Deanna Pov
Welcome back Deanna, welcome to your home! Hello Philippines. Feels good to be back im sure Cy is waiting me outside nagpasundo kasi ako sakanya and i already told her everything kaya naman nagulat pa ito noong una.
"Deanna! Dito!!"sigaw ni Cy ng makita niya akong palabas na
"Hoy kumusta pangit?! Ano wala bang nakakaalam na umuwi ako?! Di ba sila nagtaka sa bahay niyo na sobrang aga mo nagising? Hehe"pang asar ko dito
"Walang nakakaalam kaya you are safe, tara na at inaantok pa ako grabe ang aga ng dating mo hayop ka"wika nito at binuhat ang mga bagahe ko papunta sa sasakyan niya
"Tara muna sa Jollibee breakfast ka muna mukhang gutom ka na eh dont worry treat ko pinsan kaya relax ka lang diyan. Huwag ka mahiya"wika ko at hinatak siya papunta sa Jollibee
Nagorder siya ng two pieces chicken samantalang ako ay isang coffee lang.
"Kumusta sila tita sa States pinsan? Ayos ba doon?"wika nito habang kumakain
"Ayos naman sila doon pero mas ok dito kasi nandito si Jema at siempre mas sanay ako dito eh"wika ko
Madami pa kaming napagkwentuhan na dalawa na kung ano ano pati mga kabulastugan niya at mga gala nila kasama niya si Eya at ang buong barkada. Nang matapos kami ay niyaya ko na itong umuwi na ngunit natagalan pa kami dahil naghanap pa kami ng nagtitinda ng bulaklak well im gonna surprise my queen.
"Ano Deanna sa bahay ka na ba baba o kila Jema? Sabihin mo na at malapit na tayo kila Jema"wika ni Cy habang nagdadrive
"Ah Cy yung mga gamit ko nalang muna iuwi mo sa bahay, iwan mo nalang doon ha? Mamaya na mga pasalubong matulog ka nalang muna ulit. Doon muna ako kila Jema pupunta kaya ibaba mo ako doon"wika ko at tinapik ko ito sa braso niya
"Sus parang gusto ka naman makita ni Jema eh may iba na yun eh yung lagi niyang kasama na gwapong maganda"wika ni Cy kaya kumunot noo ko.
"May kasama siya lagi? Ay oo naalala ko na yun yung new friend niya na nakwento niya sa akin noong nakaraan pero di ko pa siya nakikita."wika ko
"Oh sige na where here na po sa mahal mo pero may mahal ng iba"wika ni Cy
"Wala kang pasalubong sakin! Tandaan mo yan!"pagbanta ko sakanya at lumabas na ng sasakyan niya
Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nila its already 6 siguro naman gising na ang mama namin este ang mama niya pala. Nakawalong katok na ako pero wala paring nagbubukas ng pintuan. Last two knocks at aalis na ako pero bago pa ako kumatok ay nagbukas na ang pintuan.
"Deanna?!!!"sigaw ni tita at halatang naistorbo ko sa pagtulog
"Ikaw nga Deanna! Kailan ka dumating akala ko ba sa States ka na mag-aaral?! Naku pasok ka!"masayang wika ni tita at hinatak ako papasok sa loob
"Good morning tita, ah eh kanina lang ako lumapag mga 4:30 sinundo po ako ni Cy sa airport tapos nagpahatid na po ako dito namiss ko po kasi kayo eh"wika ko at niyakap ko ito
"Magtigil ka nga diyan Deanna alam ko naman na hindi yang tita mo ang miss mo kundi ang Jema namin"wika ni tito na kakalabas lang sa kwarto
Agad naman akong nagtungo sa kinatatayuan niya at binigyan ko ito ng isang mano ngunit ayaw niya kaya niyakap ko nalang ito.
"Bakit ka pala nauwi ditong bata ka ha? Akala ko ba doon ka mag-aaral?"takang tanong ni tito
"Ah kasi po mahal mag-aral doon at ayoko din po doon baka pagbalik ko may bago na si Jema hehe"wika ko at binatukan naman ako ng tatay niya
"Dami mong alam na bata ka, sige diyan ka muna sa upuan at maghahanda kami ng tito mo ng agahan natin"wika ni tita
"Ah tita baka naman pwedeng pumunta nalang ako sa kwarto ni Jema gusto ko kasi paggising niya makita niya ako"wika ko na pangisi ngisi pa
"Oh siya sige may magagawa ba ako? Alam mo namang butong buto kami sayong bata ka kahit na napakatigas ng ulo mo"wika ni tita
"Basta Deanna huwag mong gahasahin ang anak ko diyan ha? Malilintikan ka sa akin"pagbanta ng papa ni Jema
"Opo tito behave po ako"
BINABASA MO ANG
Will you still love me the same
FanfictionWhat will you do if you know my story? Will you still love me the way you love me before? Will you leave me because of those revelations that ive tell? Just tell me now so that i can go back to the real me