"Ano ba talaga ang nangyari, Kiz?" pagpupumilit na tanong ni Zimry.
Mabuti na lang talaga't hindi nila naabutan ang nangyari kanina. Agad kasing tumigil sina Jordan nang dumating ang aming propesor na kasama nina Zimry.
May mga naririnig kasi silang kwento na galing sa aming ka-klase na hindi naman nila masundan.
"Wala. Nagbibiruan lang yata sina Jordan kanina." Hindi makatinging saad ko.
"Hmmm... narinig ko na kasali ang pangalan mo sa usapan ng mga 'yon e. Bakit, pinag-aagawan ka ba nila?"
"Paano siya pag-aagawan? Edi mahahati ang katawan ni Kiz niyan." Tulalang wika ni Lewisse na binalewala na lamang namin. Kahit kailan talaga!
"Kung anu-anong pinagsasabi mo, Zim." Nakatungong sagot ko. Itinatago ang pamumula ng aking pisngi.
Ayaw ko sanang maglihim sa kanila. Kaya lang, natatakot akong malaman nina Moma ang kagagahan ko kay Dexter noon. And about Jordan, hindi naman siya parte ng buhay ko. Isa lang siyang peste, na pilit sumisira sa marupok na ako.
Wait, what the hell are you talking about, Kiz?
"Asus!" pangungulit nito sa akin.
Pilit pa niyang inaabot ang baywang ko para sana kilitiin ako. Ngunit natigil nang dumaan si Harley, ang tanging iniibig ni Zimry.
"Uyyy!" ako naman ang kumiliti sa kaniya nang nakitang nagngitian ang dalawa.
"Shut up!" supladang saad nito nang makalayo na si Harley. Ngunit hindi naman matanggal sa labi niya ang ngiti.
Ka-klase namin si Harley, pinsan din ito ni Jordan. Parehong babaero. Lol.
"Kiz," parehong tumaas ang kilay namin ni Zimry nang biglang dumating si Dexter.
Si Lewisse nama'y tiningnan lamang ito't muling ipinagpatuloy ang pagkain ng bigas. Ito na kasi ang nakahiligan niyang papakin. Parang daga talaga.
"Can we talk?" pagpapatuloy ni Dexter.
"Why?" sagot sa kaniya ni Zimry. Daig pa niya ang isang nanay kung bumakod sa akin e.
"Pwede ba tayong mag-usap, 'yung tayo lang?"
Hindi ko alam kung ano talaga ang dapat na maramdaman. Because honestly, I don't feel anything? Is this normal?
"Can you answer my question first?" naiinis na tanong ni Zimry. Bakit parang galit na galit ito kay Dexter?
"Kiz, please..." pambabalewala na naman niya kay Zimry.
"Leave now, Dexter. We don't need to talk."
Iniligpit ko na lang lahat ng mga gamit ko't nagpasyang umalis.
"Zimry, Lewisse..." tawag ko sa mga kasama ngunit mabilis na nahawakan ni Dexter ang aking braso.
Pilit kong kumawala but he grabbed my both arms instead.
"Kung ayaw, 'wag mong pilitin." Isang malakas na pwersa ang humila sa akin palayo kay Dexter.
And there, I met Jordan's bloodshot eyes. He even sighed heavily na para bang ang laki ng kaniyang problema.
"Huwag kang makialam dito, bro. She's my girlfriend!" sigaw ni Dexter.
Sumabay sa pagsinghap ko ang dalawang kaibigan.
"Is that true?" kunot-noong tanong ni Zimry.
Nabitin lamang sa ere ang sasabihin ko dahil sa malakas na tawa ni Jordan.
"Dream on, bro! She's mine now. Pinakawalan mo pa kasi e, magsisi ka ngayon."
"What the hell is happening? I can't relate!" halata na sa mukha ni Zimry ang irita.
"Hinintay mo pa kasing mapunta sa iba bago mo napagtantong ang swerte mo pala." Dagdag pa ni Jordan na mas lalong ikinasama ng tingin ni Zimry sa akin.
Wait... hindi ko maproseso lahat ng nangyayari. Wala akong maintindihan!
BINABASA MO ANG
MARUPOK GIRLS 3: Zakaira Janelle Kiz Martinez
רומנטיקה(31st Century) Marupok Girls Series #3: Zakaira Janelle Kiz Martinez