"Ngayon gusto kong gumawa kayong muli ng isang kwento ngunit, sa pagkakataong ito ang mapipiling kwento ay ang magrerepresenta ng school natin. Wag kayong mag alala alam ko namang may mapipili sa paaralang ito at kapag nanalo ka tatanggap ka— ng —scholarship. Higit sa lahat, tatanggap ka ng 100,000 pesos."
Umigting ang pandinig ko sa sinabi ni maam. Malaking halaga ang bagay nayon mapapagamot ko na nang maayos ang mama ko.
.
.
.
.
.
Bakante namin ngayon, nag isip isip ako ng magandang pamagat sa gagawin kong kwento.Naisip ko bigla— ano kaya kung isabuhay ko ito.
Natawa nalamang ako habang iniisip kong ano ang magiging reaksyon ni maam kung isa sya sa mga karakter ng kwento ko, ang mga kaklase kong madadaldal, yong ibang walang alam kundi ang manggaya lang ng sagot sa test. Hmm,hmm, let's try.
' C pakopya naman oh,.wag mo namang takpan ano ba yan—
Opps teka, masyado naman yata akong masama, ano kaya kong gagawin natin syang risponsableng estudyante,,,, hmm pwede,pwede.
Sinubukan kong magsulat muli gamit ang luma kong panulat ng—
"Ay nako naman oh, ba't naubos na." Pero napatanga ako—
"Tama, gagamitin ko na ang ang panulat na yon at— hindi, dapat sa kwento ko lang ito gagamitin, yeah! yeah!"
Kanina lang may may in-announce ang teacher namin ng tungkol sa reporting.
I smiled. Oh why not?
.
.
.
.
.' Yana ano nga ulit yong gagawin natin sa susunod na linggo?'— Mara
' Hala ka, sige na nga. Gagawa tayo ng report para sa research 2. It's about experimental; true, quasi and pre, so ayos na?'
Wow mukhang over naman yata ang talino nya rito. Biglang tumunog ang bell, pinulot ko at niligpit ang mga gamit ko. Mabilis akong naglakad papuntang room.
"Yana ano nga ulit yong gagawin natin sa susunod na linggo?" — Mara
Hays buti naman at hindi ako late—
"Hala ka, sige na nga. Gagawa tayo ng report para sa research 2. It's about experimental; true, quasi and pre, so ayos na?"— Yana
Napatigil ako sa kinatatayuan ko—
Did I just hear it?
Dahil sa pagtigil ko naagaw ko ang atensyon ng lahat. Nasa akin lahat ng mga mata nila. Nilingon ko ang dalawang iyon. Nangunot ang noo ng mga ito. Naka awang parin ang labi ko.
"W—what?" Sita ni Yana sa akin.
"W-wala."
Naupo ako sa upuan ko. Minamasdang mabuti ang tindig ng panulat ko.
Is it real or it was just a coincidence.
Malay ko ba kung nagkataon lang ang mga bagay na yon.
Tss. Sa panahon ngayon masyado nang laganap ang ganitong bagay.
Hindi na aksidente lang na kung ano ang isusulat mo'y siya namang mangyayari ngayon.
Sinimulan kong sumugal at nagsulat muli gamit ang gintong panulat—
Buntong hinga. Buntong hininga. At sinimulan ko.
.
.
.
.
.Mga ilang segundo ang nagdaan ng dumating si maam Ydna.
'Okay Ms. Hagio lead the prayer'
Matapos magdasal ay naupo ang lahat. Tahimik ang mga ito at taimtim na nakinkinig sa bawat salita ng guro sa harapan.
Matapos ang klase tumayo ang lahat. Sa pagtayo ng lahat isang salita ang namitawi sa labi ng mga ito—
"Rise Writer's Pen"
3rd Person's POV
Habang binabasa ko ang kwento nya'y di ko mapigilang mapangiti.
Ang galing nyang manunulat. Mas lalo tuloy akong humahanga sa kanya.
Gusto ko sya at hindi ko itatanggi yon. Yung pakiramdam na masaya ako dahil nakikita ko sya, ngunit ang isiping mawala sya sa paningin ko kahit na hindi nya ako kilala pakiramdam ko mawawasak ang mundo ko.
Palagi ko syang sinusundan. Kaklase nya ako sa ibang subject at alam kong hindi nya ako kilala. Hindi ako yung tipong palaimik, wala sa bukabularyo ko yon.
Mas nakakatawa pero masaya naman ako sa mga ginagawa ko, sa pagkakataong hindi nya ako makikita'y sinusulyapan ko sya. At kung lilingon naman sya agad kong ibabaling ang tingin sa binabasa ko. Paglumalapit sya nanginginig ako.
Hays! Pag ibig na ba ito?
Ang masakit lang— hindi nya kayang suklian ang nararamdaman kong ito.
Nakaupo ako ngayon sa damuhan. Nauna kaming pinalabas, pagtingin ko sa room nya, nasa loob pa sila. Mukhang busy siya, masyadong seryoso. Kaya heto ako hinihintay na makalabas siya at tahimik na susundan mamaya.
Ngisi ngisi ako habang iniisip ang estilo ko.
Mga ilang segundo rin siguro akong nakaupo rito ng marinig kong nagpaalam na ang mga ito ngunit—kataka taka ang bagay na binigkas ng mga ito.
'Rise writer's pen?'
Ilang saglit pa may lalaking tumatakbo, mukha itong wala sa sarili kaya siguro hindi ako nito nakikita. Ngunit natulos ako sa kinatatayuan ko.
Tumatakbo siya papalapit sa akin.
Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Ang lalaking ito ay ang manunulat na hinahangaan ko.
Dios ko po.
Nabangga niya ako at ang masama pa nadaganan niya ako.
Dugtugdusug
Halos hindi ako huminga. Mahal ko to eh at ngayon nasa harap ko na, nakadagan pa, nako, nako, chansing to eh.
"Ah—" - ako
"M-miss, sorry. Ano ayos ka lang ba m-may masakit ba?" - siya at dali daling tumayo upang tulungan ako.
"A-ayos lang ako, ikaw may masakit ba, ang kamay mo, asan patingin at—" napatigil ako sa ginagawa ko at medyo lumaki ang butas ng ilong ko nang mapagtanto kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga yon.
Lordkopo ano bang sinasabi ko!
________________________________
YOU ARE READING
Pen Of The Writer
FantasyWhen the destiny itself says you can't escape me but someone says I can change you. "You can't escape me, dear." - Destiny "Yes I can, and I'm capable of changing you." - Author. " In my mind lies any kind of scene, any kind of possibility and any...