NAGISING na lamang ang binatang Ciruam ng maramdaman ang patak ng tubig sa kaniyang pisngi. Kumapit siya sa katawan ng punong kaniyang kinahihiligan upang tuluyang makatayo. Iniunat niya ang kaniyang braso't isinunod ang kaniyang binti. Namamanhid ang mga ito marahil sa ayos ng kaniyang pagkakaidlip.Nais niya sanang lumayo sa pagkakasilong at magtampisaw sa ulan upang madama niya man lang kung anong klaseng ulan ang meron dito sa Alaon. Subalit nagulat siya sa biglaang paglitaw ng katawan ng ginoong Malec sa kaniyang harapan. Aligaga ito. Marahil ay may tinatakbuhan. hahaha.
Naguguluhan siya ng bigla nitong hinablot ang kaniyang braso't agad naglaho't natunghayan niya na lamang ang silid-tirahan ng ginoo.
Hinarap niya ito. Bumugnot ang kanyang pagmumukha. Gusto niya pa naman sanang maligo sa ulan. May galit na umusbong sa kaniyang dibdib. Ngunit hindi lamang iyon ang ikinagagalit niya."Ano bang nangyayari ginoo? Bakit ba bigla nalang kayong nanghahablot? Nais ko pa man sanang pakiramdaman ang ulan ng Alaon." Isang napakamababaw na rason.
Umupo siya at nagmaktol. Busangot ang kaniyang mukha.
"Hindi mo kailangang ikagalit iyon Henry. Ipagpasalamat mo nga at nailigtas pa kita." Ang wika ng ginoo na ikinakunot ng kaniyang noo. "Hindi kailan man umuulan ang lugar na ito, Henry. At kung mangyari mang ganto'y isa lang ang kahulugan noon — mamamatay ka oras na mapatakan ka ng ulan." Bumilog ang kaniyang mga mata habang nakaawang naman ang kaniyang mga labi. Nagulantang na naman sa mga pangyayari ng Alaon. Labis ang pagkakabahala ng ginoo. Kanina natagpuan niya itong may bahid ng pagkabasa mula sa mga iilang patak ng ulan. Ikinatakot niya ang maaari nitong sapitin.
Ngunit ang ginoo naman ang nangunot noo matapos makitang bumungisngis lamang ang binata matapos ang ilang segundo nitong pagkagulat kuno sa sinabi niya.
Aba'y pinagtatawanan ba siya nito? Kalokohan. Walang respeto. Mabatukan nga.
Tumigil sa wakas ang binata. Malalim itong bumuntong hininga bago nilunok ang susunod sanang nitong pagtawa.
"Ganito yan ginoong Malec. Kill joy kayo eh. Bigla nalang kayong nang hahablot naiwan ko tuloy ang panulat ko doon." Natahimik ang ginoong Malec. Agad bumalata sa kaniyang mukha ang pagkakaintindi.
Hindi niya lubos akalain na makukuha nito ang nais niyang iparating sa pagsasanay na ipinagkaloob niya sa binata. Tunay ngang mapagmatyag ang batang ito.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Napapailing. Magsasalita pa dapat ang binata ng pangunahan niya ito.
"Wag mo nang balikan, pagkat may dapat ka ring malaman." Mungkahi ng ginoo. Wala namang naging imik ang binata liban sa palaging nangungunot nitong noo bawat pagkakataon na nabibigla siya. Sumenyas ang ginoong sila'y maupo muna. Mataas-taas marahil ang pag-uusapan.
"Makinig ka Henry. Kaya mong tawagin ang iyong panulat. Pagkat noon pa man ay parte na ito ng iyong buhay." Wala mang maintindihan ay nanatili paring nakakunot ang noo ni binata. "Ng isinilang ka ay kasabay nito ay ang panulat. Saan ka man paruroon ay makakaya mong tawagin ito. Marapat lamang dahil magkadugtong kayo, Henry." Sandali itong tumigil. Nawala naman ang emosyon sa mukha ng binata. Patuloy lang siya nitong pinagmamasdan. Kahit na halos mabilaukan siya sa rebelasyon.
"At ikaw yong matandang pinagbilhan ko, tama?" Walang paki alam na wika ng binata.
Isang ngisi ang umusbong sa mukha ng ginoo. Tunay nga, tunay ngang magaling mag isip. Nakakamangha nga naman. "Ako nga." Bungisngis ng ginoo.
Labis naman ang pagkadismaya ng binata. Ilang buwan niya pang pinaghirapang bilhin sa kaniya din naman pala. Nagamit niya pa sana sa ibang mga bagay ang pera niyang ibinili roon.
"Pambihira. Pinaghirapan ko yon ginoo? Alam niyo bang halos hindi ako natutulog para lang mabili ko yon? Pambihira naman oh." Pagmamaktol niya. Dahil kahit anong gawin niya'y hindi rin naman mababalik ang nagdaan na, magagalit pa siya.
Muli namang bumungisngis ang ginoo. "Ganoon nga, Henry. Yoon naman talaga ang nais kong gawin. Ang malaman kung karapat-dapat ka nga ba sa panulat. Hahaha." Wala na naman siyang nagawa kundi ang bumusangot na lamang ulit. Magkanoon man ay may utang narin siya sa ginoo. Mabait naman ito sa kaniya. Siguro nga matagal na itong nagmamatyag sa kaniya kung ganon ngang siya pa talaga ang pinagbentahan ng panulat. Masyadong paispesyal.
"O sya! Magandang oras ito upang subukin ang iyong galing. Magagawa mo kayang hablutin ang iyong panulat mula sa kawalan?"
"Eh papaano ko naman magagawa iyon?" Patanong niya ring sagot.
"Isang napakadaling bagay. Ang sabi ko nga, parte ng iyong buhay ang panulat. Isipin mong nasaiyo ito o hawak hawak mo. Sapagkat ano'man ang iyong naisin magpapakita iyon." Pahayag sa kaniya ng ginoo.
Tipid siyang nagtaas-baba ng ulo. Upang paghusayan ang gagawin. Buong lakas siyang naglabas ng hininga at unti unting isinarado ang kaniyang talukap.
Napadpad ang kaniyang diwa sa isang madilim na dimensyon. Hindi ito matatawag na lugar pagkat wala siyang makitang kahit na ano. Puro dilim. Maitim. Subalit natagpuan niya lamang ang sariling binabaybay ang kadiliman nang makuha ng gintong liwanag ang kaniyang tuon. Halos wala na ang kaniyang pakialam sa paligid. Patuloy lamang ang kaniyang pagsuong patungo rito hanggang sa isang kweba ang tuluyang nabuo sa kaniyang paningin. Napakurap kurap siya sa nakita. Agad siyang tumakbo. Mabilis na nakarating ang kaniyang mga paa sa loob ng kweba. Nang tuluyang makapasok ay nanatili sa kaniyang kinatatayuan ang binata. Pinukaw ng paligid nito ang kaniyang interes. Napatanaw sa buong anyo ng kweba. Muling napatigil ang kaniyang pagsesenti upang magawi ang kaniyang paningin sa kumikinang na bagay. Napatalon siya. Ang panulat niya ay nakalutang sa ginintuang liwanag.
Ito naman ang kaniyang nais kaya walang pagdadalawang isip niya itong nilapitan.
Nang lumapat ang kaniyang kamay sa panulat ay siya ring dahan dahang pagbalik ng kaniyang diwa. Minulat niya ang kaniyang mga mata. Una niyang nakita ang ginoo matapos ibaba ang paningin sa bagay na nasa kaniyang palad.
The man before his face stiffs. Right the moment he open his eyes everything from him changes. His eyes glowed in gold. His hair changed to locks of silver while his skin shines the color of white mixed up with a gold highlights. He looks like a prominent lad in the eyes of the mister. He looks like a god descending from heaven. But he's close to God, no, he is a God with a powerful pen.
Napakurap ang ginoo. Ilang minuto matapos ang kaniyang pagkamangha ay nagbalik anyo ang Henry. Gayun pama'y nanatiling kulay pilak ang buhok nito habang ginto ang mga mata. Hindi namalayan ng ginoo ang kanina pang nakalabas na binata. Naghihintay ito sa labas ng pintuan habang puno ng pagkamangha ang mga mata. Kanina pa pala tinatawag ngbinata ang ginoo ngunit hindi naman pinapansin marahil ay hindi pa ito nakabawi sa pagkakagulat at pagkamangha sa pagbabago niya.
Agad namang sumunod ang ginoong Malec matapos magbalik sa kaniyang kaayusan. Puno ng gulat niyang pinagmasdan ang buong paligid nang makalabas ng tahanan. Kaya pala ganun na lamang ang tuwa ng binata. Marahil ay tama nga ang ginoo na ginamit nito ang kaniyang abilidad upang bigyan ng buhay ang buong Alaon.
Puno ng pagkamangha ang binata, ang ginoo nama'y dagling naglaho ang pagkamangha ng tumama ang paningin nito sa isang bagay. Kung ano man ang dahilang iyon sana'y hindi ito tungkol sa paggamit ng binata sa kaniyang kapangyarihan.
Mula sa kanilang kinatatayuan ay tanaw ang isang puno habang ang mga sanga't dahon nito'y may buhay at kaaliw-aliw na gumagalaw wari'y kinokontrol ng kung anong mahika. Agaw pansin rin ang mga letrang nakasulat sa balat ng katawan nito. Umiilaw ang bawat letra. Ang liwanag na nagmumula sa kapangyarihan ng panulat.
Let this very tree bear fruit of different kinds.
Let this tree be the source of life for all the plants in Alaon.
From this day on, let this wish be granted.
YOU ARE READING
Pen Of The Writer
FantasyWhen the destiny itself says you can't escape me but someone says I can change you. "You can't escape me, dear." - Destiny "Yes I can, and I'm capable of changing you." - Author. " In my mind lies any kind of scene, any kind of possibility and any...