Chapter 4

2.6K 59 0
                                    

"You are Sophia Andromeda Stellar, tama ba ako iha?" tanong ni headmaster sa dalaga ngayon na nakaupo sa harapan niya.

Tumango naman ang dalaga at napangiti ang headmaster.

"Welcome, to the Academy of the Northern Star." bati ng headmaster ng nakangiti sa dalaga.

"Ito ang susi ng iyong dorm at nakalagay diyan ang numero ng kwarto mo. May sariling bathroom, living room at kitchen ang bawat dorm room dito. Maluwag at siguradong matutuwa ka. May allowance kayo per week na sakto sa budget ng mga kailangan niyo sa araw-araw. Makukuha mo ang allowance mo sa mga bank machine, may tig-iisang bank machine sa bawat hallway ng dorms makikita mo ito. Swipe mo lang ang itong ID para maccess lahat ng kailangan mo at ito ang iyon ID. Pagpunta mo doon , nandoon na lahat ng kailangan mo." mahabang paliwang ng headmaster.

Tatayo na sana ang dalaga para magpunta sa kanyang dorm nang sinabi ng headmaster ang mga bagay na lalong nagpagulo sa kanyang utak.

"I told myself not to mention this to anyone and also you. I can sense the power of the princess in you. I myself don't believe if this is true and I know you are confused right now as well. But you must hide your powers, identity and never tell anyone who you really are once you make sure of it."

"Makakaasa po kayu diyan." tanging sinabi ng dalaga.

Alam niya kung ano ang nangyayari, hindi siya tanga para di marinig ang mga usapusapan sa kung saan siya naroon ngayon at ramdam rin niya ang nangyayari sa sarili niya gayundin sa palagid na kanyang kinaroonan.

"Hindi pa nila lubos na malalaman dahil hindi pa nila nakita ang mga iba pang mga palatandaan na meron sa iyo. Ang kwintas ay hindi mo hawak kaya nagtataka pa sila kung sa iyo ba o hindi" dagdag ng headmaster.

"Yung kwintas po ba na tinutukoy niyo ay ang kwintas na dala ng aking tinuring na ina, kahit saan kami magpunta nakasuot po ito sa kanya hindi ko man lubos maintindihan kung ano iyon pero sinasabi na importante ito na balang araw ako po ang magsusuot ng kwintas na iyon." sabi ng dalaga.

Sa kwentong ito nakumpirma ng headmaster ang lahat.

"matagal na naming hinihintay ang pagbabalik mo mahal na prinsesa, sa pagaaral mo dito malalaman mo ang lahat ng kasagutan sa mga tanong na nasa iyong puso at isipan. Magingat ka" sabi ng headmaster at pinapunta na siya sa kanyang dorm.

Alam ng dalaga ang dapat niyang gawin at dahil sa natutunan niya sa mga kinilala niyang magulang gayundin sa dati niyang paaralan. Naging positibo lang siya at tinangap ang mga bagay na dapat tangapin.

Dahil lahat ng mga pangyayari sa buhay ay may rason kung bakit ito nangyari, dapat malaman natin kung gaano kahalaga ang bawat oras at pangyayari sa ating buhay. Dahil ang buhay mismo ay mahalaga hindi ito mabibili lang ng pera at hindi ito mapapalitan kung wala na.

SOPHIA POV

Panglawang araw ko ngayon sa paaralan at kasama ko ngayon si Sonweo sinabi kasi ni Headmaster na sunduin niya ako sa dorm ngayong umaga at maglilibot daw kami sa skwelahan naexcuse nadin kami sa aming mga klase.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Lost Powerful PrincessWhere stories live. Discover now