PROTECT

538 25 23
                                        

NANGATOG ang mga tuhod ko sa nerbiyos, pero ang lalaking nasa harapan ko ay buong buo ang loob na hinarap ang sampung armadong lalaki. Wala akong nagawa kung hindi manalangin na makaligtas kami. Pakakasalan nya daw ako ? Sige na payag ako basta lang makaligtas kami, konti panahon lang kami nagkakilala pero hulog na hulog na ako sa sheik na ito.
      He is a definitely very skilled sa combat walang nagawa yung mga magnanakaw, isa isa silang napapatumba ni Hiram. halos malaglag ang puso ko ng makita ko ang isa na aatake sa likod nya.
"Your Highness! " sigaw ko at madali nya itong naiwasan, sa sobrang takot ko hindi ko na napansin na yun isa ay nasa likod ko at bigla akong hinaklit at tinutukan ng patalim sa leeg. Napaimpit ako ng sigaw na syang narinig ni Hiram at nawalan ng focus ito at napatumba, pero mabilis na nakabawi ito bagamat nasugatan sa may braso nya at patuloy na nakipaglaban.
   " Hang on, Liza,. " sigaw nito sakin. at unti unti binaba ang sandata palapit sa amin ng nakahawak sa aking leeg. sya na lang ang natira. umuurong ito at tila nangangatal na sa takot. Nagsagutan sila sa native language. Si Hiram, matigas at buong loob na nagsalita na tila kinagalit ng lalaki. Humigpit lalo ang hawak.  halos hindi na ako makahinga sa pagsakal nya at yun dulo ng patalim ay sumusugat na sakin leeg. Mamatay na yata ako dito. Hindi! hindi ako papayag kaya kahit nanginginig sa takot ubus lakas ko syang kinagat na kinabigla ng lalaki, doon naka tiyempo si Hiram at mabilis nya akong inalis sa lalaki at nagpambuno sila at maya maya ay tuluyan ng nawalan ng malay ang lalaki.
      Tinignan ko ang paligid ang lahat ng sampung katao ay nakahandusay laban sa isang lalaki ngayon ay nakatingin sa akin ng may pagalala. Gusto ko syang pasalamatan pero tila naumid ang dila ko dahil sa matinding takot at trauma naranasan. 
      " Liza.. " niyakap nya ako at doon kusang tumulo ang luha sa aking mga mata at lalo nyang akong niyakap at hinarap ang aking mukha.
      " You are safe now. Habibti. I will never let them harm you "
      " Thank you, your highness, " sa wakas ay nakapagsalita na ako.
        Nakita ko ang tenderness sa kaniyang mukha bago ako ginawaran ng halik, napakapit ako sa kaniya ng mas mahigpit at mas lalong lumalim ang halik. It brought warm in my heart. Isa lang ang sigurado ko. I fallen in love. Hulug na hulog.

Note : Salamat muli sa mga nagbabasa. God bless all of you

SHEIK and I (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon