chapter twenty six

83 7 1
                                    

Chaze's POV

Paliko na kami sa kabilang section ng grocery ng may makabungguan akong matandang babae...bago pa man ako makahingi ng paumanhin ay nagsalita na ang matanda.

"Neng? Neng...ikaw ba yan???" Sabi niya sa akin...at natulala ako dahil ang nakabungguan ko ay si Manang Cely, isa sa mga kasambahay namin aa mansion na close sa akin. Nakasanayan na niya akong tawagin na Neng.

Hindi agad ako makasagot sa kanya at nangingilid na rin ang mga luha ko pati siya ganun din. Namiss ko si Manang Cely... Kinakabahan din ako dahil kasama ko si Sir Dave at Claire...natatakot akong malaman ni Sir Dave kung anung tungkol sa akin dahil baka paalisin na niya ako sa puder nila at sabihan na umuwi na aa amin, natatakot din akong malaman ni Manang Cely kung anu ang kalagayan ko ngayon...ayokong malaman niya na isa na akong maid dahil baka masabi niya sa Daddy ko at pilitin na akong umuwi sa amin.

Hinawakan ni Manang Cely ang mukha ko at tuluyan na kaming napaiyak...

"Saan ka ba nagpuntang bata ka? Pati ako alalang alala sayo..." Sabi niya sa akin at pagkatapos ay niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Ahhhmmm...we will just go to the beverage section." Sabi ni Sir Dave at hindi na ako inantay na makapagsalita at umalis na kasama si Claire.

Nang medyo nakalayo na ng konti sina Sir Dave at Claire ay nagsalita na ako...

"Manang Cely...sorry po kung pati kayo pinag alala ko." Maluha luha kong sabi.

"Kamusta ka na? Saan ka tumutuloy? Kelan ka uuwi?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Manang Cely...

"Ok lang po ako...wag na po kayong mag alala, maayos naman po ang kalagayan ko kung saan ako tumutuloy ngayon."

"Namimiss na kita Neng...umuwi ka na sa mansion." Pakiusap sa akin ni Manang Cely.

"Manang, ayoko po at baka ipilit pa rin sa akin ni Daddy na magpakasal ako dun sa anak ng business partner niya. Saka mas makakabuti na rin siguro na lumayo muna ako sa mga nakakapag paalala sa akin kay Angelo." Sabi ko ng hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni Manang Cely. "Kamusta na nga pala sina Daddy at Mommy?" Lately hindi na ako nakakapagtext or call kay Mommy...

"Nagkaayos na rin naman sila. Sabi nga sa akin ng Mommy mo hindi ka na daw natawag o nagtetext, medyo nag aalala na nga siya sayo eh...pero gusto ka niyang hayaan kung anu man ang naging desisyon mo para sa ikakabuti mo. Mahal na mahal ka ng Mommy mo Neng..." Sabi sa akin ni Manang Cely sabay haplos sa pisngi ko.

"Tatawag na lang po ako sa kanya mamaya." Sabi ko na lang.

"Neng, wag mo sanang masamain...sino yung kasama mo?" Tanong sa akin ni Manang Cely at matamnan akong tinitigan sa mata. Kinabahan ako sa tanong niya...hindi ko malaman kung anung isasagot ko.

"Manang...bagong kakilala ko po, kakilala lang po wala ng iba." Hindi ko kaibigan si Sir Dave dahil boss ko siya at hindi ko naman pwedeng sabihin kay Manang Cely na boss ko ang kasama ko at namamasukan akong maid.

"Bagong kakilala? Kilala lang? Saan mo naman nakilala?" May pilyang ngiti naman sa labi ni Manang Cely...natawa naman ako dahil dun.

"Manang...kung anu po yung iniisip niyo ay hindi po totoo. Talagang kakilala ko lang po siya, hindi ko pa po masasabi sa inyo kung paano ko siya nakilala basta ang masasabi ko lang ay mabait naman siya at hindi masamang tao kaya wala kayong dapat ipag alala, ok?" Paliwanag ko.

"Ok, sabi mo eh." May pilyang ngiti na naman si Manang Cely na parang nanunukso.

"Ehh...Manang naman, totoo po talaga." Sabi ko...mapanukso talaga si Manang Cely eh.

love's mysterious waysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon