"Hey, I'm sorry. Pati ako, hindi napigilan si Ate." Mas lalong nadagdagan ang aking kaba nang tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"I-i'm fine." Taranta kong saad, mabilis ding binawi ang aking kamay.
"Chill. They won't bite you. Isipin mo na lang na nandito ka dahil kaibigan kita."
"What? Talaga namang magkaibigan tayo!" inis kong bulong sa kaniya. Natigilan naman ito't bigla na lamang tumawa.
"Oo nga pala, I almost forgot." Iling niya.
Sakto naman sa paglabas ng Ate nito ang pagdating ng mga magulang nila.
Agad na natuon sa akin ang mga mata ng mag-asawa. They still look young and in love. Magkahawak kamay silang pumasok sa loob at lumapit sa amin.
The lady is sophisticated. Ngunit may aura itong tulad ng kay Zimry. Mataray, at nakataas ang kilay na para kang hinuhusgahan. But her husband smirking at me. Halata mo kung gaano siya kaloko noong kabataan niya. Sa kaniya nga yata nagmana si Jordan.
"You are?" that voice startled me.
"Ma, 'wag mo namang gulatin." Jordan's playfully said. Nagagawa pa niyang maaliw sa nangyayari samantalang ako, nangangatog na ang tuhod dito!
I'm not really a fan of social gatherings. Kung sumasama man ako kina Moma, okay lang dahil meron naman sila na pwede kong kausapin. Ngunit hindi talaga ako nakikisalamuha sa iba. I can smile and talk a little but it's for business purposes only.
So tecnically, this is my first time socializing. All their eyes are looking at me intently. And I hate it! I feel like I'm on a hot seat.
"I'm talking to you, Miss." Mas lalong tumaas ang kilay nito.
Okay, Kiz. Breath in, breath out.
"I'm Kiz Marti---"
"OMG! Kiz? Jordan's girl?" natigil ako nang bigla itong sumigaw at hinampas-hampas ang kaniyang asawa na tumatawa lang.
Maging si Ate Jade ay natatawa na rin.
"Oh! Finally!" lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking pisngi.
"Wait. You're not a robot, right?" pinisil-pisil pa niya ako para makasigurado.
"Totoong tao po ako."
"Naninigurado lang. Hehe." Pilit na lang din akong ngumiti sa kaniya.
Ang kaninang tingin ko sa kaniya na mataray ay biglang nawala. Pare-pareho lang silang lahat. Loka-loka.
"Stop pinching her cheeks, ma. Namumula na tuloy siya!" hinila siya ni Ate Jade palayo sa akin kaya medyo nakahinga rin ako ng maayos.
"Magpalit na po muna kayo. The food is ready. Hintayin na lang namin kayo." Ipinagtulakan pa niya ang magulang patungo sa itaas.
"Jordan, aayusin ko muna 'yung bagahe ko. You can tour Kiz while waiting. Don't worry, Kiz. It's still early, Jordan will drive you home later." Kumindat lang siya sa akin bago patakbong umalis.
"Okay ka na? Natatakot ka pa ba?" I was caught off guard when he held my hand.
Hinila niya ako sa labas ng bahay nila. Maraming palakad-lakad na robot, ginagawa ang kani-kanilang trabaho.
"Dito na muna tayo." Saad niya't umupo sa damuhan. Ginaya ko na lang din siya.
It's just a simple garden pero alam kong robot ang mga flowers na nakatanim. That's our product! Inimbento ni Kuya.
Isang pitik mo lang sa mga ito ay magpe-play sila ng music. At nakadepende ang genre ng music sa mood ng taong nakapaligid sa kanila.
"Kailangan ko ng umuwi mamaya. Baka hanapin na ako nina Dada." Panimula ko.
"Hindi pa nga tayo tapos kumain. 'Tsaka baka sa sobrang tuwa ni Mama, dito ka na patulugin." Natatawa niyang sambit.
"Jordan, we're just friends!" paalala ko. Oo, I may have something for him pero hinding-hindi ko 'yon sasabihin sa kaniya.
"Sus! Friends pa rin ba tayo kung hahalikan kita ngayon?" nanlaki ang mga mata ko nang inilapit niya nang sobra ang kaniyang mukha sa akin.
Pigil na rin ang aking paghinga!
![](https://img.wattpad.com/cover/191322182-288-k290567.jpg)
BINABASA MO ANG
MARUPOK GIRLS 3: Zakaira Janelle Kiz Martinez
Romance(31st Century) Marupok Girls Series #3: Zakaira Janelle Kiz Martinez