ILANG oras na nga bang patuloy sa pagtakbo ang Henry paikot sa malawak na patag na ito. Ilang beses naring gumulong ang katawan niya sa pagkatapilok at halos balutin na ng pasa ang buo niyang katawan mula rito.Kakapusin na siya sa paghinga kung hindi pa siya titigil. Sino ba namang maayos ang pag-iisip na magpapatakbo ng ganito ka lawak na espasyo ng walang kahit isang basong tubig na inihanda. Inikot na niya ang buong lugar kakahanap ng tubig subalit kahit sa loob ng tahanan ng ginoong Malec ay nakakadismayang wala nang tubig.
Saan nga ba siya maghahanap ng tubig. Hindi man lang niya naitanong sa ginoo ang pinagkukunan nito. Hays.
Timang siyang napamaang, ang akala niya madali lang ang kaniyang gagawin. Ang daya naman ng Malec na yon at pinahirapan pa siya nang ganito. Kung sana lang ay nakalkula niya ng maaga ang kahihinatnan na ito di sana ay nakapaghanda pa siya ng tubig. Akala niya pa naman ganon lang yon, ang hambog niya pa kanina upang sabihing "ito lang? Wala ng iba?"Bumusangot ang kaniyang mukha sa inis.
Argh!
Hindi na kayang ilarawan ang kaniyang buhok sa kakakamot niya. Tila naging isa siyang batang hindi pinagkalooban ng matatamis. Napatigil na lamang siya sa kaniyang pagmamaktol. Hindi na siya bata, iapapahinga niya na lamang ang kaniyang uhaw.
Tinungo niya ang kinatatayuan ng isang puno. Hindi niya alam kung anong puno ito, maliban kasi sa walang ibang kulay ang mga puno rito ay hindi rin siya bihasa sa mga pangalan ng kahoy. Napabuntong hininga siya ng tuluyan siyang makaupo at naihilig ang kaniyang sarili rito. Nagliwanag naman ang kaniyang mukha ng matagpuan ng kaniayng paningin ang isang prutas na hugis mansanas sa itaas ng puno. At napasampal naman siya sa sarili ng mapagtanto kung gaano siya ka babaw ng hindi man lang niya maisip na pwede pala siyang maghanap ng matubig ba mga prutas.
Argh!
Napapadyak na naman siya sa isiping iyon. Ng abutin niya ang bunga ay napagtanto niyang isa itong mansanas. Ngunit ang labis niyang ikinapagtataka ay wala na itong iba pang bunga. Nag iisa lamang ito. Higit sa lahat ay halos mangulubit na ang balat nito. Nilingon niya ang iba pang mga puno. Nilapitan niya ang mga kahoy na malapit lang. Doon niya napagtantong hindi man namamatay ay mga punong ito ay hanggang makulubot na balat lang ang kaya nitong ibigay. Ito marahil ay dahil sa klima ng panahon sa lugar.
Kinain niya ang nansanas. Kahit na may kunting pag aalinlanagan ay isinawalang bahala niya na lamang ito upang ibsan ang uhaw na kanina niya pa nararandaman.
SA ISAng kuweba na matatagpuan di kalayuan sa bahay ng binatang Henry ay tila bay mayroong nakakubling may buhay na dahan dahang gumagalaw.
A woman is weeping. There is woman inside.
Matinding sugat ang natamo niya. Hindi ito gawa ng nga mababangis na hayop lamang. At mas lalong hindi kayang gambalain ng mga hayop ang babeng ito. She is the woman of a long time slumber. She was the one who took the baby of prophecy. Tama. Siya ang inang umalaga kay Henry. Ang inang ginising niya mula sa mabang pagkahimbing.
Lapnos ang kaniyang kaliwang kamay. Mula sa balikat nito hanggang sa mga daliri. Kapuna-puna ang mga dugong nagsisi-unahang dumausdos mula pababa rito na ikinakunot ng noo niya't sinabayan pa ng pagkagat ng kaniyang labi.
Nanlisik ang kaniyang mata ng manumbalik ang mga larawan noong nagdaang mga araw sa bahay niya. Ang araw na makuha ng Slumber and dream guardian ang binatang inalagaan niya.
Suwail. Lapastangan
Hindi niya mapigil ang labis na galit sa kaniyang puso. Slowly, a black fire emerges from her finger tips. In a blink of an eye she bursted. And a loud scream resonated the places.
Black fire envelopes the area like a raging wind. Bumulagta ang mga kahoy sa palibot ng kweba.
"Hindi ko hahayaang masira ang lahat ng isinakripesyo ko."
I will lose my power. I don't care. I should have killed that child the very first day I got him.
Naalala niyang muli ang kaganapan ng nakaraan. Kung paano niya napasakamay ang batang Ciruam.
Ilang buwan na ang nagdaan mula nang mawala ang kapangyarihang taglay ng libo-libong mamamayan.
Sa malayong kagubatan ay matatanaw ang babaeng dalubhasa sa labanan. Bawat pagkilos nito ay pulido. Hawak ng kaliwang kamay niya ang espadang nakasukbit sa gilid ng beywang niya. Ipinukos nito ang mga mata sa bawat lugar na dadaanan. Ngunit saan ba patutungo ang babae?
Lumagpas siya sa kakahuyan. Sa wakas ay bumungad sa kaniya ang kweba ng Kinaadman (nangangahulugan ito sa bisaya ng mga abilidad o kapangyarihan). Binabalot ng misteryo ang kwebang ito. Ayon sa kasaysayan ng Alaon, ang kweba ng Kinaadman ay ang sinapupunan na pagmumulan ng magiging katunggali ng tadhana. Ang anak ng tadhana. Bawat siglo isisilang ang anak-tagahabi.
Ito ang taon ng kapanganakan ng anak-tagahabi. Ang napakahirap hanaping kweba ay natagpuan niya sa wakas. Naudyok ang mata ng babae sa mukha ng kweba. Isang ngisi ang iginawad niya.
Napatakip siya ng mga mata ng biglaang sumabog ang kakaibang liwanag. Binuka niya ng kaunti ang kanang mata upang makompirma ang ginintuang kulay na sumambulat sa buong paligid. Kaagad niyang inalis ang takip sa mga mata't tinahak ng napakabilis ang pinagmulang liwanag. Masakit man sa mata ay ipinagpatuloy niyaang pagsuong sa liwanag upang hagilapin ang katawan ng batang kaniyang inaasam asam. Sa oras na matagpuan niya ito'y gagawin niya ang plano. Papaslangin niya ito.
Subalit nasupilpilan siya ng isang napakaamong mukha ng bata ang kaniyang natunghayan. Wari'y nahipnotismo siya. Isang butil ng luha ang kumawala sa kaliwang mata niya. Napaluhod siya, napahawak sa lupa.
Hindi niya kaya. Hindi niya magawang paslangin ang musmos na sanggol.
Ngunit paano niya mapipigilan ang posibilidad na kaya nitong ibalik ang kapangyarihan ng lahat. Na isang pagsulat lang ay masisira ang kaniyang isinakripesyo.
Gayon pa man ay lumiwanag ng bigla ang kaniyang mukha. Tumama ang kaniyang paningin sa bagay na lumulutang katabi ng sanggol. Hinablot niya ito't napagtantong isa itong panulat.
She produced a black smoke from her fingers to the pen. In one swift she throws the pen to the rock coating it with her attribute smokes.
Subalit walang nangyari. Walang kahit na anong basag na makikita sa panulat. Nanghina siyang napasandal sa pader ng kweba.
Iniwan niya ang panulat habang tangan niya ang bata. Subalit isang pagsabog ang nagpaluhod sa kaniya. Ng iangat niya ang kaniyang ulo'y unti unti ng sinasara ng portal ang sarili nitong daanan. Sinubukan niyang buksan itong muli subalit isang realidad ang napagtanto niya.
She cannot enter the other side anymore.
YOU ARE READING
Pen Of The Writer
FantasyWhen the destiny itself says you can't escape me but someone says I can change you. "You can't escape me, dear." - Destiny "Yes I can, and I'm capable of changing you." - Author. " In my mind lies any kind of scene, any kind of possibility and any...