikaw puro reklamo!" Hindi naman kasi 'to competition, bro. Mayroon talagang mali kung mas gugustuhin pa ng mga estudyanteng mamatay imbes na mag-aral. Saan ba tayo nagkamali? Hyperbolized lang ba lahat ng ito? May mga matatandang gagamit ng counterargument na "Aral muna bago daldal, whippersnappers... noong panahon namin walang CALCULATOR at COMPUTER at INTERNET mga spoiled brat kayo... kinopya namin ang 1935 PHILIPPINE CONSTITUTION!!!... BY HAND!!!" kaso, ewan ko rin. Marami nang ni-revise at dinagdag sa content na inaaral natin ngayon. The question still stands.

Sa dami ng impormasyong available sa atin, nahihirapan na tayong alamin kung aling tidbits of information ang negligible at alin ang dapat isaulo. Pagdating naman sa technology, parang hindi na mauubusan ng distraction. Mas matino ba ang study habits ng mga estudyante noong stone age... este... pre-information age dahil kulang sila sa distraction? Parang "out of sight, out of mind" lang kumbaga.

Eka nga ni Marty Nemko, this calls for a reinvention. Baka naman isa sa mga factor ang pagtambak ng gawain dahil naniniwala ang mga taong mas madali nang tumapos ng research paper o thesis ngayon because information is at the tip of our fingertips. (Hindi siya ang nagsabi nito, charot ko lang 'to.) Nemko stated that Ph.D.s shouldn't teach undergraduate courses because the intellectual capability gap is too great. Hindi naman kasi nadadaan sa big words at pag-recite ng 81 provinces of the Philippines nasusukat ang talino.

Ewan ko lang rin kung sino ang mas matalino between a fresh grad who fights for justice for the people/progressiveness of the country and an instructor with a doctorate who believes "gay" is an amalgamation of the male and the female persona. Joke lang.

-x-


HippopotomonstrosesquipedaliophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon