Kabanata 7

47 2 0
                                    

"I saw a cheater, craving for true love. Tsk. Tsk." Mahina kong tinampal si Zimry. Nakalimutan niya yatang walang nakakaalam na naging kami ni Dexter.

Palapit si Dexter sa gawi namin at tinititigan ako gamit ang nagsusumamong mga mata. I don't what he's up to. Pero nakakaramdam ako ng hindi maganda.

"Kiz,"

"Hayyy! Ang init, pinagpapawisan ang cleavage ko. Tara, pasok na tayo sa loob." Hindi na ako nag-inarte pa nang hilain kami ni Lewisse papasok ng silid aralan.

Naiwan si Dexter sa labas na tinatanaw na lang kami rito. Ano pa ba kasi ang kailangan niya?

"Hey," isa pa 'to! Nagawa pa niyang tumabi sa tabi ko! Pwede bang ibalik na nila 'yung tahimik kong buhay?

"Hi, Jordan!" matamis na ngiti ang iginawad ni Zimry sa kaniya.

Nagkunwari na lang akong may hinahalungkat sa bag ko para lang hindi siya pansinin.

"Hello, Zimry. Don't smile at me like that. Mapapatay ako ng pinsan ko." Kita sa gilig ng mga mata ko ang pagsulyap nito sa kinauupuan ni Harley.

"Ha?" ito namang kaibigan ko, suplada nga, slow naman. Hmmm.

"Nothing. Anyway, can I talk to Kiz?" he chuckled. Natawa na lang din si Zimry 'saka tumango.

Mas lalo ko pang pinag-igihan ang pagkukunwari ngunit natigil sa ere ang mga kamay ko nang hablutin nito ang aking bag.

"Akin na 'yan, Jordan!"

"Ano bang hinahanap mo rito? Kanina ka pa hindi mapakali riyan."

"Wala ka na roon. Akin na nga 'yang bag ko!"

"Just give it to her, bro. Are you gay? You like her bag?" pagsali ni Dexter nang mapadaan sa upuan namin.

Ang ganda naman ng bungad ng araw na 'to! Imbes na nagrereview ako, sila pa ang inaatupag ko.

"No, but I love her." Madiing sagot ni Jordan. Napaawang tuloy ang labi ni Dexter sa gulat.

Rinig ko pa ang mahinang tili at paghampas ni Zimry kay Lewisse.

"How about you?" hamon ni Jordan. What the hell?

"I-i still love her." He is looking at me intently. Hinihintay yata ang reaksyon ko sa sinabi niya.

But I can't feel any spark or something special. Natahimik din tuloy ng dalawa kong kaibigan.

"Too late, bro." Basag ni Jordan sa katahimikan. Ito lang ang may ganang ngumiti sa amin.

Bakit palagi na lang akong napupunta sa sitwasyong ganito?

"No. Alam kong mahal pa ako ni Kiz. At ikaw, 'wag ka ng mag-abala pang magpapansin sa kaniya dahil mas lamang ako sa'yo. Kiz loves me so much, ni hindi niya ako kayang bitawan noon. Isang buwan pa lamang ang nakalipas, imposibleng naka-move on na siya sa akin." Kampanteng saad nito. Ngumiti pa siya ng pagkatamis-tamis. Siguradong-sigurado siya sa sinabi niya.

Hindi ko na rin napigilang matawa nang tumawa ng malakas si Zimry.

"Wow! Sagad sa buto ang kompiyansa mo. Ano namang alam mo sa love, e manloloko at manggagamit ka lang naman?" natatawa ngunit may halong inis na wika ni Zimry.

"Wala kang alam! Hindi mo alam kung gaano kabaliw ang kaibigan mo sa akin. She even offered her virginity para lang hindi ko siya iwan, but I refused. I still respect her." Ngumisi naman ngayon si Dexter.

"That's not true!" nanggagalaiti kong sigaw. Tarantado!

MARUPOK GIRLS 3: Zakaira Janelle Kiz MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon