Perfect love story?
Nah. Kailanman, hindi ako naniwala riyan. Happy endings, maybe yes. But it takes a lot of patience, forgiveness, love, and etc. Marami ka munang iluluha, mapipiga muna ng husto ang puso mo bago makamtan iyan.
Hindi naging lihim sa amin ni Kuya ang storya nina Moma at Dada. But Moma warned us, especially me. Ayaw niyang gayahin ko ang pagiging marupok niya.
But well, I guess, it runs in our blood.
"Class, dapa!"
"Halla, Sir! Ayaw ko nga, nahihirapan akong dumapa, naiipit ang boobs ko."
Lahat kami, maging si Sir ay natawa sa walang hiyang Lewisse. Nakakunot pa ang noo nito, hindi na naman siguro niya alam kung bakit kami tumatawa. Mabuti na lamang, absent si Zimry, baka kanina pa siya nabatukan kung nagkataon.
P.E. class kasi namin. Kung anu-anong exercise ang pinapagawa ni Sir. Nangingiti akong nagpupunas ng pawis nang mapansin ang aking boyfriend sa 'di kalayuan.
Nasa pinakadulo sila ng gym. May kasama itong babae. And worst, they're kissing passionately. Kitang-kita pa ang paghawak nito sa boobs ng babae.
"Dakilang martyr." A baritone interupted my thoughts.
I sighed heavily before turning around. But I couldn't say a single word when I met his eyes, he's just too intimidating!
"Ilang beses mo na ba 'yang nakitang may ibang kasama?" he sounded off.
Lumingon akong muli sa banda nina Dexter. He is now kissing the neck of that bitch. They're too intimate. Hindi man lang sila nag-aalala kung may makakakita sa kanila.
"Kiz and Jordan, are you even listening?" kabado akong humarap kay Sir.
Ngunit napalitan ng ngisi ang kanina'y galit niyang mukha. Even our classmates are cheering!
"Uy! Bagay!" nakakarinding sigaw nila.
Hinila lang naman kasi ako ni Jordan kanina't inakbayan. Sadyang mababaw lang ang kaligayahan ng mga ito!
"Kailan pa sila naging bagay? Totoong tao 'yan si Kiz. Hindi naman 'yan robot e. Ewan ko kay Jordan." Hinaing ni Lewisse na mas lalong nagpaingay sa klase.
Natigil lamang ang ingay nang narinig namin ang padabog na paglalakad ni Dexter kasama ang babae niya.
Matalim itong tumingin sa akin bago naglakad palayo. I'm really determined to chase him but Jordan suddenly hugged me.
Muling nag-ingay ang mga ka-klase namin.
"Ano bang ginagawa mo?" inis kong sambit habang pilit na kumakawala.
"Walang may alam sa relasyon niyo ng gagong 'yun. Anong sasabihin nila kapag sinundan mo 'yon?" malamig niyang saad bago ako pinakawalan.
Noon, hindi ko ma-imagine ang sarili na ginagawa ang paghahabol na ginawa ni Moma kay Dada. Ayaw kong magmukhang kawawa at tanga nang dahil lamang sa isang lalaki.
Ngunit lahat ng prinsipyo ko'y nawala na parang bula nang makilala ko si Dexter. Hindi ko batid kung bakit o paano. Unang tingin pa lamang sa kaniya'y mukha na siyang f*ckboy. Siguro nahumaling ako sa kaisipang ako ang makapagpapabago sa kaniya?
But it didn't came. Halos araw-araw, iba't-ibang babae ang nakikita kong kalandian niya.
He's transferee. Kakalipat lamang niya ngayong 4th year na kami. No one knows our love story. Even my friends. I need to hide our relationship dahil alam kong papagalitan lang ako ni Kuya. Hindi ko lang alam kung paano nalaman ni Jordan ang lihim namin.
Dexter is our classmate in other subject. Nagkamabutihan lang kami nang minsa'y naging magka-grupo kaming dalawa. Simula noon, nakiusap siyang magpa-tutor sa akin sa mga subjects na hirap siya.
Okay lang naman sa akin 'yon dahil halos lahat ng ka-klase ko'y ganoon din. Ngunit matapos lamang ang ilang linggo'y naghayag siya ng pag-ibig sa akin.
He asked me to be his girlfriend, and I said yes. Naging maayos naman ang aming relasyon. Kahit hindi kami madalas na magkasama'y, palagi siyang nagti-text. Ngunit simula nang matapos ang preliminary exam, madalas ko na siyang makitang may kasamang iba.
Nagbulag-bulagan ako. Alam ko sa sariling mahal ko siya ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lamang ako nakakaramdam ng sakit. Or namana ko kay Moma ang pagiging manhid niya noon?
I don't know.
Naiirita ako, nais ko siyang komprontahin, ngunit mas minabuti kong tumahik na lang. For almost four months na magkarelasyon kami'y alam ko na kung kailan ito lalapit sa akin at maglalambing. Bibigyan ako ng kung anu-ano, bulaklak, chocolates tuwing may pagsusulit o projects kami.
I badly want to leave him. But I don't know how. Baka kasi magsisi ako at doon ko lamang maramdaman ang sakit kapag nawala na siya sa akin.
"Dexter, please. Don't do this to me." Nakatungong pagmamakaawa ko sa kaniya.
Hindi ko pinakinggan si Jordan at hinabol ko siya. Nasa parking lot kami. His girl is now in his car.
"I don't like you, Kiz. I just used you para pumasa. Malapit na ang graduation natin kaya alam kong hindi na kita kakailanganin pa. And besides, walang magkakagustong maging girlfriend ka. You're too plain and boring." Tiningnan niya ako na parang nandidiri. Inipon ko lahat ng lakas para sampalin siya.
"Kahit ilang beses mo pa akong sampalin, hindi magbabago ang tingin ko sa'yo." Natatawang saad niya bago ako tinalikuran.
Tulala lamang ako hanggang sa nawala na sa aking tingin ang kaniyang sasakyan.
"Sinabi ko ng 'wag mong habulin e." Naramdaman ko ang paghila ni Jordan sa aking braso.
"Cry now." Matigas niyang saad bago ako marahang niyakap. He's caressing my hair.
"Bitiwan mo nga ako." Iritang saad ko na sinunod naman niya.
Nakaawang ang labi nito na parang namamangha sa nakikita.
"You can cry on my shoulder. I won't judge you." His lips rose. Nahihibang na yata siya.
"Why should I?" taas kilay kong sagot bago pumihit patalikod sa kaniya.
"Sayang, sarap mo sanang alagaan kaso ayaw mo sa akin!" natigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi niya.
"No, Kiz. Mas malala 'yan kay Dexter." Paalala ko sa sarili bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

BINABASA MO ANG
MARUPOK GIRLS 3: Zakaira Janelle Kiz Martinez
Romance(31st Century) Marupok Girls Series #3: Zakaira Janelle Kiz Martinez