Claire's POV
Gago yun si mark pinicturan nanaman ako nun! Pero bakit iba feeling ko sakanya?? Hayysss di dapat ganto ehh :( di ko alam tawag dito :(
Habang nagkaklase nagdadrawing lang ako at ang nadrawing ko ayyy siii!!
MARK?!?! Bwiset! Bat siya? -.- hayys matuloy na nga lang habang nagdadrawing may lumitaw sakin na papel at nakasulat:
"Sisig ka ba?
~Mark"
Huh? Sisig? Ano ako ulam?!?!
Sinulatan ko naman yung bigay niya
"Gutom ka ba?
~Claire"
Hizon's POV
Yowwn! Akala ko di na ko bibigyan ng POV ni sis k. Eh hahaha!
Alam niyo yung feeling ng messenger?? Yun kase yung role ko ehh -___- nagpalipat kase ako ng upuan kaya nasa gitna ako nila claire pero nakakabagot ahh!! -__- ginagawa akong mailbox! Sa pogi kong to!! Pshhh
Nagbigay nanaman si mark ng sulat..
Tas si claire naman
Tas si mark ulet
Tas claire nanaman -____-
Hizon: HOY ANO BA KAYONG DALAWA GINAGAWA NIYO KONG KARTERO!!! PURO LOVE LETTERS LANG NAMAN!! -__-
Mark&Claire: O.O
Ms. Stacey: mr. Cruz get out!
Ano daw?!?! Get out?? Ano ako aso?!?! Bwiset tong dalawang to lumabas na lang tuloy ako :(
Claire's POV
Hala! O.o kawawa naman si hizon dahil sakin napalabas bwisit kase tong mark na to ehh -__-
Ganto kase yung nangyare..
*Flashback*
Dinadrawing ko yung mukha ni mark. HOY DI KO SIYA CRUSH!! Baka sabihin niyo gusto ko siya ewan ko ba kung baket pero siya yung nadrawing ko... ^____^v tapos biglang may lumitaw na note sa desk ko
"Sisig ka ba?
~Mark"
Gago to ah! Shempre di naman ako bastos kaya nagreply ako
"Gutom ka ba?
~Claire"
Tas pinabigay ko kay hizon nasa gitna lang naman namin siya ehh tapos may lumitaw ulet na note. (Baka matapos ko yung drawing ko diba??!?! -__-)
"Hindi ahh! Tugak!
~Mark"
Tapos sulat ulet ako
"Eh bat tinatanong mo kung sisig ako?!? Bobo ka pala eh! -__-
~Claire"
Tapos nagdrawing na ulet ako ng may biglang lumitaw ulet saken na note!
"Kase SISIGuraduhin kong akin ka lang :*
~Mark :)"
Huh????? Ano to pumipick up lines si mark!! Hahahahah! XD mareplyan nga
"Gago to oh!! Wag ako iba na lang!
~Claire"
Ng binigay ko kay hizon ng biglang!
Hizon: HOY ANO BA KAYONG DALAWA?!? GINAGAWA NIYO KONG KARTERO! PURO LOVE LETTERS LANG NAMAN!!! -__-
Itsura namin ni mark
Mark&Claire: O.O
Ms. Stacey: Mr. Cruz get out!!
*End of flashback*
*Lunch break*
Stella's POV
Iniwan nanaman ako ni KC!! -__- hayyss pano ba naman kase sinundan niya si hizon
Muntanga diba?? Naiwan niya ulet yung sketch journal niya... Wala naman sigurong masama kung tignan diba? :)
Pag tingin ko dun sa nakabookmark bigla na lang lumitaw saken yung sketch ni mark :O shit don't tell me!! Alam ko na to kase nangyare na to ehh pag may gusto siya or crush sa isang artista! Dinadrawing niya agad :O eh di naman artista si mark ehhh
Claire: Stella??
Shit si KC pano na sabihin ko na lang.. Kasama niya pa man din sila hizon
Stella:Kc umamin ka nga saken, gusto mo ba si mark?
Claire: Ano?! Ayos ka lang ba stella janelle?!?! Gumising ka nga!! -___-
Stella: pero bakit yung sketch journal--
Claire: wala na kasi ako maisip na idrawing kaya si mark na lang >___<
Hizon,Gabby, and Mark: KC?!?!?!
Claire: ang daldal naman kase eh! :/
Mark: yung totoo? Ano ba talaga pangalan mo???
Claire: claire! Bobo ka ba?? -___-
Akala ko gusto ni claire si mark ehh heehee!!
Hizon: eh ano yung KC??
Stella: nickname niya yun okay? Wag na kayong magreact!!
Hayys buti na lang wala si chelsea kundi baka kiligin yun ^,^
BINABASA MO ANG
Captions
RomanceSteps for love? Stop, Look, Capture, and you'll never know the result until you start to develop.