Chatper 29

575 12 0
                                    


Sophia POV

"Ice may sasabihin ako sa iyo." Sabi ko kay Ice habang pinagmamasdan namin ang kalangitan habang nakaupo sa hardin.

Tanging ilaw lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa amin dalawa.

"Nakasubaybay ang maymakapal sa ating lahat, bawat galaw natin ay nakikita niya. wala tayong takas sa mali na pinagagawa natin. Papatawarin niya tayo humingi lang tayo nang kapatawaran" sabi ko.

Umuwi si Sonweo sa kanilang palasyo at sa balita tungkol sa kanya napaparusahan siya sa kanyang mga magulang kaya hindi siya nakalabas nang kanilang palasyo.

Nagmaakaawa din ang kanyang magulang sa ama at ina ko pero naintindihan namn ito nang hari at reyna. Kinalimutan na nila iyon at hindi na nagalit pa dahil magulang ko sila at alam nila ang ikabubuti ng lahat.

"Alam mo ang saya nga ni papa nung sinabi mo na ikaw talaga ang tinakda para sa akin. Masmasaya kumpara nung nakilala niya si Sonweo. Gulat panga si mama pero parang wala lang at sinabi niyang ineexpect niya na ikaw talaga. " Sabi ko kay Ice.

Tahimik lang siya at ako yung salit ng salita.

"Yah! Ice ano na. ?!" Sabi ko at tinignan siya. Napatulala ako sa gwapo ng muka niya na naliliwanagan ng buwan.

Diko alam pero sa tagal namin magkilala ngayon ko lang siya natitigan nang matagal, tumatalon sa saya ang puso ko habang pinagmamasdan siya. Diko ito naramdaman sa buong buhay ko ngayon lang.

Ilaang senyales na pala ang nagpakita para sa amin dalawa pero hindi namin iyon napapansin at binabalewala lang dahil di namin alam na ito na pala ang katotohanan.

Katotohanan na magpapasya sa bawat isa sa amin. Iniisip ko matititigan ko pa kaya siya pagkatapos nang lahat nnag mangyayari pa sa hinaharap na tanging ako lang ang nakakalaam.

"Sophia, alam kong may gusto kang sabihin sa akin. Ano iyon? Hindi ko na tatangapin kung sasabihin mong wala lang" sabi ni Ice at sinalubong niya ang aking titig.

"Ice. Di pa tapos ang laban madami pa akong kailangan harapin" sabi ko sa kanya.

" At kung ano man yan nandito lang ako para samahan kang harapin at mananatili ako sa tabi mo kahit anong mangyari"

" Mahal na mahal kita Ice. " Sabi ko sa kanya na naluluha.

Hinalikan niya ako sa labi na tumagal nang ilang minuto at pinunasan niya ang mga luha sa mata ko.

"Ice mamatay sila mama at papa. Magkakaroon tayo ng dalawang anak bago mangyari yun. Magaganap na ang hinihintay nating laban sa mga masasama, makikita natin ang kaibigan nating nawalwala at isa siyang anak nang kalaban. Susubukan niyang patayin tayong magkakaibigan, mapapatay siya ni Sonweo pero magtatagumpay sila. Pagkatapos nun tatakas tayo. Magugunaw itong mundong ito, mawawala ang kahit ni isang alalaa na meron tayo sa mundong ito. Maninirahan tayo nang payapa at magiging kwento kwento na lang ang mundo natin sa mga tao. Magiging masamang nilalang tayo sa mga kwento at paningin nila pero halos lahat ay dina katotohanan pati sa paningin natin dalawa at ating mga anak. " Mahaba kong paliwanag.

" Kung ganoon mahal kong princessa. Diba tamang panahon na para ating gugulin ang konting panahon nandito pa tayo sa mundong ito? " Ngiti ni Ice sa akin.

" Tama ka.. saan tayo pupunta? " Tanong ko agad at tumayo na.

" Bukas pagtapos ng Koronasyon nating dalawa. May papakita ako sa iyo tiyak na magugustuhan mo. Ginawa ko ito para sa iyo, ilang taon na nakakalipas prinotektahan ko ito ng buong buhay ko hinihintay ko ang panahon nating ito. " Sabi ni Ice.

" Panahon na maging akin ang pinakamamahal kong babae sa mundo" dagdag niya.

The Lost Powerful PrincessWhere stories live. Discover now