NAPABALIKWAS ng bangon si Zyla mula sa pagkakahiga. Nang makapag adjust ang mga mata niya sa liwanag ay saka niya lamang inilibot ang tingin.
Nasa isang malaking kwarto siya ngayon na may queen size bed. Sa harap niya ay may malaking flat screen TV, may isang pinto na tingin niya ay ang pinto palabas ng kwarto at isa pang pinto na hula niya naman ay ang restroom, di kalayuan naman ay ang malaking closet. Mayroon din small round table at dalawang maliit na couch na malapit sa veranda.
Kakaunti lang ang mga gamit kaya maaliwalas tignan ang paligid, bumagay din ang kulay ng kwarto na brown at white.
Pero nasaan nga ba siya? Inalala niya ang mga nangyari at muli na namang nanalaytay ang kaba at takot sa buong sistema niya. Ang huling naaalala niya ay nahimatay siya sa loob ng kotse ni Adam. Marahil sa pagod at pagkabigla sa mga sunod-sunod na nangyari sa kanya.
Nagsisisi siya, sana ay nag stay na lang siya sa event hall kahit bagot na bagot na siya, sana ay ligtas siya ngayon, sana nasa tabi pa rin siya ngayon ng Daddy niya.
Tinignan siya ang sarili at napansing iba na ang suot niya pero gano'n pa rin naman ang pang loob niya. Naka kulay dilaw siyang bistida na spaghetti strap. Komportable naman suotin at hindi makati. Ayaw man niyang aminin ay sobrang maselan ang balat niya. Mabilis siyang magka rashes kapag hindi malinis o hiyang sa balat niya ang mga ginagamit niya. Kaya naman alagang alaga niya ang sarili maging ang Daddy niya ay ingat na ingat sa kanya.
Saglit siyang natigilan, sino ang nagpalit sa kanya?
Nangamatis ang buong muka niya nang pumasok sa isip niya na si Adam ang nagbihis sa kanya. Nababaliw na siya, hindi niya dapat naiisip ang mga gano'ng bagay. Baka masamang tao rin ito.
Mabilis niyang iniiling ang ulo. Dapat siyang makaalis dito, kailangan niya ring matawagan ang Daddy niya, baka sobra-sobra na ang pag aalala nun. Hinihiling niya na sana ay walang nangyaring masama sa kalusugan ng ama.
Dahan-dahan siyang bumaba sa kama at pinapakiramdaman ang paligid. Carpeted naman ang sahig kaya hindi rin nakakagawa ng ingay ang pagyapak niya.
Marahan niyang binuksan ang pinto at tinignan ang paligid. Maraming pinto sa may gilid hallway, mahaba rin ang pasilyo kaya 'di niya tuloy alam kung saan dadaan. Nahuhulaan niya na, malaking bahay ito.
Maingat niyang isinara ang pinto at nagsimula ulit maglakad, 'di niya alam kung saan liliko kaya naglakad na lang siya kung saan man siya dalhin ng paa.
"Yes Lord, natutulog pa rin po siya. Masusunod po"
Agad siyang napahinto nang makita ang isang nakatalikod na babae sa kanya na sa tingin niya ay katulong dahil sa pananamit nito. May kausap ito cellphone na hawak na tingin niya ay si Adam dahil sa pagtawag nitong 'Lord'.
Agad siyang napaatras at huminto sa may palikong parte ng hallway. Nakiramdam siya sa paligid at napansing papunta sa direksyon niya ang maid.
'Mag isip ka Zyla, mag isip ka'
Hindi siya dapat na mahuling tumatakas.
Huminga siya ng malalim at inihanda ang sarili sa gagawin. Wala na siyang choice.
Umatras siya ng ilang hakbang at pagkatapos ay mabilis siyang naglakad, pasalubong sa maid. Kung magiging tama ang tiyempo niya ay makakambagaan niya ito.
"3" bulong niya sa sarili.
"2"
"Aray!"
"Shit, Lady Zyla!"
Napasalampak sila pareho sa may sahig.
"Ayos lang po ba kayo?" Sabi nito at tinulangan siyang makatayo.
BINABASA MO ANG
Black Market (Sold Series#1)
Romance"8 million" "8 million by Mr. Chua!" "10" "10 million by Mr. Trañez!" "12 million" "12 million by Mr. Chua! Looks like Mr. Chua can't resist the charm of our hot item" "Going once" "Going twi--" "10 million" Lahat ay napatigil nang marinig ang barit...