KABANATA 6

514 17 6
                                    

NANATILING nakatitig ang mga mata ni Zyla kay Adam,  gano'n din naman ang binata sa kaniya. Maging ang lahat ng tao na nando'n ay nanatiling walang imik at nasa kanila ang buong atensyon.

"Are you sure Zyla?" ulit ng binata at humakbang pa papalapit sa kaniya.

Pinanatili ni Zyla ang matapang na ekspresyon sa muka niya. Hindi siya dapat magpakita ng takot sa harap ng binata. Para mang nabugbog ang katawan niya at 'di niya alam ang mangyayari sa kaniya dahil sa ginagawa niya ngayon ay wala na siyang pakielam. Ito ang isa sa pinaka kinaiinisan niyang ugali niya, nagiging padalos dalos siya kapag nakakaramdam ng sobrang emosyon.

"Y-Yes" napamura siya sa isipan niya nang manginig ang boses niya, lalo tuloy na napangisi ang binata nang makitang kabado siya sa nagaganap ngayon.

She can't. She actually can't do it.  Parang gusto niya na tuloy pagsisihan at bawiin ang mga sinabi niya pero huli na ang lahat, nandito na siya ngayon sa matinding sitwasyong ito.

Napabawi siya ng tingin sa mga magagandang mata ng binata nang makarinig ng pag ungol sa sakit mula sa lalaking binugbog ni Adam kanina.

Pinipilit muli nitong tumayo kahit may mga baling buto at hirap na hirap. Nag aalala namang hinawakan ni Zyla ang braso ng lalaki at tinulungan sa pagtayo. Tinignan naman siya ng lalaki at nang laki ang mga mata nito sa gulat dahil sa ginawa niya.

"S-Salamat po Lady Zyla" sabi nito kaya naman kahit kabado siya ay pilit siyang ngumiti sa lalaki at tumango.

Ngunit mabilis din na nabitawan ni Zyla ang lalaki nang may humatak sa kabilang braso niya. At ganoon na lang ang takot niya nang masalubong ang nag niningas na mata ni Adam dahil sa galit? Hindi niya maintindihan, kanina lang ay may naglalarong ngisi sa mga labi nito but now he's frowning! And definitely look furious right now.

"P-Patawad po L-Lord!"

Nagulat din si Zyla nang bigla ring lumuhod ang lalaking tinulungan niyang makatayo at yumuko pa. Makikita rin ang panginginig nito sa takot. Ano ba ang nangyari? Nalilito na si Zyla.

"All of you, leave." madidiin na binitawan ni Adam ang mga salitang iyon. Pagkatapos ay hinuli ang kamay niya at mahigpit ngunit may ingat na hinawakan iyon. Tinignan ni Zyla ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya, biglang pinamuluhan ang muka niya. No! Ano ba 'tong nararamdaman niya, dapat ay matakot siya, dapat ay magpumiglas siya palayo sa delikadong binata na 'to.

Naalis lang ang tingin niya sa magkahawak na kamay nila nang magsimula nang mag lakad si Adam.  Napalingon pa siya at nakitang unti-unti na ring nagsisi alisan ang mga tauhan ng binata.

"S-Sandali!" Natigil muli ang lahat nang mag salita siya.

Bumaling din ng tingin sa kaniya si Adam at nagtagpo muli ang mga mata nila. Ayan na naman, nakakapanghina talaga ang mga titig niya.

"Kapag..." paninimula niya habang 'di kinakalas ang titigan nila ni Adam.

"Kapag sinaktan niya ang isa sa inyo, sabihin niyo sa'kin" Walang kurap na sabi niya at ganoon na lang ang tuwa ng loob niya nang hindi man lang siya nautal. Bilib din siya sa sarili niya dahil may lakas din siya ng loob na sabihin iyon. Eh ano ba ang kaya niyang gawin?

"Tsk" usal ng binata at muli siyang hinatak.

Dinala siya nito kung nasaan siyang kwarto kanina. Doon lang din binitawan ni Adam ang kamay niya,  at ang pakiramdam niya? Parang nanghihinayang. Nababaliw na talaga siya.

Napalunok siya ng laway bigla, silang dalawa lang ng binata sa kwarto. Bumaha ang kaba sa dibdib niya. Seseryosohin ba ni Adam na siya na lang ang sasaktan nito? Parang tuloy gusto niya ulit tumakbo. Hindi pa tuluyang naghihilom ang mga sugat niya maging ang mga pasa niya at buong katawan ay nananakit pa tapos baka mabugbog pa siya ngayon.

Black Market (Sold Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon