chapter thirty

67 7 2
                                    

Chaze's POV


Pumayag ako sa pakiusap ni sir Dave...dahil sinabi niya rin naman na hanggang friday na lang ako dito sa condo niya at babalik na ako sa tagaytay.


Pagkalabas ko ng kwarto niya ay narinig ko pa siyang nagsalita...

"Babe, where did you put my underwear?" Sigaw ni sir Dave...


Puro kalokohan din pala sa katawan ang isang yon!

"In our bed...use your eyes not your mouth babe!" Sagot ko naman.

Pagharap ko kay Patricia ay matalim na tingin ang ibinigay niya sa akin...ginantihan ko naman ng isang ubod ng tamis na ngiti, no...scratch that, isang mapang asar na ngiti!!! Hahaha...

"Can I offer you something? Water, juice, coffee, tea?" I asked...


"Wine would be fine..." Mataray niyang sagot.

"I'm sorry but we don't have wines, I'll just make you fresh orange juice instead." Sabi ko at tinalikuran ko na siya...hindi ko na inantay ang sagot niya.

Balak niya pa yatang maglasing dito...pathetic.

While I'm squeezing the orange...I heard Patricia shouting at sir Dave. Siguro pinagtatalunan na nila ang tungkol sa akin. Hindi ko akalain na maiisip ni sir Dave yung ganitong pagpapanggap na girlfriend niya ako kunwari.

Palabas na ako ng kitchen ng makita kong parang naglalambingan na sila...kunwari pa si sir Dave na ayaw kay Patricia pero parang enjoy na enjoy siya sa pinag gagawa sa kanya ni Patricia.

Palapit na ako sa kanila ng bigla na lang halikan ni Patricia si sir Dave...


"Ehem..." Nagulat si sir Dave sa biglang pagsupot ko at humiwalay kay Patricia...

"So...what's happening here?" I asked looking at both of them.

"Dave and I were kissing so can you please go away...you're disturbing us." Sagot sa akin ni Patricia... Grabe naman din sa kakapalan ng mukha nitong babaeng 'to.

"Oh, I'm sorry if I dusturb you kissing my boyfriend. Here..." Iniabot ko sa kanya yung juice pero hindi niya kinuha... "Drink it, para pag nagkiss ulit kayo eh may flavor yung bibig mo para magkaron naman ng gana si Dave sabayan yung halik mo. Don't worry, walang lason yan." Sabi ko at ngumiti ulit ng mapang asar.


"Dave, can you order her to leave us alone?" Patricia said na parang nagsusumbong kay sir Dave, as if naman na kakampihan siya. Pagkatapos ay humarap ulit siya sa akin. "He's not your boyfriend because he's MY boyfriend, may nangyari na sa amin...so backoff you bitch." Sabi niya na may diin pa talaga yung 'my' sa salita niya sa akin at tinulak pa ako ng bahagya. Konti na lang at makakatikim ka rin sa akin babae ka!!!


Haharangan sana ako ako ni sir Dave para sana kung sakaling lumapit pa ulit si Patricia pero pinigilan ko siya.


"Oh, look who's talking...proud ka pa na you had sex with dave? I bet if Dave is the only guy you slept with." I said while looking at her from head to toe. Inalis ko na ang ugali kong yun pero dahil sa kanya na umaattitude eh pagbibigyan ko siya. "Yes, I'm a bitch so you better drink this juice or else I'll gonna pour it to your face." I extend my hand para iabot ulit yung juice. Konting konti na lang talaga, ibubuhos ko na sa kanya 'tong hawak kong juice.

love's mysterious waysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon