Chapter 27

578 19 1
                                    

Hating gabi nang araw na yun. Gaya ng sinabi ng higanteng dragon pinuntahan niya ang lugar kung saan tinutukoy nito.

Sinamahan siya ni Ice.

"Magandang Umaga mahal na principe at mahal na princesa." Sabi nang isang magandang binibini na pinapalibutan ng mga malililiwanag na kulay.

"Ikaw ba?" Dipa natapos ni Sophia ang kanyang sasabihin nang sumagot ang binibini.

"Opo mahal na princesa, salamat sa pagtulong sa akin at sa iyo rin Principe Ice. " Napatingin ang binibini kay Ice.

Tumingin din si Sophia sa kanya nang makahulugan..

"Princesa pwede ba kitang tawagin Sophia at ganun din sa iyo Principe , Ice na lang " sabi nang binibini.

Hindi tinangihan nang dalawa ang sabi niya.

" Ako po ang taga hatid ng mensahe ng mga Gods and Goddesses ng bawat mundo. Hindi ako nagpapakita kahit kanina kung di kinakailangan pero dahil masyadong mabigat ang pangyayari kailangan ko kayung sabihan ng mas maaga pa. " Sabi nang binibini.

" Ibig sabihin totoo ang propesiya na nabasa ko, na mayroong nagbabantay sa dalawang mundo, ang mundo nang mga tao at mga may mahika kagaya namin? " Tanong ni Sophia.

Natawa ang binibini kay Sophia.

"Mahal na princesa madami ka pang kailangan matutunan at mapagdaanan. " Sabi niya.

" Isa na dito ang iyong malalaman at matututunan ngayon" dagdag niya.

Pinasundan niya sila papunta sa enchanted na waterfalls nang Academy.

"Natukalasan ng lugar na ito lahat ng pagsubok nang mundo. Bawat parte ng mundo hindi lang dito. Ang lugar na ito ay hindi bastbasta at alam kong alam niyo yun pero may mas malalim pa na kahulugan ang lugar na ito"

Tinawag ng binibini si Sophia.

" Tara dito mahal na princesa. Samahan mo ako papunta sa ilalim nang lugar na ito na tiyak na hindi mo pa napuntahan sa buong buhay mo. " Sabi ng binibini.

Tinignan niya si Ice. "Magtiwala ka mahal na princesa"

Sa isang iglap naglaho si sophia at ang binibini. Panakita lahat nang binibini ang dapat niyang makita.

_________________________

Isang buwan na nakalipas pero diparin bumabalik ang princessa.

"Ice ikaw kasama niya nang gabing iyon, Anong nangyari?" Tanong nang reyna kay Ice. Halos sa buong buwan na yun Dinagsasalita si Ice simula nung nangyari nung gabing iyon.

Diniya alam kung bakit ganoon katagal pero pinagakaktiwalaan ni Ice ang princesa at ang binibini.

"Pagkatiwalaan na lang po natin muna si Ice. Mukang seryoso ang nangyayari. " Sabi ni Samantha.

Si samantha, Suga at Ice. Alam nila ang totoong nangyayari, pinagkakatiwalaan ng mahal na hari at reyna ang mga ito pati narin ang kanilang anak. Dahil wala naman silang naramdaman na masamang nangyayari sa kanilang anak.

Pinuntahan ni Ice ang Hari sa hardin.

Umabot ng ilang minuto pero wala parin nagsasalita sakanila nang nagpakita ang princessa.

Lumitaw ang princess sa harap nilang dalawa at nagbigay galang sa kanyang ama.

"Papa narita na po ako. Huwag na po kayong magaalala" sabi ni Sophia. Di niya pinansin ang dalawa at yinakap ang kanyang ama.

" Anak narito kana .saan ka galing?" Sabi ng hari habang nakayakap sa kanyang anak.

"Mahabang byahe po pero mahalaga nandito na po ako, wala namn pong nangyaring masama. " Sabi ni Sophia.

" Kailangan mo magpakita sa iyong ina. Nagalala siya ng lubusan sa iyo"

"Opo..Tara po pasok na po tayu at uulan po" sabi ni Sophia. Napatingin namn ang ama niya sa langit at saktong pagpatak ng ulan.

"Mukang nagensayo ka sa iyong pinuntahana. Lumakas ang enerhiyang nakapalibot sa iyo anak" sabi nang hari.

" Oo nga po. Ang saya saya nga po eh" sabi ni Sophia pero yung tono nang kanyang boses kay kabaliktaran nang kanyang sinabi.

"Masaya ka ba tlga anak?" nagkwekwentuhan ang magama habang papasok sila sa palasyo.

Hindi na yun sinagot ni Sophia dahil narinig niya ang maingay na boses ng kanyang kaibigan na si Samantha.

"Sophia!!!! Nandito ka na!" Sigaw niya mula sa balkonahe ng palasyo. Tumakbo siya pababa na pinagalitan namn ni Suga dahil baka kung mapano siya.

Yinakap agad ni Samantha si Sophia samantalang sobrang ngiti namn ni Suga at Ice dahil nandito na siya.

Samantalang si Sonweo ay nakakaramdam ng kaba sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag..

"Anak! Ikaw ba yan?" Sabi nang reyna pagkababa niya sa hagdan. Napangiti nang sobra ang reyna at yinakap ang anak.

"Kala ko kung nawala ka nanamn sa piling ko" sabi nang reyna

"Grabe namn ma. Para naman akong bata. Matanda na po ako, at sa hindi humigit na isang linggo magiging reyna na ako" bulong ni Sophia sa tenga nang kanyang ina .

Silang dalawa lang ang nakarinig nito at tinignan ng makahulugan ng reyna si Sophia.

"Mahal kong hari kailangan ata natin magusap na tatalo nang ating anak" sabi nang reyna agad sa hari.

Nagulat namn ang hari pero sinundan lang niya ang dalawa niyang pinakamamahal na babae.





The Lost Powerful PrincessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant