The Writer 3:

6 4 0
                                    

(3rd person's POV continuation)

Lil

Dios ko po, tulungan mo ako naging madaldal yata ako.

"-ahh I mean, yeah, ayos ka lang ba?" -ako

Hindi parin ito makarecover sa naging asal ko kaya medyo uminit yong mukha ko sa hiya. Wag naman sana niyang isiping may gusto ako sa kanya.

" Ayos lang naman ako, nababahala nga ako sayo baka nasaktan kita."

"Wala ayos lang." Tipid kong sagot dahil nangangatog na ang tuhod ko, nanghihina ito. Hindi ko kayang kaharap sya nako po.

"Ah ganto nalang bilang kabayaran sa nagawa ko , maaari ba kitang ihatid, pero bago yun ano nga palang pangalan mo?" - siya

Mahabaging ama tinatanong niya po ang pangalan ko.

"Ah ok lang kung ayaw mong sabihin sa ngayon, maintindihan ko." Natagalan kasi akong makasagot pero ano na sasagutin ko ba. Hmm. Enebeyen! Sige na nga.

"Ahhm, I- I'm L-Liliana Richards"

"Nice name, Liliana Richards? familiar ka sakin- pero hindi ko matandaan kung saan kita nakita. Hehe"-siya sabay kamot sa batok niya.

"Ganyan ka kasi, wala kang pakialam." Bulong ko.

"Mmm? May sinabi ka?" -siya

Hala ka! Ang sensitive naman ng tenga nito.

"Ha! May sinabi ba ako?-" pagmama angan ko.

"Ako nga pala si Ciruam."

Ngumisi ito na ikanatuod ko pero hindi ko pinahalata. Ngunit gayon may mayroon sa mga mata nito ang pagkatuliro. Siguro'y mayroong dahilan ang pagkabalisa't biglaang pagtakbo neto. Kung maaari ko lamang itanong, mukhang personal naman siguro isa pa ngayon niya lang ako nakilala.

Minsan umiimik siya sa paglalakad namin, sumasagot rin naman ako ngunit madalas talaga ang katahimikan, ang awkward hindi ko mapigilan ang namumuong gyera sa kaloob-looban.

"Hmm? Ayos ka lang ba? Mukhang a-ano tahimik ka kasi. Sigurado ka ba talagang hindi kita nasaktan?" Inangat ko ang paningin ko upang matagpuan ang nababahala nitong tingin. Halos mapamura ako ng kumabog ng napakabilis ang puso ko.

Hindi! Wag tayong magpahalata, please ayoko pang mabisto, walang thrill- ay joke hahaha

"Ayos lang naman ako, ano ka ba hahaha." Pahampas kong sabi rito. Enebeyen. Ngumiti lang din ito. Kaya lang hindi parin nawawala ang pagkabalisa sa mga mata neto.

"Wait!" Natulos ako sa kinatatayuan ko.

Teka! Asan na nga ba kami. Naku hindi! Lumamapas na kami.

-----------------------------------------------------------

Ciruam

Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hindi ko lubos akalain na totoo ang hinala ko. Kung bakit at ano ang dahilan ng sakit sa ulong ito lalo na ang iminungkahi ng matandang binilhan ko nitong panulat.

Ngunit sa kabila non, nagkaroon ako ng kaibigan. Si Lil, ayon nakakatawang isipin na lumampas kami ng ilang metro mula sa tiniterhan niya.

Aaminin ko na masyadong mailap ako sa mga tao, ang mga nakikilala ko lamang ay ang mga taong halos oras oras kong nakikita. Yun ay ang mga kaklase ko. Kaya gayon nalang din ang pagkadismaya ko nang maalala kong kaklase ko lang pala sa ibang asignatura si Lil. At mukhang kinailangan ko nga namang balikan ang babaeng yun, ayaw pa amining nasasaktan siya, sa bigat ko ba naman at sa lakas ng pagtakbo ko lalo na nang matumba kami.

Pilit kong hinihilot ang aking noo ng maalala ang nangyari, kung gayong nakakapahamak na ako ng tao dahil sa panulat na ito mas mabuting siguruhin ko ang itago ito.

I am not a greedy lad. Hindi ko gugustuhing abusuhin kung ano man ang meron sa ginintuang panulat na'yon.

Mas makakabuti sigurong muli kong balikan ang pinagbilhan ko nito.

Habang hawak ko ang ginintuang bagay na ito, patuloy kong sinusuyod ang bawat disenyo, ang mga batong naka-ukit rito, pati na ang takip neto.

Napagdesisyonan ko nang balikan ang matandang iyon, kinailangan kong ikunsulta ang bagay na ito, maaring bukas. Idadaan ko lamang pamuntang paaralan.

"HMmmm!"

Napatayo ako. Si inay. Inilang hakbang ko ang distansya sa kwarto ni inay, halos tumalon ako paakyat upang mabilis itong daluhan.

My mom's in comatose state. An incident which happens just this year take her to this situation. And my dad, he was gone, me and my mom both doesn't know where he is, he just vanished. Well, that's what mom told me when I was just a kid.

Ito ang rason ng palagian kong pagsusulat, ang ibenta ito sa mga istudyanteng kagaya ko.sa paaralan kong nakapagtatakang halos lahat ng asignatura ang may koneksyon sa paggawa ng aklat o mga kwento. At sa mga aklatan sa bayan na ikanapagpasalamat ko't nakumbinsi kong ipagbili ang mga gagawin kong kwento.

I checked my mom. A lone tear escape from my left eye.

Natatakot ako ma, natatakot akong magpasyang gisingin ka gamit ang ginto kong panulat....

....natatakot na iba ang kahahantungan ng pagsuway ko sa habi ng tadhana.

Sa gitna ng kalungkutan ko, isang kalabog na nagmumula sa babang pintuan ang humila sa akin upang tingnan kung ano ang nangyayari.


Pen Of The WriterWhere stories live. Discover now