Ang rebelasyon

7 3 0
                                    

Chapter 4

Third person

A world conveyed oblivious people of the lies that seems to be transparent, unseen from the eyes of everyone covering its entirety. Like a gift wrapped with a golden fancy paper deceiving the beholder from the bomb ticking inside it. But then, there comes the spoiler, detector emerges... but in his story, he — holds — a pen.

-Voice no. 1

SUOT Niya'y maitim na sutla, isang balabal na tumatakip sa mukha nito. Ang Henry ay balisa, hindi matukoy kung ano itong kaharap niya at kung bakit napadpad sa kanilang tahanan ang isang taong nababasa niya lamang sa isang libro ng nakaraan. History.

"...."

Walang makapang salita ang Henry. Hindi magawang kumilos ng kanyang mga labi lalo pa't pinipigilan niya ang katawan sa sarili nitong panginginig.

"Ciruam Henry!" From the voice of it, it is a man.

Unti unti nitong ibinababa ang takip sa mukha. Ng masinagan ng ilaw ng me'kalayuang bombilya isang lalaking mukhang lagpas trenta ang kaniyang natunghayan, dilaw ang buhok o halos kasing kulay ng ginto. May mumunting balbas sa gilid ng mga labing tuyo ngunit matutukoy na pula ang mga ito kailangan lamang ng tamang tubig sa katawan, hanggang sa kaniyang baba. It has a pair of blue eyes, strangely illuminating or was it just the light? Hindi niya alam kung ano ang intensyon nito. Hindi na nga nababalot ang mukha nito ng talukbong subalit panibagong talukbong ng walang emosyon ang pumalit doon.

Nagitla siya ng matukoy nito ang kaniyang pangalan. Sa hindi mawaring dahilan kung paano, nagbago sa wakas ang anyo ng mukha ni 'Ruam(Ciruam). Nangunot ang kaniyang noo.Ibinuka niya ang kaniyang mga labi.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko, sino ka at ano ang dahilan mo, ginoo?"

Tumunghay ang estranghero, tila ba inaaninag nito ang kwarto ng kaniyang ina.

"Ciruam Henry. Ang natatanging itinakda."

Wala siyang maintindihan, hindi nito sinagot ang tanong niya.

Ano ang itinakda? Papaanong ako ay itinakda?

"Ako si Malec, ang katawan ng pagkatulog at tagaabang ng kalayaan."

Isang bultahe ng kuryente ang nagpatindig sa balahibo ni Ruam. Subalit wala siyang magawa kundi ang pakinggan ang iba pang maaring ibunyag nito.

"Isipin mong mabuti kung ano ang katayuan ng panulat na binili mo. Nahihinuha kong natuklasan mo na ang kakayahang taglay nito. Subalit binabalaan kita Henry, hindi mo kilala ang kinalakhan mong ina."

Lumukob sa sistema niya ang labis na kalituhan. Sino ang ina niya't paanong hindi niya ito lubusang nakikilala.

"Tigilan mo na ako sa panlilinlang niyo ginoo. Kung may balak kang nakawin ang panulat na iyon wag na wag mong idadamay ang katayuan ng ina ko." Hindi niya napigilan ang pag usbong ng galit sa kaniyang kaloob looban.

"Hindi ang katapangan mong iyan ang makakapagpigil sa akin Henry. Ang kinalakihan mong ina ay hindi mo tunay na kadugo!"

Halos mawala na siya sa kaniyang sarili sa paulit ulit na pag iling. Halos mabingi siya sa kaniyang nadinig. Pinipilit niyang iwaksi ang rebelsyong ngayon niya lamang nadinig habang tinaktakpan nito ang kaniyang mga tenga.

"Hindi totoo 'yan. Hindi totoo iyan. Hindi. Hindi. Wag niyo akong gaguhin ginoo!"

Lumapit sa kaniya ang estrangherong nagngangalang Malec. Itinapat nito ang kamay sa kaniyang balikat, at sa hindi mawari'y tumahan ang kaniyang katawan sa tapik nito.

"Ito ang totoo Henry. Ito ang katotohanan." Taos-pusong pagkasabi pa nito sakaniya. "Hindi ba't ikinapagtataka mong halos hindi mo man lang makitaan ng tunay na pagmamahal sa iyo ang ina mo? Ngayon tanungin mo ang sarili mo kung ano ang maaring dahilan."

Namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata, naaalala niya ang nakaraang pagtrato sa kaniya ng ina. Tama si Malec, hindi niya makikitaan ng pagmamahal sa kaniya ang ina niya o baka nga hindi niya tunay na ina. Masyadong malimit ang kilos ng kaniyang ina, nagawa niya ngang maisip kung may itinatago ba ito sa kaniya.

"Hindi ko alam Ginoong Malec. Hindi ko po alam." Muli siyang napailing kasabay ng pagbigkas niya mga salitang iyon.

"Hindi mo siya pwedeng gisingin batang Henry. Hind—"

Isang pagsabog ang pumutol sa salita ni Malec.

"Ang gintong panulat. Nasaan ang gintong panulat?" Madali nitong tanong sa kaniya.

"Ano ang nangyayari? Ginoong Malec ano ang nangyayari?" Walang mapaglagyan ang kaniyang mga katanungan.

"Wala ng oras Henry, nasaan ang ginintuang panulat?" Hawak nito ang kaniyang balikat. "Isinulat mo ba ang pagkagising ni Iratanya? Naisulat mo na ba?" Aligaga nitong tanong sa kaniya.

Mula sa kaniyang bulsa ay hinugit niya ang panulat kasabay ng kaniyang pagtango at pag-abot nito kay Malec. Dagli ay hinablot siya nito at tinangay palayo. Mula sa ilang metrong layo ng kakahuyan nilingon niyang muli ang kaniyang tahanan, doon niya nakita ang pag usbong ng apoy na ikipagduda niya kung bakit nahahaluan ito ng itim na kulay. Halos itim ang kulay ng apoy ngunit hindi nito nasusunog ang bahay.

Balak niya sanang tanungin tungkol sa nangyayari si Malec subalit binulag siya ng nakakasilaw na liwanag. Ang sumunod na nangyari ay hindi na niya alam. Ngunit bago siya lamunin ng liwanag, muli niyang naalala ang ina niyang nakalutang sa ere sa itaas ng maiitim na apoy.

TINIG Ng mga ibon ang gumising kay Ruam. Kay sarap pakinggan ang huni ng mga ito, tinatangay pa ng hanging ngayon niya lamang nadama. Hindi man niya nakikita ang labas ngunit naiisip na niya ang malaparaisong mukha nito. Alam niya sa mga oras na ito na nasa estrengherong lugar siya.

Tumunghay siya, hinagilap niya ang liwanag na umusbong sa labas ng bintana.

Nasaan ako?

Tuluyang tumapak ang kaniyang mga paa sa labas ng pintuang kaniyang tinulugan.

Kahanga-hanga!

Umawang ang kaniyang mga labi. Totoo ngang isang paraiso ang lugar. Hindi magpigil ang kaniyang sarili sa paglingon sa ibat ibang direksyon. Bigla ay nakarinig siya ng malalakas na pagaspas. Sa itaas ng kaniyang kinatatayuan ay natanaw niya ang limang dragon, mga dragong aliw na aliw sa pagsayaw sa hangin. Naitutok niyang muli ang kaniyang mga mata sa mga dragon, sa pagkakataong ito ay mas maigi pa. Doon niya natanaw ang mga taong nakasakay sa likuran ng mga dragon.

Lumipad pababa ang dragon at ang rider. Sa lakas ng pagbaba nito ay napapakit siya, subalit ng ibuka niyang muli ang kaniyang mga mata'y kisame ang natanaw niya at nang tanawin niya ang bintana'y mumunting kahoy lang ang nakikita niya. Walang berdeng kapatagan. Walang magagandang bulaklak, prutas at dragon. Halos patay na ang kabundukan.

Pen Of The WriterWhere stories live. Discover now