Nakahanap ako ng maliit na sabon sa bag ko kanina (parang 'yung sa banyo ng hotel) kaya bigla kong naalala 'yung ginawa ng kaklase ko noong field trip namin. Kinuha niya lahat ng paper napkin sa table namin pagkatapos noong dinner-cum-lecture tas the morning after, nanghingi naman kami ng isang roll ng toilet paper sa management kahit na dalawang oras na lang ang natitira bago kami mag-checkout. So hindi namin naubos at inuwi na lang namin. Kasalanan ba naming walang nakaisip magdala ng toilet paper sa block?
May mga napapaisip kung unethical ang pagnenok nung cute na toiletries sa hotel. Sabi ng mga expert*coughmgakaklasekocough*, wala naman talagang masama sa gawaing iyon dahil kasama 'yung toiletries sa binayaran mo noong check-in. Therefore, karapatan mong kunin 'yun! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang pagiging frugal!
Dagdag pa ng isa kong blockmate, habit daw ng mga may lahing Intsik 'yung pagkuha ng toiletries na hindi nagamit. Ginamit niyang halimbawa 'yung Intsik niyang lolang nagdadala ng bote ng mineral water sa hotel, na pinupuno ng shampoo galing doon sa dispenser sa banyo. Ewan ko lang ha, kasi lahing Intsik din 'yung lola ko pero wala siyang ginagawa sa hotel kundi manood ng TV at matulog.
Sayang naman kung i-la-label as negligible agad 'yung chenes ni blockmate tungkol sa pagiging frugal ng mga may lahing Intsik, so pagnilayan natin. Who exactly brings home unused toiletries from hotels? Well, who doesn't? Ewan mo kung empirically true 'yung enthymeme o charot-charot lang. Siguro naman marami lang talagang compulsive na taong trip ang magnenok, regardless of ethnicity. (Insert adage about corrupt government officials here). 'Yung tipong magdadala pa sa hotel nung toiletries na ni-nenok nila mula sa ibang hotel. Tulad na lang ng nanay ko. Wow.
Speaking of which, may napanood* or nabasa ako somewhere tungkol sa pag...umm...capitalize sa mga minibar ng mga hotel. Let's say sobrang bangag ka at naisipan mong kumuha ng drink galing sa minibar. E tangina ang mahal kaya nun. So pagkatapos mong inumin, you come to an epiphany and subsequently rush like hell to the nearest 7-Eleven to buy the same damn drink, which you then use to replace what you just drank moments ago. You feel very proud of yourself afterwards.
That brings us to this: Bakit ba kasi mas mahal 'yung mga inumin sa minibar?** Parehas lang sila ng suggested retail price, kaso mas malaki siguro 'yung value na ibinibigay natin kuno roon sa drink na galing sa mini-bar, because what the heck. Maybe it's hella fancier.
-x-
*Baka kay Natalie Tran nanaman galing.
**Suggested readings: "The bizarre economics of the hotel minibar" by Tim Hartford [http://slate.me/1x8WDKk] and "Why hotel minibar prices are expensive" from Econtrader [http://bit.ly/13oXt7Z]. Fun fact: May mga hotel palang naglalagay ng cannabis candles sa minibar nila. Not that there's anything unusual about that.
BINABASA MO ANG
Hippopotomonstrosesquipedaliophobia
Non-FictionBecause life is still a beach. Accounts of the author's failed attempts at interpersonal interaction, part deux.