KABANATA 2

315 6 1
                                    

NAGISING si Zyla dahil sa pagkakangawit sa posisyon niya. Imumulat niya sana ang mga mata nang mapagtantong may takip ang mga mata niya, ang mga kamay niya rin ay nasa likod at nakatali. Unti unting nagrehistro sa isip niya ang mga nangyari. Sobra sobrang kaba na naman ang nararamdaman niya.

Pinakiramdaman niya ang paligid, tingin niya ay nasa sasakyan siya.

"Pare sigurado ka bang di mo masyadong hinigpitan 'yong tali?"

"Oo, sabi mo eh"

"Dapat lang, kahit gasgas ay bawal. Lagot tayo kay Mr. Ong"

Mr. Ong? Saan niya nga ba narinig iyon? Tama, may nabanggit na Mr. Ong ang PA ng daddy niya nang marinig niya ang pag uusap nila.

Pero anong kailangan nito? Bakit kailangan pa siyang ipadukot? Unti unti nang namamasa ang tela sa mata niya, dahil nagsisimula na siyang matakot at maiyak. Nagsisimula na siyang magdasal na sana ay maging ligtas siya.

"Mas maganda pa pala siya sa personal pre, baka naman pwede muna natin 'tong tikman"

Halos takasan na ng kulay ang muka niya nang maramdaman ang magaspang na kamay na humahaplos sa hita niya. Gusto niya itong sipain pero 'di niya magawang makakilos.

"Hahaha sige, kung gusto mong mamamatay agad, gawin mo"

"Hindi naman malalaman pre"

"Iyon ang akala mo tanga, iba kung manigurado 'yong intsik na 'yon, isang tingin niya lang alam niya na agad"

Nakahinga nang maluwag si Zyla nang mawala ang kamay sa hita niya, pero hindi iyon sapat para mawala ang takot niya.

Naramdaman niyang huminto ang sasakyan. Nasaan ba talaga siya? Siguradong nag aalala na ang daddy niya, baka may mangyaring masama do'n, sobrang pag aalala ang nararamdaman niya, hindi lang para sa sarili kundi para rin sa ama.

Narinig niyang nagbukas ang pinto ng kotse, malamig na hangin ang dumampi sa balat niya.

"Mr. Ong! Tapos na ang ipinag uutos niyo"

"Asan babae?" Rinig niya ang boses ng intsik.

"Ito po boss"

"Kayo sigurado wala gawa iba? Ako alam ako kapag may gawa iba, kayo patay sa'kin"

"Nako boss, wala po"

Naramdaman niya na may pumasok sa sasakyan. Tinanggal ng pumasok ang takip sa mata niya.

Nasilayan niya ang matabang lalaki na singkit, maputi ito at naka puting tuxedo.

"Ganda talaga anak Augustus, ama mo may utang sakin, ikaw kunin ko bayad. Laki kita ko na naman"

Sinikap niyang mag salita kahit sobrang takot na siya.
"A-Anong utang? At bakit ako? Pwede ba, ibalik mo na ko, pakawalan mo na ko!"

Napailing naman si Mr. Ong,
"Nako nako, wala na balikan, ikaw akin na"

"Hayop ka! Pakawalan mo na ko!" Nag sisimula na siyang mag pumiglas.

"Ikaw wag na laban, ikaw wala magagawa" nakita niyang ngumisi ang intsik.

"Pero bago ikaw benta, ako halik muna"

Parang gusto niyang masuka sa narinig. Pero ano raw? Benta? Ibebenta siya?

Nakita niyang papalapit ito habang naka nguso, hindi niya magagawang makailag kaya ang ginawa niya ay dinuraan niya ito.

"Hayop ka babae ka"

Isang malutong na sampal ang natanggap niya. Tumama pa ang ulo niya sa may bintana ng sasakyan. Pakiramdam niya ay magkakapasa ang pisngi niya.

"Kunin niyo na babae ito, dalin loob!"

Black Market (Sold Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon