Kabanata 13

69 3 0
                                    

"Kiz," his husky voice made me tremble. Hindi ko magawang kumurap sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

Ang kaninang mapaglaro niyang awra ay biglang naging seryoso. He's biting his lower lip while staring at me intently.

"Can I kiss you?" bulong niya. Hindi ko maintindihan ang sarili dahil 'tila isang musika sa aking tainga ang kaniyang sinabi.

Really, Kiz? Nababaliw na yata ako!

"Answer me, Kiz. Do you want me to kiss you?" his hoarse voice is not helping me. Para tuloy niya akong inaakit.

"Ahm," ano ba dapat ang isasagot ko?

I like him but I'm not yet ready for a relationship.

"He's just asking for a kiss not commitment!" my inner self answered.

Gosh! What should I do now?

"I can see a lot of questions in your eyes." He chuckled. Agad akong napapikit nang kinain nito ang distansya naming dalawa.

I'm just waiting for his lips to meet mine ngunit hindi ito dumating. He kissed my forehead instead.

At bakit parang nanghihinayang ka ngayon? Ugh!

"Don't worry, I won't rush you. I'm always willing to wait." Dumilat ako't nadatnan ang masuyo nitong mga mata.

"Magsalita ka. Masyado ka yatang namamangha sa kagwapuhan ko!" pagbibiro nito nang nagtagal ang pagtitig ko sa kaniya.

"Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin?" sagot ko na nagpailing sa kaniya.

Muli siyang lumapit sa akin kaya nag-alboroto na naman ang puso ko.

"Just take your time. Alam ko namang sa akin pa rin ang bagsak mo." And this time, nagkaroon na ako ng lakas upang hampasin siya. Ang kapal ng mukha!

"Haha. Totoo naman, ah! Hindi kita titigilan hanggat hindi ka napapasaakin." He smirked. Para tuloy siyang kriminal na may binabalak na masama.

"You're not even courting me. How can you be so sure of that?" as far as I know, he didn't asked me yet kung pwede ba siyang manligaw.

Oo, nagtapat siya ng pagkagusto sa akin ngunit hindi pa rin ako kumbinsido roon. Malay ko ba kung niloloko lang niya ako? Napakarami na niyang karanasan sa babae, baka pagsamantalahan lang niya ang pagka-inosente ko.

"Matagal na kitang nililigawan. Napaka-manhid mo talaga." Umiling siya bago tumayo. Tiningnan ko tuloy ito ng masama ngunit tinawanan lamang ako.

Inalalayan niya ako sa pagtayo. Nakasunod ako sa kaniya habang dahan-dahan itong naglalakad.

"Hindi ba't magpaalam ka dapat bago mo ligawan ang isang babae? Hindi ka pa naman nagpapaalam sa akin, ah? Tapos sasabihin mong nanliligaw ka na? Hindi mo ako maloloko." Inis kong sambit.

Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. Hinawakan niya ang mga balikat ko't mariin akong tiningnan.

"Kung magpapaalam ba ako sa'yo, papayag ka? Hindi ba't hindi? Pero liligawan pa rin naman kita sa ayaw at sa gusto mo. Hindi naman kita pine-pressure. 'Saka na lang kita tatanungin kapag alam kong hulog na hulog ka na sa akin. 'Yong, hindi mo na kayang mabuhay nang wala ako. Hindi pwedeng ako lang ang baliw rito, dapat ikaw rin. Babaliwin kita ng husto, Kiz." He smiled, then grabbed my right hand.

"Balang-araw, hahanap-hanapin mo rin ako." He kissed my hand before letting me go.

Naglakad na siya papasok ng bahay. Akala siguro nito, nakasunod ako sa kaniya. But no, para akong nakapako sa kinatatayuan ko.

Hinawakan ko ang puso kong kanina pa nagwawala. This is insane.

MARUPOK GIRLS 3: Zakaira Janelle Kiz MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon