Jema Pov
Nakakainis talaga itong si Deanna kahit kailan napakahambog, lagi ko tuloy akong napapaisip kong seryoso ba talaga siya sa akin o gaya din ako ng mga naging ex niya na kung di pustahan ng barkada ay trip niya lang talagang ligawan. Knowing Deanna Wong pag alam niyang may gusto ka sakanya di ka talaga niya titigilan hanggang maging kayong dalawa kumbaga gusto niya laging easy to get.
"Ate labas ka na diyan sa kwarto mo! Tinatawag ka ni nanay ipapamigay ka na daw niya sarap buhay ka daw kasi, anong oras na tulog ka parin"sigaw ni Mafe
"Ingay mo bunso! Ito na lalabas na, naghilamos lang naman ako"
"Naghilamos?? Weh di nga ang sabihin mo nagexplain ka sa boss mo ng wala sa oras"wika ni Mafe na pangisi ngisi
"Alam mo ikaw sarap mong ipamigay eh! Sarap mong itapon sa labas!"wika ko at hinampas ko ito sa braso niya
"Anong kalokohan na naman ang ginagawa niyo diyan? Mamaya magkasakitan kayo, para kayong mga bata mamaya may iiyak na naman diyan at magsusumbong"wika ni ate Jovi
At dahil sa sinabe ni ate Jovi ay nagkatinginan kaming dalawa ni Mafe. Well siblings instinct ayon mapagtripan nga ang panganay namin na epal
"Luh si ate Jovi, ate Jema oh nakikisali sa atin haha. Kapatid mo ba yan?"wika ni Mafe na pangisi ngisi pa
"Luh ikaw ata ang kapatid niya eh, tignan mo kamukha mo siya"wika ko sabay check sa mukha ni Mafe
"Luh ikaw kaya kamukha niya, uhh baka naman pinamigay lang yan ng mga magulang niya kila mama kaya naman wala siyang kamukha sa ating dalawa"wika ni Mafe
"Tara na nga Mafe huwag mo ng pansinin yan di naman natin kapatid yan eh, balita ko ampon lang yan nila mama walang kamukha eh"wika ko at hinatak si Mafe papunta sa kusina
Nang makarating kami sa kusina ay nakita ko ang mga magulang namin na masama ang tingin sa aming dalawa ni Mafe, kung ano ano kasing mga kalokohan namin ito na naman po kami mapupulutan na naman ng sermon. Nakatayo lang kami ni Mafe at natatakot na lumapit ng bigla namang padabog na umupo si ate at tinignan niya kami ng masama
"Ano na namang ginawa niyong dalawa at ganito na naman ang mukha ng ate niyo?"wika ni tatay
Wait teka lang matatakot ba ako o matatawa? Haha sarap kasi asarin ng ate namin samantalang si Mafe naman ay pinipisil pisil ang kamay ko
"Ma, pa alam mo ba sinabe nila sa akin na hindi daw nila ako kapatid, na hindi niyo ako anak. Pinamigay lang daw ako sainyo wala daw po kasi akong kamukha"wika ni ate na nakabusangot
Natawa nalang kami ni Mafe nung nagsumbong si ate at umupo na kami sa harap ng hapag kainan
"Whaha sinong sumbungera ate Jema kong maganda?"wika ni Mafe
"Sino pa ba edi walang iba kundi si JOVI GALANZA"wika ko at tumawa ng malakas at nag appear pa kami ni Mafe
"Iiyak na ate oh haha"wika ni Mafe samantalang napatawa narin ang tatay namin
"Pa! Pati ba naman ikaw sobrang saya sa kalokuhan ng dalawang yan?! Kaya ang tigas ng ulo ng mga yan at lagi akong pinagtritripan dahil lagi mong sinasabayan eh"wika ni ate Jovi na inis na inis
"Alam niyo kayong apat pag uuntugin ko kayong lahat?! At ikaw naman Jess talagang nakisabay ka pa sa mga yan ha!! Kayong dalawa naman Mafe at Jema lagi niyo nalang iniinis yang ate niyo"wika ni mama at piningot kaming dalawa ni Mafe
Lumapit kaming dalawa ni Mafe kay ate Jovi at hinug namin siya. Well ganito talaga kaming tatlo lagi naming pinagkakaisahan si ate Jovi mabilis lang kasi maasar
BINABASA MO ANG
Will you still love me the same
FanfictionWhat will you do if you know my story? Will you still love me the way you love me before? Will you leave me because of those revelations that ive tell? Just tell me now so that i can go back to the real me