Rein
Hindi ako nakapasok sa school ngayon.Sobrang sama ng pakiramdam ko at sumasabay pa ang sakit ng puso ko.I barely eat this past week.Wala akong gana.Hindi ko rin makausap si L.A. at ang iba ko pang barkada.Ang mga IV of Speds ay busy din sa buhay nila.Joanne is with Ashly all the time,pinag-iisipan ang future nila and then magbe-break at magkakabalikan ulit.Aubrey is always in the Library with Ion,malapit na ang exam at hindi siya papayag na bumagsak ulit siya kay Ma'am Tolentino,teacher namin sa Physical Science.Reylane as always ay pachill chill lang,I always encourage her to go to school pero hindi naman siya pumapasok.I love my squad.Pero bukas ko na sila kakausapin.I am stressed and depressed this day.I am too weak to tell them about my problem.
"Ano dyan ka na lang magdamag?"
I saw L.A. standing next to my door.He's wearing his uniform and ready to go to school.
"I'm too weak to argue with you Lewis Alexander"
"And I'm too mad to carry you out of your bed and push you into the bathroom,Rein Jean"
Bumangon na lang ako at pumasok sa c.r. naligo ako at nagbihis ng uniform.
Kakasabi ko lang na hindi ako papasok dahil masama ang pakiramdam ko.And here I am,wearing my school uniform at walang kagana-ganang kumain ng agahan kasama si L.A.
"Cheer up,you're so ugly when you're sad"
"Masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako papasok.Kaso mukha kang tanga kaya nandito ako papasok kahit sobrang hina ko"
Nilapat niya ang palad niya sa noo ko at leeg.Binuksan nya ang kabinet malapit sa lababo at kumuha ng pill case.Naglagay siya doon ng apat na paracetamol.
"Ayan,kumpleto na yan,one paracetamol 7:00,and another one 10:00 and the other 2:00 and the last 5:00"
"Ino-overdose mo ba ko?"
"Hindi naman,slight lang"
We finished our food at umalis na.
Sobrang bigat ng bag ko dahil nilagyan ni L.A. ng dalawang cupnoodles,isang litro ng tubig at lunchbox pa namin.
As I walk in the hallways I saw Brein talking to his ex.Makikipagbalikan ata ang tanga.I just pass by them.Sobrang bigat na ng dinadala ko idadagdag ko pa ba sila.
Kasing bigat ng bag ko ang dinadala kong problema,isisiksik ko pa ba sila?
BINABASA MO ANG
August
Short StoryA short story. This short story is dedicated to my boybestfriend who leave me a long time ago.As a thank you for being there for almost three years. Month Series#1