Chatper 28

562 18 0
                                    


"Anak anong nangyari sa iyo bakit ka nawala?" Tanong agad ng reyna sa kanyang anak. Habang nakatingin ito sa bintana.

Pinagmamasdan lang siya nang kanyang magulang.

"Ma, pa. Hindi lang ako itinakda para sa mundo ng mga may mahika. Itinakda din ako para sa mundo ng mga tao. " Sabi ng deretso ni Sophia at tinignan niya ang kanyang mga magulang.

Napangit ang reyna at hari sa narinig. Bago pa magsalita nag reyna ay nagsalita na namn si Sophia.

"Ma isa kang mortal binigyan ka nang kapangyarihan ng isang binibini at yung binibini na iyon ang kumuha sa akin nung araw na iyon. Siya yung higanteng dragon na bumisita sa palasyo. " Sabi niya.

Yinakap ng reyna ang anak. " Patawarin mo kami ng iyong ina dahil hindi namin ito sinabi sa iyo. Ayaw kasi namin na mapahamak ka gusto namin limutin na hindi lang reyna sa mundong ito ang responsibilidad mo para malayo ka sa kapahamakan. Patawad dahil naging makasarili kami" sabi nang hari sa anak.

" Napatawad na kayo ng binibini. Pero sa isang kondisyon, kailangan ko itong pagbayaran" sabi ni Sophia na kinagulat nang ama at ina.

" Sa anong kondisyon? Bakit ikaw ang magbayad kami nang ina mo ang dapat magbayad sa kasalanan namin" galit na sabi nang hari.

" Tama na po. Nagawa ko na po yung kondisyon at narito na po ako ngayon" sabi ni Sophia na masaya. Napangiti namn ang hari at reyna sabay yakap sa anak nang lumuluha.

"Ma at pa diba naplano niyo na po ang araw ng koronasyon ko bilang reyna. Mangyayari yun sa hindi humigit na dalawang araw simula ngayon. " Dagdag niya.

"oo kami na bahala dun anak. Isa din itong sorpresa sa iyo at ito na lang ang paraan para makabawi kami sa mga kasalanan namin" sabi nang reyna.

" Sya at magplplano na kami ng iyong ina. Baka gusto mong kausapin din mga kaibigan mo . Nagalala din yung mga iyon" sabi nang kanyang Ama.

Napatawa namn si Sophia at lumabas na sa kwarto para puntahan ang mga kaibigan..

Bumalik sina Sonweo at Ice sa hardin para magusap pagkatapos ng ulan.. lingid sa kaalaman nilang dalawa na pinapakingan sila ni Suga at Samantha sa malayo.

"Ang galing niyo namn magtago" gulat sina Suga at Samantha nang magpakita sa harapan nila si Sophia.

"Shhh huwag ka maingay" sabi ni Samantha at tinakpan ang bungnga niya..

Nakinig lang sila sa usapan ng dalawa.

"Ano Sonweo hanggang kailan ka magtatago sa mga maling pinagagawa mo?" Galit na sabi ni Ice sa kanya.

" Bakit buhay mo ba , ang buhay ko huwag mo akong pakialaman alam ko pinagagagawa ko." Sabi ni Sonweo.

" Yan! Nagiba na ugali mo simula nung pumasok ka sa bisyo mong yan. Alam mo ba na hindi maganda yan sa katawan mo hindi ka tao pero ganun din ang epekto niyan sa iyo" sabi ni Ice sa kanya.

" Oo hindi mo nayan matatakasan o maiiwan. Nasimulan mo na at mamatay kang ginagawa yan" sabi ni Sophia.

Nagulat si Suga at Samantha dahil wala na sa tabi nila si Sophia.

"Sonweo, Kala ko ba ikaw magiging hari ko, kala ko ba may pangako ka sa akin na hindi kana uulit gagawa ng bagay na pagsisihan mo? "

" Isang taong ganun pinagagawa mo hindi pa higit sa isang taon pero halos papunta na doon. Nagiisip ka pa ba, inisip mo ba na hari ka sa mundong ito hindi hari ng droga sa mundo ng mga tao? "

Tuloy tuloy yun na sinabi ni Sophia kay Sonweo.

" Pinarusahan ako ng mga diyos at diyosa sa mundong ito dahil sa pagkakamaling ginawa mo! " Galit na galit na sabi ni Sophia.

Dahil dun napatingin si Sonweo kay Sophia. Kahit ganun pa man minahal padin ni Sonweo si Sophia kaya may bahid din nang pagsisi sa kaloob looban niya.

Yung tatlo nakatingin lang kay Sophia na di alam kung anong mararamdmaan dahil halo halo na lahat pagaalala at pagkatakot sa mga sinasabi ng princessa.

"Kailangan mong magdusa sa ginawa mo Sonweo, dikita matutulungan dun. Hindi ako ang gumawa ng kasalanan pero naparusahan din ako dahil napabayaan kita pero yung kalahating parusa na meron ka diko kayang kunin yun kahit ano pang pagmamakaawa ko sa kanila. Nagmaakaawa ako na ibigay lahat yun sa akin dahil minahal kita Sonweo" naiiyak na sabi ni Sophia sa kanya.

Napaluha si Sonweo sa sinabi ni Sophia. Lumuha si Sophia pero pinunasan agad niya iyon.

"Pero nalaman ko din ang totoong nararamdaman ko. Pasensya na pero hindi pala ikaw tlga ang para sa akin Sonweo. " Sabi yun ni Sophia.

Tinignan niya si Ice. Nagkatitigan sila ng ilang minuto.

"Ice totoo ba?" Tanong ni Suga sa kanya. Nakuha niya ang mensahe sa titigan nilang dalawa.

" Sophia, Ibig sabihin ba na simula nung una palang si Ice na ang tinakda para sa iyo? Magulo man pero nagtutugma na lahat dahil sa pagkakaalam ko magkakilala na kayo ni Ice simula pa nung una at madami nang mga rason kung bakit kayo dapat sa isa't-isa higit sa paano kayo nagsama ni Sonweo" sabi ni Samantha na naguguluhan..

" Tama ka Samantha. " Sabi ni Ice habang tinitignan niya si Sophia.

"Hindi ko na kailangan ipaliwanag ang lahat tungkol sa amin dalawa ni Ice pero may magaganap na koronasyon sasusunod na dalawang araw simula ngayon. " Sabi ni Sophia.

Tumingin si Sophia kay Sonweo. " Kailangan mo magpaliwanag sa lahat ng tao sa mundong ito . Iyon ang bilin nila sa akin, at iyon din ang parusa na kailangan mo pagdanan.. kakamuhiaan ka ng madaming tao pero alalahanin mo ang kapatid mo. " Pagkasabi ko nun napaluha nang sobra si Sonweo.

Ilang taon na nakalipas ng namatay si Oceana diko na kailangan ikwento yun isa lang mabigat na alala na ayaw namin balikan.

"Sophia tara na sa loob. Malamig na" sabi ni Ice at tinangal ni Ice ang kanyang jacket at pinatong sa balikat ni sophia.

Naiwan si Sonweo sa labas pagpasok ng magkakaibigan.

"O nanadito pa pala kayong lahat. Si Sonweo may sasabihan lang sana ako para koronasyon Ni sophia. Siya pa namn ang susunod sa trono ko" sabi nang mahal na hari.

Nagkatinginan lahat sila at walang nagsalita.

"Mahal na hari, pagpaumanhin pero pwede ko po ba kayong makausap saglit? Tayong dalawa lang po" sabi ni Ice.

Tumingin namn siya kay Sophia at umiling.

"Sophia tara muna dun sa kwarto mo" sabi ni Samantha sa kay Sophia.

" Mahal na hari akyat po muna kami" sabi namn ni Suga at sinundan niya si Samantha at Sophia.





The Lost Powerful PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora