MINSAN naiisip ni Zyla kung ano ba ang pakiramdam ng mga kriminal na hinahabol at hinuhuli ng mga pulis, at ngayon alam niya na ang pakiramdam.
Oo at hindi naman siya kriminal pero bakit pakiramdam niya ay may nagawa siyang mali, parang may nagawa siya na hindi dapat, ngayon tuloy ay parang lalabas na ang puso niya sa takot habang tumatakbo.
Nakailang beses na siyang natapilok at natisod pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo.
Dumaan siya sa may gilid ng malaking bahay na iyon at dumiretso sa likod nito na purong matataas na puno naman ang sumalubong sa kanya.
Ngayon ay parang walang katapusan ata ang mga puno na 'yon, para na siyang nasa wild forest. Wala naman siguro siyang makakasalubong ng tigre o liyon 'no?
"NANDITO BILISAN NIYO!"
Mas binilisan niya pa ang pagtakbo, walang pakielam kung maimpeksyon man ang nabubog niyang paa sa dumi ng lupa.
Kanina pa siya hinahabol ng mga lalaking nakaitim, kapares ng suot ng babae kanina sa may veranda. Mukang ito ata ang mga guard sa buong kabahayan.
Hindi niya rin alam kung ilang pasa, sugat at gasgas na meron sa katawan niya at wala na siyang balak alamin pa.
Ilang beses na sumabit ang damit niya sa mga halaman at matutulis na kahoy na nanduon, sobrang gulo na rin ng buhok niya, kung may makakakita man sa kanya baka matakot pa sila sa itsura niya ngayon.
*BANG*
Parang huminto sa pagtibok ang puso niya sa narinig. Baril? Putok iyon ng baril hindi siya pwedeng magkamali, tutuluyan na ba siya ng mga ito?
"DITO"
*BANG*
"H'WAG MONG BARILIN SHIT!"
Sa sobrang pagmamadali niya ay muli siyang natalisod sa nakaangat na ugat ng isang malaking puno, hindi na niya napigilan ang mga nangyari, tuluyan na siyang nawalan ng balanse at kontrol, nagpagulong gulong siya at tumama ang ulo sa isang bato.
"T-Tulong"
Unti-unti nang lumalabo ang paningin niya, hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.
--
Nag mulat ang mga mata ni Zyla at ang puting kisame na may maliit na chandelier ang unang sumalubong sa kanya. Nilibot niya ang paningin at napabuntong hininga nang mapagtantong nandito siya muli sa malaking bahay na kinalalagyan niya kanina.
Hindi na ito ang nauna niyang kwarto, ang kaibahan lang ay wala na itong veranda at saradong sarado ang silid, tanging ang maliit na bintana lang ang pwedeng labasan pero 'di naman siya kakasya duon. At isa pa ubos na ubos na ang lakas niya.
Dahan-dahan siyang bumangon, at napaungol siya sa sakit ng buong katawan niya. May benda ang bandang ulo at paa niya. Malinis na rin ang ilang mga sugat at gasgas niya.
Napansin niya rin na iba na ang damit niya, medyo basa rin ang buhok niya kaya sigurado siyang nalinisan na rin siya.
Medyo nahihilo pa rin siya pero pinilit niyang bumangon. Sinuot niya ang indoor slippers na nasa ibaba ng kama niya.
Lumapit siya sa may malaking salamin at napangiwi sa nakitang repleksyon. She looks wasted, para siyang napagtulungan sa isang rambol o nakuyog sa isang demulusyon.
Ano na lang ang sasabihin ng Daddy niya pagnakita ang itsura niya? May mga maliliit na pasa rin siya sa braso, iniangat niya ang bagong bistida na suot at tinignan sa repleksyon ang likod niya. Napasinghap siya sa laki ng pasa na nanduon, nagkulay violet pa. Napakagat siya sa ibabang labi sa nakikita.
BINABASA MO ANG
Black Market (Sold Series#1)
Romance"8 million" "8 million by Mr. Chua!" "10" "10 million by Mr. Trañez!" "12 million" "12 million by Mr. Chua! Looks like Mr. Chua can't resist the charm of our hot item" "Going once" "Going twi--" "10 million" Lahat ay napatigil nang marinig ang barit...