********
titititit!! titititit!! 4:30 am....... (maingay na alarm nang cellphone nito)
*****
"hhmmm good morning world" pabulong nito gamit ang morning voice na sooobrang nakakaakit.
(A/N: langya iba talaga ang utak nang author pasensya).
Agad na kinapa ang cellphone nito sa itaas na parte nang upuang tinutulagan nito upang patayin ang alarm at nang mapatay na ay nag inat ito habang nakahiga ginusot ang mga mata nang kaonti at agad nang tumayo nag tungo sa cr at pag labas ay agad na nag hilamos ito at nag sipilyo, matapos yun ay uminom na muna nang tubig at sandaling nag push up ito.
after his morning routine ay agad nang nag handa upang magluto nang umagahan dahil maagang umaalis ang papa nito na GRAB Driver.
"Hmmmm ano nanaman kayang exotic ang maluluto ko ngayon heheh" Mapilyong ika nito nahabang nakahawak sa baba at nag iisip sabay kamot sa ulo nang mapagtanto na lagi naman ganun ang luto nito habang nasa rooftop at tinitignan ang mga maaring gulay na mailuluto nito.
Agad na kumuha nang kaldero, ng dilis at nag hiwa ng sibuyas at bawang, pati narin yung mga gulay na galing sa itaas ang talong at yung petchay.
Iginisa nito ang bawang at nang pumula na isinunod nito ang buyas at nang ok na ito ay inilagay narin nito ang dilis nang luto na ang dilis ay isinunod na nito ang talong na hiniwa hiwa nang mapabilog na maliliit nilagyan ng kaonting sabaw binudburan nito ng asin at kaonting patis at huling inilagay ang petchay nang kumulo na ay pinatay na nito ang niluluto.
4:50am....
"mag sasangag nalang ako at tapos na din" ika nito habang nag hihiwa nang bawang
******
After a minute ay na tapos nadin ang pag luluto at nakaayos na sa hapag kainan, sakto naman at nagising na ang mama at papa nito.
"good morning sa maganda kong mama at sa pinaka pogi kong papa tara po upo na po kayo dito at kumain na, lalo kana pa.. babyahe ka pa po ngayon breakfast ang-----" hindi na natapos ang sinasabi nito
"--- Ang pinaka mahalagang meal sa araw araw dahil ito ang magiging fuel nang katawan natin ahaha!" pag tatapos nang mga magulang nito habang tumatawa sa mahabang lintana nito sa araw araw
"heheh tama kayo jan ma, pa" heheh napakamot ito sa ulo na tila bay nahiya sa mga magulang niya.
"ayyiish hheh tara na nga po at kumain na tayo" sabi nitong muli upang makatakas sa kahihiyang nararamdaman.
************
Matapos kumain nang pamilya ay agad na din nag asikaso ang mga ito ang binata ay nag hugas na ng pinagkainan matapos nun ay pinunasan na nito ang sasakyang gagamitin nang kanyang papa para sa byahe mamaya at ang mama naman nito ay inaayos na ang damit na isusuot nang asawa habang ito ay naliligo pa.

BINABASA MO ANG
Love By Accident
Ciencia FicciónA story of a man na naghahanap sa dream girl niya but then while his looking for that woman he also found out something and make him much more special he got an supernatural ability that changes his life and found his beloved half