Jema Pov
Kahapon pa ako iniiwasan ni Deanna well dahil siguro yun sa pagpili ko kay Fhen. Di ko naman kasi alam na magseselos siya ng ganon eh (san ko ba nakuha ang selos na word eh hindi naman siya nanliligaw o di kaya umaamin) . Ngayon ang flight niya at di parin niya ako pinapansin kaya naisipan kong itext nalang siya
1 message recieve
To:Deans
Psst di mo ko pinapansin galit ka ba sa akin? Bago ka umalis usap muna tayo oh. Please huwag ka na magalit 😓To:Deans
Uy! Nagseselos ka siguro no?🤔To:Deans
Puntahan kita diyan sa bahay niyo ha? Huwag po muna ikaw aalis. Bibihis lang ako see you DeannaTo:Deans
Nandiyan ka pa ba sa bahay niyo o nasa airport ka na?Kainis naman kagabi pa siya hindi nagrereply. Ayaw ko ng ganito eh iiwan na nga niya ako pero di pa kami ayos. Please Deanna answer me this time
Ringing.. Deans
At dahil di niya ako sinagot dali dali akong naligo at nagbihis, grabe yung ligo ko 3 minutes lang. Kailangan kong maabutan si Deanna this time sasabihin ko na talagang mahal ko siya, kung gusto niya ako na ang manliligaw sa kanya ngayon palang. Natapos na ako sa lahat ng dapat kong gawin i wear my necklace ibibigay ko ito kay Deanna para lagi niya akong maalala.
"Nay alis muna ako ha puntahan ko lang po si Deanna sa bahay nila baka di pa nakakaalis"
"Sige nak pakisabi narin sakanya have a safe flight at mag ingat siya lagi doon. Mamiss namin siya ni papa mo at ng mga kapatid mo"
"Ate pakisabi kay ate Deanna size 7 ako ha? Thank you"
"Hoy manahimik ka diyan Mafe! Nakakahiya ka talaga"
"Sige na lumakad ka na anak at baka di mo pa yon maabutan"pagtaboy sa akin ng nanay ko
Kakaligo ko lang pero basang basa na naman ako ng pawis kakatakbo ko para makarating sa bahay nila Deanna well 300 meters lang naman ang agwatan ng bahay namin. Hingal na hingal na ako at ramdam kong tuyong tuyo na ang lalamunan ko dahil tirik na tirik ang araw. Nang matanaw ko ang bahay nila ay nanghina ako dahil nakita ko ang mga kaibigan niyang nasa labas na ng bahay nila. Wala na si Deanna mukhang nakaalis na.Ngunit habang palapit ako ay napansin kong hindi pa nakakalayo ang sasakyan kaya hinabol ko ito. Pero huli na ako dahil mukhang di na nila ako maririnig pa nakalayo na ito mga 100 meters. Napaupo nalang ako sa kalsada at unti unting bumagsak ang aking mga luha. Naramdaman kong pinagmamasdan ako ng buong tropa ngunit wala ni isa sakanila ang humawak sa akin. Napayuko nalang ako sa sobrang pagkadismaya.
"Deanna...."tanging sambit ko habang umiiyak
"Ano bang naisipan mo at diyan ka pa nagdrama sa kalsada? Tirik na tirik ang araw oh!"si Deanna to hindi ako pwedeng magkamali. Inangat ko ang tingin ko at tama nga ako siya nga. Niyakap ko ito ng napakahigpit, yakap na parang ayoko ng bitawan pa siya.
"Deanna huwag ka ng umalis please dito ka nalang"pakiusap ko sakanya
"Sorry Jema but i need to leave, huwag ka ng umiyak hindi mo kasi bagay eh. Basta lagi kang mag iingat dito at huwag mong pababayaan ang sarili mo. Huwag ka ring iiyak sa kalsada ha?"pagbiro niya kaya napalo ko ito sa braso niya
"Hihintayin kita Deanna, mahal na mahal po kita"there i said it, alam ko nagulat sila pero this is my last chance
"Mahal din kita Jema, babalikan kita at pagbalik ko papakasalan na kita."
"Kasal agad eh hindi ka pa nga nanliligaw eh"singit ni Fhen
"Manahimik ka Fhen liligawan ko siya kahit nasa States na ako and i will make sure na di ko siya sasaktan gaya ng ginawa mo sakanya"
"Deanna pwede ba akong sumama sa airport?"tanong ko sakanya at nakayakap parin ako dito
"Yes naman pero stop crying na ok?"
Pagdating namin sa airport ay pumasok na agad si Deanna para icheck in ang mga gamit niya. Nang matanaw namin siya sa may exit ay hindi ko na napigilang bumuhos ang luha ko.
"Oh Cy ikaw na ang bahala kay lola at Jema ha? Protect them always"
"Oo pinsan makakaasa ka basta size 9 ako ha?"
"Apo mag ingat ka doon ha? Huwag maging pasaway"tumango lang naman so Deanna at nagtungo na sa akin
"Hey stop crying na po please, Jema hintayin mo ko ha? I love you po, mag iingat ka dito lagi at huwag pababayaan ang sarili"
"I love you too Deans"at niyakap ko na siya ng mahigpit. Nang kumalas na kami sa yakapan namin ay pinagmasdan ni Deanna ang mukha ko nagulat nalang ako ng hinalikan niya ako sa labi. It was a smack, is this for real? Well she is just took my first kiss hindi naman ako nagalit dahil gusto ko rin naman ito
"Mag iingat ka palagi. Hintayin mo ko Jems"at tuluyan na siyang pumasok sa loob
BINABASA MO ANG
Will you still love me the same
FanfictionWhat will you do if you know my story? Will you still love me the way you love me before? Will you leave me because of those revelations that ive tell? Just tell me now so that i can go back to the real me