Jema Pov
Noong nakaraan ay may nabalitaan ako, well gustong gusto ko siyang kausapin pero hindi ako makahanap ng magandang timing. Di naman kami ganon kaclose para ako ang unang magapproach eh well in fact saka lang ako kinakausap non pag may kailangan siya. Nag-aalala ako sakanya baka mamaya mapahamak na siya diyan sa ginagawa niyang yan.
"Kyla can i have a favor? Pwede mo ba akong samahan ngayon may pupuntahan lang tayo"
"Ah eh pagod ako eh ang sakit ng paa ko bes"
"Libre kita food mamaya, ano di ka pa ba sasama?"
"Syempre sasama joke ko lang naman na masakit paa ko eh. Ramen tayo mamaya bes ha? Namiss ko kasi magramen"
"Ok"tipid na sagot ko
Habang naglalakad kami ay kinakabahan ako hindi ko alam kong kakausapin niya rin ba ako. Well di ko na kasi talaga siya kilala ng ganon, kasi like what ive said kilala lang niya ako pag may kailangan siya
"Uy bes bakit tayo dito pupunta ha?"
"Gusto ko kasi siyang kausapin,nag aalala ako sakanya bes"
"Ang tanong lang bes papakinggan ka ba niyan? Eh ang tigas tigas at ang taas taas ng pride ng taong yan eh. Pero cute naman siya eh"wika ni Kyla nanlaki naman ang mata ko dahil sa huling sinabi niya
"Type mo pinsan ko no?"i just tease her
"Actually crush ko siya haha, ang hot niya kasi yun nga lang tarantado"
"Manahimik ka walang hiya ka"
Nakarating na nga kami pero hindi mahagilap ng mata ko ang taong hinahanap ko, ang sabi sa akin bumili ito ng yosi at baka pabalik na siya. Ilang minuto pa ang hinintay ko at dumating na rin ito hawak hawak ang isang kaha ng yosi
"Oh! Pinsan nandito ka anong maipaglilingkod ko sayo?"wika niya ng makita niya ako
"Holy shit magpinsan kayong dalawa?"wika ng kasamang babae nila Cy
"Actually pinsan namin siya pero mga 10th cousin na namin siya haha"agad namang binatukan ni ate girl si Cy
"We just call her pinsan kasi nga noong bata kami lagi namin siyang kalaro ng mga pinsan ko kaya pinsan narin ang tinawag namin sakanya pero di namin siya pinsan ha. Wala naman kaming pinsan na pangit eh"wika ni Deanna
"So magkapit-bahay kayo? Well by the way ako nga pala si Eya girlfriend ni Cy"
"Ah nice to meet you by the way Jema nga pala at itong kasama ko naman ay si Kyla"
"Ah pinsan oh gusto mo yosi?"aba ibang klase tong taong to alam na wala akong bisyo eh
"Ha? Gago ka talaga kahit kailan alam mong wala akong bisyo, pumunta lang ako dito para kausapin ka"agad naman niya akong hinila palayo sa tropa niya
"Anong pag uusapan natin ha?"wika niya habang hinihithit ang yosi na hawak niya
"What are you doing in you life?! Hey Deanna hindi ikaw yan!! Anong gusto mong mangyari sa buhay mo?! Kung pamilya niyo nasira please lang huwag pati sarili mo sirain mo! Bakit di ka nalang mag aral ng mabuti para maipakita mo sa mga taong nang api sayo noon na may maipagmamalaki ka!"
You read it right, Deanna is from a broken family wala siyang nanay wala na siyang tatay. Actually pinapaaral nalang siya ng tita niya na nasa abroad at nakatira siya sa bahay ng lola niya. She is a victim of bullying noong bata pa kami and that is what push her to be the monster she is right now
"Look Jema hindi ko sinisira ang sarili ko o ang buhay ko. Hindi ka ba masaya na ngayon kaya ko ng lumaban? Nag-aaral naman ako ah ang taas nga ng grades ko nasa rank list pa ako. Please Jema dont change who i am today"
"Are you happy sa ganyang lifestyle mo ngayon?"tanong ko sakanya at tumango ito
"Yes im happy, hindi na ako kagaya ng dati Jema. Hindi na ako ang dating Deanna na laging binubully at lampa. This is me right now at masaya ako ngayon"
"I will not change you ang pakiusap ko lang sana naman huwag ka ng mainvolve pa sa mga gulo"
"I won't promise you that Jema. Im sorry"wika niya at hinalikan naman ako nito sa noo
BINABASA MO ANG
Will you still love me the same
FanficWhat will you do if you know my story? Will you still love me the way you love me before? Will you leave me because of those revelations that ive tell? Just tell me now so that i can go back to the real me