Fhen Pov
Hinabol ko siya hanggang sa mahawakan ko ang kanyang mga kamay. Niyakap ko siya ng napakahigpit ngunit isang sampal lang ang kanyang iginanti. Ang tanga ko dahil niloko ko ang isang kagaya niya, natukso lang naman ako. Nagbago ako simula ng matauhan ako kaya hiniwalayan ko ang babae ko. Isang buwan na ngunit di parin kami nakakapag usap na dalawa, balita ko lagi silang magkasama ni Deanna. Well noon palang alam ko namang may something sa kanilang dalawa kaya nga nagmadali akong makuha si Jema ng malaman kong taken na si Deanna. Now im ready na puntahan ulit si Jema explaine myself and ask for her forgiveness. Whatever her decision is i will not stop until maging kami ulit na dalawa.
"Tita nandiyan po ba si Jema?"tanong ko sa nanay niya na nagwawalis sa labas ng bahay nila
"Oh Fhen ikaw pala? Anong meron at naparito ka sa bahay? Kung si Jema man ang tinatanong mo ayon nandun kila Deanna puntahan mo nalang"
"Tita pwede po ba tayong mag-usap?"
"Bakit tayo mag-uusap? May kailangan ba tayong pag usapan? Para san?"
"Tita alam ko pong may alam kayo sa nangyari sa amin ni Jema. Tita nandito po ako para humingi po ako ng tawad sa nagawa kong pagkakamali at humihingi po ako ng pangalawang pagkakataon"
"Fhen alam mo dati ok lang sa akin ang lahat eh, pinagkatiwala ko sayo ang anak ko kahit alam kong masyiado pa kayong mga bata pero Fhen ang lokuhin mo ng ganun ganun lang ang anak ko ibang usapan na yon. Alam mo kung gusto mong humingi ng tawad at pangalawang pagkakataon kay Jema please lang huwag ako ang kausapin mo dahil sa huli desisyon parin ni Jema ang masusunod"
"Fe sinong kausap mo diyan ha?"rinig kong wika ng tatay ni Jema ng lumabas ito sa bahay. Nakita ko ang gulat niya ng makita niya ako sa labas ng kanilang bahay
"Oh bakit may masamang hangin ata ang napadpad dito sa bahay"
"Hello po tito magandang umaga po, tito di na po ako magpapaligoy ligoy nandito po ako para makausap si Jema at humingi narin po ng tawad sa mga nagawa kong pagkakamali"
"Umalis ka na dito dahil wala si Jema dito, at isa pa huwag ka ng humingi ng tawad diba sinadya mo naman lahat ng yon?"
"Tito hindi po totoo yun nagkamali lang po ako, tito maniwala po kayo sa mga sinasabe ko"
"Ah nagkamali ka? Totoo ba yun ha? Ang pagkakamali kasi ang ibang-iba sa sinadya. Ang pagkakaalam ko kasi sinadya mo ang mga ginawa mo may Jema. Walang pagkakamali na umabot ng isang buwan at inaaraw araw kahit alam na maling mali ito.
"Pa! Yung niluluto niyo po masusunog na darating na sila ate mamaya!"rinig kong wika ni Mafe sa loob ng bahay nila
"Dito ka nalang kumain mamaya, madami naman kaming iniluto eh. Para makausap mo narin si Jema pero kung ano man ang sabihin niya irespito mo yun"wika ng tatay ni Jema
BINABASA MO ANG
Will you still love me the same
FanfictionWhat will you do if you know my story? Will you still love me the way you love me before? Will you leave me because of those revelations that ive tell? Just tell me now so that i can go back to the real me