chapter twenty

124 8 1
                                    





chaze's pov





it's only 4am, i'm packing some of my clothes and stuffs now...maya maya kasi ay aalis na kami, hindi ko alam kung hanggang kailan ako titigil sa condo ni sir dave. natatakot ako na may makakita sa akin na kakilala ko or ng family ko sa manila at iparating sa daddy ko. wala naman akong magagawa kundi ang sumama sa condo.



"hhhmmm..."




napalingon ako sa batang nakahiga sa kama ko...kagigising lang niya at nag uunat ng katawan. dito na pinatulog ni sir dave sina sir nick at claire...tinanong ko si claire kagabi na baka gusto niya na katabi ako matulog sa kwarto ko at excited naman siyang sumama sa akin. si sir nick naman ay sa isang guest room natulog. sina tito enrique at tita beatrice ay dito rin natulog.






"baby, it's too early pa...you can catch more sleep." hindi siya sumagot at naghikab lang...halatang inaantok pa nga siya at papungas pungas pa ang mga mata. hinimas himas ko na lang ang buhok niya at baka sakaling makatulog siya ulit...hindi naman nagtagal at pumikit na ulit siya.





after an hour i finished packing my things...konti lang naman, nagtagal lang ako sa pag aayos dahil gusto ko well organized ang gamit ko. tatayo na ako sa pagkakasalampak ko sa sahig at ilalagay na ang bag ko sa tabi ng may yumakap sa leeg ko mula sa likod ko.





"baby...masyado ba akong maingay mag ayos ng gamit kaya ka nagising na? you don't want to go back to sleep? it's still early..." sabi ko kay claire habang nakayakap pa rin siya sa akin...hindi naman siya sumagot.





"ok, let's take a bath together then we will prepare breakfast..." nag smile naman siya sa akin...





tuwang tuwa si claire nang sabay kaming maligo sa bathtub... pagkatapos namin maligo ay bumaba na kami at nagluto na ako ng breakfast. pinaupo ko lang muna siya at tahimik na pinapanuod ako sa ginagawa ko.





naghahain na ako sa dinning table ng bumaba na sina tito enrique at tita beatrice. may maya ay sina sir dave at sir nick naman ang bumaba...




"tata...we took bath together, i had so much fun." excited na kwento ni claire kay sir nick at nagpakarga pa.



"you took a bath with chaze?" tanong naman ni sir nick...amused ang nakikita ko sa mukha niya.




"yes, i helped her to scrub her back and i saw a huge---" naputol ang sasabihin ni claire ng mapatingin siya sa akin... pasimple kasi akong umiling sa kanya, i told her not to tell anyone what she saw at my back...nalimutan niya siguro sa sobrang excitement niyang magkwento. "ahh...maybe we should take a bath again with you, and dydy can join too. we can make more bubbles..." dirediretsong salita ni claire. nagulat kaming lahat sa sinabi niya...nagtawanan naman sila, except me and sir dave. nalihis niya man ang sasabihin niya pero awkward naman ang sunod na sinabi niya...









"really??? how exciting..." sagot naman ni sir nick sabay tawa pa ng ubod ng lakas...




"ahh...baby, we should eat na...i know you're already hungry." sabi ko na lang...






after we ate breakfast umalis na rin kami...si mang dante na ang ipinagdrive ni sir dave sa kotse niya at sa kotse naman ni sir nick ako sumakay kasama si sir dave. sa passenger seat si sir dave at sa back seat naman kami ni claire. si tito enrique na lang ang nagdrive ng dala nilang sasakyan ni tita beatrice. sa office didiretso sina tito enrique at tita beatrice...dun na rin inihatid ni mang dante ang kotse ni sir dave, sina sir dave at sir nick naman ay ihahatid muna ako sa condo ni sir dave bago sila pumunta sa office. pinakiusapan ako ni sir nick kung maaari daw na sa akin muna si claire dahil may narecieve siyang text sa nanny ni claire at mukhang hindi makakapasok dahil may problema.






love's mysterious waysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon