I already warned you, Kiz! Bakit hinayaan mo ang sarili mong mahulog sa gagong 'yon?
Pagkatapos niya akong bola-bolahin kanina, ibang babae naman ngayon ang puntirya niya? Ts.
"Ano, sugurin natin?" maangas na tanong ni Zimry.
"Bakit naman natin gagawin 'yon? Hindi ko naman siya boyfriend." Kibit balikat kong saad. But deep inside, higit pa sa pagsugod ang gusto kong gawin.
Ang unfair nga talaga ng buhay. Kung kailan naamin mo na sa sarili mong gusto mo siya, bigla naman siyang mawawala.
Noon, kung makita ko si Dexter na may kasamang iba, wala akong ibang nararamdamang sakit. Ngayon, parang gusto kong sumigaw nang sumigaw hanggang sa mawala itong nararamdaman ko.
"Umuwi na nga tayo." Anyaya ko sa kanila ngunit nakatingin lang sila sa gawi nina Jordan.
"Jordan!" sh*t! Kung pwede lang sabunutan itong si Lewisse e!
Nanatili na lamang akong nakatalikod. Papasok na lang ako sa loob ng sasakyan!
"Hi, girls!" rinig kong bati ni Jordan.
At ang bwisit na Natasha, ni-lock pala ang pintuan ng kotse. Wala tuloy akong choice kun'di ang humarap.
Bumungad sa akin ang nakangiting Jordan. Ang kapal ng mukha!
"Is that Kiz?" napasinghap kaming magkakaibigan nang magsalita ang babaeng kasama ni Jordan.
"Ahm... Ate, this is Kiz together with her friends. Girls, this is my eldest sister. Ate Jade."
"Ha?" hindi napigilan ni Zimry ang gulat. Napatakip din ng bibig si Natasha.
"Bakit parang gulat na gulat kayo? You think, I'm Jordan's girlfriend?" natatawang tanong ng ate ni Jordan.
"So, you are Jordan's apple of the eye. Pretty." Pagpapatuloy nito nang walang nagsalita sa amin. Agad namang namula ang pisngi ko sa hiya.
"A-ahm. T-thank you po." Naiilang kong sagot sa kaniya.
Sino ba naman kasing mag-aakalang ate pala siya ni Jordan? She looks young, mas matangkad pa si Jordan sa kaniya.
"Uuwi na ba kayo? You can join us, kain tayo sa labas. Actually, kakauwi ko lang galing States. Sinundo ko lang si Jordan dito, and to be honest, gusto rin kitang makilala. Akala ko kasi, nag-iilusyon lang itong kapatid ko." Sunud-sunod na wika nito. Parang hindi mauubusan ng iku-kwento.
"Ate, shut up!" singit ni Jordan na hindi makatingin sa akin.
"What do you mean po?" tanong naman ni Zimry na kunot na naman ang noo.
"Tuwing tumatawag kasi ako sa kaniya, puro Kiz ang bukambibig. Pati raw sa bahay. Nagtataka nga sina Mama kasi wala naman siyang maipakilala sa kanila. Akala nga namin, na-inlove siya sa isang robot e." Humagikgik ito habang kinukurot ang tagiliran ni Jordan na sobrang sama na ng tingin sa kaniya.
"Anyway, let's eat somewhere?"
"Gosh! You're a blessing in disguise, ate. Kiz is so gutom na nga raw e. She wants us to eat but we're exhausted. We can't accompany her. Can you take her with you na lang?"
"What? No---"
"Sure! Sure! Let's go then, Kiz. Bye, girls!"
"Bye, Ate!"
Hindi na ako nakaapila pa nang bigla na lamang akong hinila ng kapatid ni Jordan patungo sa sasakyan nila. Ano bang pinagsasabi kasi ni Natasha? Siya naman ang nagpupumilit na lumabas kanina e!
"Gosh! I'm so excited! Matutuwa sina Mama nito."
"P-po? Akala ko, kakain lang tayo sa labas?" anong pinagsasabi nito? Don't tell me...
"Nagbago na ang isip ko. Sa bahay na lang tayo kakain, pauwi na rin naman sina Mama at Papa. Hihi!"
Laglag ang panga ko sa sinabi nito. Is this for real? I'm going to meet his parents? Pero hindi pa naman kami!
BINABASA MO ANG
MARUPOK GIRLS 3: Zakaira Janelle Kiz Martinez
Любовные романы(31st Century) Marupok Girls Series #3: Zakaira Janelle Kiz Martinez