gusto ko lang talaga mag-update dahil halloween ngayon (shit galing sa drafts)

52 5 0
                                    

Napagtanto ko lang... bakit naiinis ang mga tao sa mga mahilig umingles outside the workplace/school kung mas kumportable lang naman talaga sila kapag nagsasalita sila in English kaysa Filipino? Masama ba 'yun? Dulot ba iyon ng inggit, o galit sa stereotypical conyo image: maarte, social climber, maarte? Alam kong naiingit ako sa mga inglisero minsan dahil hirap na hirap ako magsalita in English when I'm in public. So zees is tha...-*BRAIN FART.*-Ano ulit sa Ingles 'yung salitang 'yun?-BAKIT ANG HIRAP I-PRONOUNCE NG TH?!?!?!? Tapos magmumukha lang akong tanga sa harap ng teacher ko.

I'll assume na ang "conyo" na kinagagalitan ng tao ay 'yung peeps who think that speaking in English will make them go a step up the pyramid of social hierarchy. Kaso, paano na 'yung mga taong hirap lang talagang magsalita in Filipino o 'yung mga sinanay na agad magsalita ng Ingles at an early age? Do they deserve to be called "conyo?" Sa palagay ko, hindi; kaso nangyayari 'yan minsan, eh. I play the English-Tagalog switcheroo too dahil ganoon tumakbo ang utak ko and shit. Nakakabanas? Sorry, ganyan talaga. Baka na-associate na sa mga social-climbing... umm... people ang mga taong trip ang pagsasalita sa wikang Ingles. Mayroong flair of vanity siguro.

I reckon, kailangang umpisahan ang pagturo ng tama at unbiased concepts sa tao habang bata pa sila. Bad parenting and bad education ang nag-e-embed sa utak nung bata ng mga prejudice like "Ew, dahil hindi ako *insert adjective here* tulad niya, kailangan ko siyang pandirihan." Wala pa naman talagang solid identity ang mga bata in their early years, eh. Is everybody politically correct until they are pushed to become the opposite? Wala pa naman talaga silang alam kundi "Dog poop bad, Gerber good!"

(Paano 'yung matatandang ganito pa rin mag-isip? Sa totoo lang, wala naman talaga akong ibang maisip na solusyon diyan kundi Ludovico technique... but then again, hindi ako reliable pagdating sa mga bagay na ganito.)

P.S. Happy Halloween! It's Britney, witch!


HippopotomonstrosesquipedaliophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon