KASALUKUYANG nakaharap ngayon ang isang dalaga sa isang whole body mirror, tinitignan ang kanyang kabuuan sa suot na puting body hugging sleeveless dress, mababa ang cut nito sa bandang dibdib kaya medyo kita ang cleavage niya.
"Ang kulit talaga ni Daddy, sinabi ko nang ayoko ng revealing"
'Di man pasok sa panlasa niya ang mga ganitong damit ay wala siyang magawa dahil ito ang pinili ng kanyang ama. Panigurado magtatampo iyon kapag iba ang isinuot niya, madamdamin pa naman iyon.
Kinuha niya ang pares ng 5 inches high heels sa gilid at isinuot, matapos ang isang pasadang tingin muli sa repleksyon niya ay lumabas na siya ng silid.
May pupuntahan silang event ngayon, anniversary kasi ng kumpanya ng isang kasyoso nila ng ama niya sa trabaho.
Sanay na sanay na rin siya sa mga ganito at hindi rin siya pumapayag na 'di siya kasama dahil may katandaan na rin kanyang ama.
"Dad?" Kakatok na sana siya sa office room nito para sabihing nakapag ayos na siya nang makitang medyo bukas ito. Tutuloy na sana siya nang 'di inaasahang marinig ang usapan ng Daddy niya at ng PA nito.
"Sir, kailangan na natin makapag isip ng solusyon. Masyado na nila tayong ginigipit"
"Alam ko Anton, pero hindi ko matatanggap ang gusto ng bastardong iyon"
"Pero Sir--"
"Hindi. Para saan pa ang ginawa namin ni Stella kung sa ganito rin mauuwi, anak ko ang pinag uusapan natin dito"
Hindi alam ni Zyla kung anong pinag uusapan nila, pero sobra sobrang kaba ang nararamdaman niya. May problema ba sa kumpanya nila na hindi niya alam? Paano siya nasama sa usapan? At higit sa lahat, sino si Stella?
"Sir, alalahanin niyo. Hindi lang siya ang kaaway natin ngayon, kahit si Mr. Ong ay nagbabanta na"
"Isa pa 'yang hayop na 'yan. Hindi talaga tumitigil ang mga sakim"
Napalunok si Zyla sa naririnig, hindi na narerehistro sa isip niya ang mga sinasabi nila kaya naman minabuti niya nang kumatok.
"Dad, nakaayos na po ako" sabi niya pagkapasok sa loob.
Tinignan siya ng dalawa at nakitang napangiti ang ama niya.
"Good evening Ms. Zyla, ihahanda ko na po ang sasakyan Sir" sabi ni Anton at nag bow muna bago lumabas ng silid.
"Napaka ganda naman ng anak ko"
Napangiti naman siya. Bago ipinulupot ang mga braso sa braso ng Daddy niya.
"Syempre Dad, mana ako kay mama eh"
Napasimangot naman ang ama niya,
"Paano naman ako?""Syempre sa iyo rin" Natatawang sagot niya. Gusto niya sanang magtanong sa mga narinig pero sa susunod na lang siguro, ayaw niyang sirain ang gabi.
"Tara na po, baka ma late pa tayo"
Lumabas sila ng kanilang mansyon at nakitang nag aabang na sa labas si Anton at ang itim na sasakyan sa kanila.
Mabilis ang naging biyahe dahil hindi naman kalayuan ang venue sa mansyon nila. Marami ng mga nakaparadang mamahaling sasakyan sa labas at mga taong may mga magagarang kasuotan, akala mo awards night. Natatawang napailing siya.
Nang makatapat ang sasakyan nila sa red carpet ay may nagbukas sa kanya ng pinto, at paglapat pa lamang ng isang paa niya sa sahig ay mga nagkikislapang mga camera na ang sumalubong sa kanya.
Hindi na siya nasisilaw kapara nang una, ngayon sanay na sanay na siya, ang pag anggulo, pag ngiti ay na master niya na ata.
Muli niyang isinukbit ang braso sa ama nang makababa na rin ito.
BINABASA MO ANG
Black Market (Sold Series#1)
Romance"8 million" "8 million by Mr. Chua!" "10" "10 million by Mr. Trañez!" "12 million" "12 million by Mr. Chua! Looks like Mr. Chua can't resist the charm of our hot item" "Going once" "Going twi--" "10 million" Lahat ay napatigil nang marinig ang barit...