"You're spacing out again, Kiz. Dahil ba 'yan kay Jordan?" ngising aso ni Zimry. Kahit kailan talaga. Tsk!
"Tigilan mo nga ako sa kaka-Jordan mo." Inis na bulong ko sa kaniya. Baka may makarinig pa sa sinasabi nito, isiping may gusto ako sa lalaking 'yon.
"Kakapasok ko lang dito sa library, narinig ko agad ang pangalan ko. Na-miss mo ako?" napangiwi na lamang ako nang kumindat ito sa akin.
"Hayy! Ang tagal naman ni Lewisse. Puntahan ko lang sa canteen. Bye, guys! See you na lang sa room mamaya." Mabilis itong naglakad palabas. Ang dami pang palusot, halatang-halata naman kung ano talaga ang balak niyang mangyari.
"Nag-lunch ka na?"
"Oo," sagot ko na hindi tumitingin sa kaniya. Mahirap na...
"Huwag ka nang mag-review, pakopyahin na lang kita mamaya." Napasulyap ako sa kaniya't sinamaan ng tingin.
"What?" he chuckled.
Agad ko tuloy ibinalik ang tingin sa aking binabasa. Bakit naman kasi ganoon? I find him sexy with that simple gesture.
Hindi na talaga maganda 'tong nararamdaman ko! Nangyari lang naman ito simula kahapon, nang nasa garden area kami.
"Masyado mo naman yatang sineseryo ang exam natin? Ni hindi ka na makausap o." Reklamo nito. Buti na lang talaga't nirere-call ko na lang ang mga nireview ko, kung hindi'y baka bumagsak pa ako. Wala nang pumapasok sa utak ko!
"Huwag mo nga akong kausapin. Alam kong madali na lang para sa'yo ang lahat ng 'to." Inis kong saad.
Kanino ka ba naiinis, kay Jordan o sa sarili mo? Hay!
"Sabi ko naman sa'yo, papakopyahin na lang kita e. Basta may kapalit."
"Ano naman?" taas kilay kong tanong sa kaniya. Wala sa sariling isinara ang librong binabasa at pinagtuunan ng pansin ang lalaking kaharap.
"Bawat subject, may kapalit na halik."
"What? Asa ka naman."
"Ah! Mali pala! Bawat tanong, kapalit ng halik. 'Yon pala dapat para hindi ako lugi. Ano, deal?" matamis itong ngumiti na para akong inaakit.
Humalukipkip ako sa harap nito, "Alam mo, Jordan? Maghanap ka na lang ng ibang kakausapin mo."
"Ayaw mo? O, sige na nga. 'Yong unang offer ko na lang sa'yo." Mukhang dehado niyang saad. Ang kapal din ng mukha!
"Sa'yo lang ang mga sagot mo." I was about to walk out but he held my hand.
"Joke lang, eto naman!" aliw niyang sambit. But my eyes locked on our hands. Napansin niya yata ang tinitingnan ko kaya maging siya'y napatingin na rin.
"Time na. Tara na." He smirked.
Mabilis niyang kinuha ang kaniyang bag pati na rin ang aking libro na kukunin sana kanina.
Hinila na niya ako palabas ng library. Para kaming nagho-holding hands while walking. Halos mapunit ang labi niya sa kakangiti habang ako nama'y hindi alam ang ire-react.
Babawiin ko ba ang kamay ko? Ang daming mga mata ang nakatingin sa amin. Nakakailang!
Pero bakit parang may pumipigil sa akin? Bakit parang ayaw ko nang matapos 'to?
"You're silent." Tumigil kami sa paglalakad nang nasa pintuan na kami ng room.
"May dapat ba akong sabihin?" sagot ko.
Magkahawak pa rin ang kamay namin. Bumuntong hininga muna ako bago bawiin sana ang kamay ngunit hinila niya ako palapit sa kaniya.
"Tawagin mo lang ako pag nagbago ang isip mo't gusto mong mangopya, ha?" bulong niya mismo sa aking tainga.
"Kahit isang halik lang ang kapalit, solve na ako." dagdag pa nito bago siya pumasok sa loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/191322182-288-k290567.jpg)
BINABASA MO ANG
MARUPOK GIRLS 3: Zakaira Janelle Kiz Martinez
Romance(31st Century) Marupok Girls Series #3: Zakaira Janelle Kiz Martinez