"Hoh! Natapos ko rin."Niligpit ko ang mga gamit ko at itinira ang kwadernong dala dala ko palagi.
Bago ko ito basahin ay tiningnan ko muna ang laman ng maliit kong bag, naglalaman itong mga nalikom kong pera mula sa paggawa ko ng mga tula. Isa kasi sa mga assignments namin ay ang gumawa ng tula.
Karamihan sa mga kaklase ko ay nagpapagawa ngunit mas marami parin ang nagpapagawa mula sa ibang section.
'Kunti nalang mabibili ko na ang paborito kong panulat' (ballpen).
Naalala ko pa ang mala ginto nitong kulay, ang mga dyamanteng nakadisenyo rito na talaga namang pumukaw ng atensyon ko. Pinatago ko pa ito sa may ari at pinangakong babalikan ko, kailangan ko lang talagang pag iponan.
Lagpas alas dyes na ng gabi ng matapos kong iayos ang laman ng kwento ko, ito ang dahilan kung bakit kada linggo nasa covered court ako. Gamit ang mga taong nakikita ko, ang mga sitwasyon at ang mga ugaling ipinapakita ng mga ito'y nagbibigay saakin ng motibasyong gumawa ng kwento.
ZzzzzzzzZzzzzzzzz
.
.
.
.
.
.
.
*Clap*Dumagundong ang palakpakan matapos kong ilahad sa harap ng mga kaklase ko ang kwentong kakatapos ko lang kagabi.
"Excellent Mr. Henry. How did you got such an inspiring story, well done— and by that you've got the perfect score." Ms. Annallese.
Nice C.
Wow galing mo C
C go C
Kaniya kanyang sigawan ng mga kaklase ko na nakapagpangiti sa akin ng mapakla. Ilang saglit at bumalik na ako sa upuan ko.
Kailan kaya mangyayaring may pupuri sa akin ng maayos yong walang bahid ng kaplastikan.
Masyado lang akong nagpadala sa kagustuhan ko. Wala naman talagang nakikipagkaibigan sakin sa kadahilanang weirdo daw ako. Lahat ng nakikita ng mga mata ko ay pawang disguise lamang. Kailangan nilang umakto ng ganyan sa harapan ko dahil kong hindi, hindi sila makakalapit sa akin, pero kahit naman hindi sila makipagkaibigan makakalapit parin sila. Sadyang ayos lang sakin, ayos lang naman siguro dba?
"Okay! prepare a piece of paper. We have 100 items test."
"One!—"
'Psst! O_o wag mong takpan
'C? Ano ba yan hindi ko Makita
Pabulong ng mga kaklase ko.
At nagpatuloy lang ang ganong kagawian hanggang sa matapos ang buong klase.Umuwi ako agad at ipinagpatuloy ang isa ko pang kwento. Malapit na rin itong matapos at kukunin na ito nong estudyang nagpagawa nito.
Ibebenta ko ito sa malaking halaga sayang naman ang pagpupuyat ko nito kung ganong mura lang ang benta ko. Naalala ko ang nangyayari kanina kaya sinali ko na rin ito sa pagsulat ko.
Ilang oras rin ang nagdaan bago ko ito natapos.
Im looking forward to have you my precious pen, he he he he.
Alas tres na ng gabi pero masyado akong na excite na makuha ang panulat na yon, napagpasyahan kong lumabas muna at hindi na matulog pa. Naligo ako at nagluto. Pumasok ako sa kabilang kwarto at kinamusta ang nasa loob nito.
Ayos na naman sya, nawala na ang init nya.
Unti unting namuo ang butil ng luha sa mga mata ko ngunit agad ko rin namang pinunasan.
'Nay gagaling ka rin, pangako.'
Sana isang araw makahanap ako ng paraan maayos lang lahat ng bagay. Isa nga akong manunulat, binibigyang buhay ang mga pangyayari ngunit, pano nga ba nakakasulat ang isang kagaya ko?
Lahat ay may pinaghuhugutan, ang akala ng karamihan kathang isip lamang ang mga gawa ng mga manunulat. Bagkus ang katutohanang may mga bagay na nangyari sa buhay nang gaya ko at maaaring yon ang naging gamit ng panulat ko, namin, mga taong pinipilit itago ang sakit sa harap ng maraming tao at nilalahad gamit ang pagsulat ng kwento.
Lumabas ako, nilalanghap ang simoy ng hangin, ginagawang motibasyon ang kalikasan, iniisip kung paano ba lulusotan ang mga kasawian sa buhay.
Napagpasyahan kong humiga sa damohan habang nakatingala sa kalangitan.
ZzzzzzzzzzzzzZzZ
06:15.
Patay na, nakatulog pala ako.
Dalidali akong pumasok sa loob ng bahay at nagbihis tutal tapos na rin naman akong kumain at maligo didiretso nalang ako sa paaralan.
Matapos kong kinamusta ang lagay nang inang, napagpasyahan kong umalis na.
Habang naglalakad ako dumaan na muna ako sa tindahan ng pinapangarap kong panulat(ballpen).
Ngunit nakalimutan kong idaan ang kwentong pinapagawa ng kaklase ko, nako lagot! patay ako nito.Tinakbo kong muli ang bahay ng kaklase ko at binayaran niya naman ako.
Nasa loob ako ngayon ng tindahang ito, hindi pa naman ako malilate eh. Tutok ako ngayon sa bolpen na'to. Nakakamangha parin ang taglay nitong ganda.
"Lo' bibilhin ko na po, salamat po sa pagtago nito."
Ngumisi lamang ito at tinanggap ang bayad ko.
"Salamat po ulit lo', aalis na po ako."
Naka dalawang hakbang ako ng magsalita siya.
"Ang bagay na iyan ay may kalumaan— ngunit, gaano man kaluma ang isang bagay may nakatago parin itong kapasidad, mas matatag nga lang. Ingatan mo iyan nakatadhana yan pra sa'yo."
Matapos nito ay ngumiti itong muli ngunit napatigil ako ng bigla itong maglaho—
__________________________________
YOU ARE READING
Pen Of The Writer
FantasyWhen the destiny itself says you can't escape me but someone says I can change you. "You can't escape me, dear." - Destiny "Yes I can, and I'm capable of changing you." - Author. " In my mind lies any kind of scene, any kind of possibility and any...