I Hope Your Fish is a Piranha in Disguise (Should've Called PETA Up on Your Ass)

48 2 0
                                    

May kwento ako tungkol sa picture na 'to. Umattend ako noon ng academic discussion kung saan speaker si Manix Abrera tapos hindi ko napapirmahan sa kanya 'yung kopya ko ng "Ilayo Mo Kami Sa Apoy Ng Impyerno!" Baka kasi magmukha akong kupal na autograph lang ang pakay sa hanash. Well, that's 99 percent true naman kaso kailangan ko magmukhang intellectual person na "nakikinig" sa ibang discussion dahil makikita ako ng prof ko. Hindi ko na lang alam kung saan pumunta si Manix pagkatapos ng talk niya.

Contrary to what the drawing depicts, hindi naman ako nabugahan ng usok ng tambutso dahil sa bike lane ako dumaan noong pauwi na ako. Dalawang beses lang naman ako muntik mabunggo ng bike.

Anyway. Short, cluttered paragraphs na lang ulit tayo ngayon dahil life is a beach.

-x-

[1] Una sa lahat, gusto kong magbigay ng isang malaking "putangina mo" sa traffic. Surely I'm not one to say that dahil una sa lahat, de-sasakyan din naman biyahe ko. Dyahe! (Pero angkan ko naman ang may gusto nito at author na tupa lang ako, oy vey.)

Balik na sa traffic. Panira ng buhay ang traffic pero malay ba natin kung may mas malaking problemang nag-e-encapsulate sa kanya? For example, baka reklamo tayo nang reklamo about the public mass transport system habang may mga malungkot at naghihirap palang mga literal na titi na nangangailangan ng pansamantalang pagmamahal, twerking, at tuwad na daan para sa bayag. Este, bayan. Alipin din naman ng sistema ang mga titing ito pero tumakbo ba sila para maging... passive? Anuraw. Parang dissonant na 'to sa readings ko ah.

May mga nag-su-suggest na maging hyperpessimists tayo. Eka nga ni Michel Foucault: Nothing is good or bad, some things are just worse than others. Ang tanging pag-asa na lang ba natin ay mga deus ex machina tulad nina Intergalactic Earth Ambassador at Kapitan Robotron?

...

Isa akong kupal na de-sasakyan na rin araw-araw (sorry everyone). Madalas akong nakikinig sa radyo kapag hindi ako sinasapian ng narcissistic self-pity and all those emo shit. May isang advertisement na tumatak sa isip ko, at ganito siya nag-uumpisa...

"You're probably in a car, stuck in traffic. Look around you. Everyone is stuck in the same routine. Do you live to work, or work to live?"

Tapos ang susunod na tanong, "are you stuck in your comfort zone" raw. Tapos bigla nang nag-plug ng product nilang... bottled water. Napa-wow na lang ako. Thanks, culture industry. We totally needed to drink bottled water to achieve our full potential and transcend capitalist hell. Oo nga, mas masarap naman talagang ma-traffic kapag gusto mo 'yung ginagawa mo. Masarap. Kakabagin ka.


[2] Sa halip na dislike button, parang mas gusto kong magkaroon ng power na i-like 'yung mismong act ng pag-like sa post; twitter counterpart niya 'yung pag-favorite sa... pag-favorite ng ibang tao sa tweet mo. It serves no great purpose, pansayang lang siya ng oras at pera ng developers at pansayang ng bytes sa storage, but I think it's going to be hilarious if we can make one of the most awkward gestures on social media even more awkward.

Speaking of awkward, binati ko si crush ng "happy birthday" at a point in time that felt like an eon ago tapos ginamitan niya ako ng generic, courteous reply. Akala ko talaga may #feelings doon sa reply niya; kaso, na-realize kong defense mechanism lang pala iyon sa awkwardness kasi nakakita ako ng similar generic greeting sa Facebook wall ng isang kaklase kong nagbirthday weeks later. So, ni-like ko na lang 'yung reply niya.

.

.

[FLASHBACK: Sa nilalanggam na computer desk. The time is 12:42 AM, hindi pa rin alam ni UNPRETTIER kung babatiin niya si crush (emphasis on the third syllable 'yan, ha) dahil sa super ultra mega special birthday charot.]

HippopotomonstrosesquipedaliophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon