SUNOD-SUNOD ang palakpakan nang maidiklera na nabenta na si Zyla sa lalaking nag ngangalang 'Mr.Lorcan'
Pinipilit niyang sumigaw pero ang laking hadlang ng nakatakip sa bibig niya. Panay lang ang pag hugulgol niya at ang pag hikbi. Halos hindi na siya makahinga nang maayos dahil sa pag-iyak.
Nag simula nang magbukasan ang mga ilaw sa paligid. Para siyang nasa isang tiyatro at ang mga ibinebenta rito ang nagmistulang nagtatanghal at nag bibigay aliw sa kanila.
Napansin niyang may mga maskara ang mga tao roon, may ilan na nakatingin sa kanya dahil hanggang ngayon ay nakasalampak pa rin siya sa marmol na entablado. Napayuko siya.
"I still can't believe I'm witnessing that out of this world beauty of yours right now, mademoiselle"
Napatingala siya nang makarinig ng boses ng lalaki. Isang lalaking tingin niya ay nasa early forties na at may maskara man ang bandang mata nito ay hindi nakaligtas sa kanya ang malagkit na tingin nito.
Humakbang ito papalapit sa kanya kaya agad siyang napaatras. Bumalot ang takot sa kabuuan niya, unang tingin pa lang muka nang walang gagawing mabuti.
Patuloy ang paglapit nito at patuloy rin ang paglayo niya.
"Take one more step and I will fucking break your legs"
Parehas silang napahinto nang marinig ang malalim at delikadong boses na iyon.
"M-Mr. Lorcan"
Sinulyapan ni Zyla ang bagong lalaki, kung hindi siya nagkakamali ay ito ang lalaking bumili sa kanya sa sobrang laking halaga.
Matipuno ang pangangatawan nito, malaki ang agwat ng tangkad sa kanya at may magandang kutis. Matangos ang ilong nito at may natural na mapupulang labi, mapanga rin ito at base sa itsura at laki nito ay sigurado siyang hindi ito pinoy. Hindi niya makita ang mga mata nito dahil tulad ng iba ay maskara rin itong itim sa bandang mata.
Sa tayo at tindig nito ay parang pag aari niya ang lahat, presensya niya pa lang kayang kaya ka ng takutin at paluhurin. Para siyang diyos.
"Leave"
Isang salita, pero parehas na nanindig ang balahibo nilang dalawa sa lamig ng boses nito.
"Y-Yes" Kahit lingon ay hindi na ginawa ng lalaki at nagmamadaling umalis.
Napansin niyang papalapit sa kanya ang lalaki kaya muli siyang napayuko. Hindi niya kaya ang presensya ng matipunong binata, parang mas bumigat lang lalo ang paghinga niya.
Nagtungo ito sa may likod niya at bahagyang iniluhod ang isang tuhod. Naramdaman niya na lang na kinakalagan siya nito mula sa lubid na kanina pa marahas na kumikiskis sa porselanang kutis niya.
Napasinghap siya nang magtama ang balat nila, para siyang nakuryente at may kung anong sumibol sa kaibuturan niya. Ano bang nangyayari sa kanya? Dapat ay makaramdam siya ng sobrang takot pero bakit ganito? Parang kakaiba, nababaliw na ba siya?
Saglit din napahinto ang lalaki pero agad ding tinapos ang pagtanggal ng lubid sa kamay niya.
May lumapit muli na lalaki sa kanila, pero 'di tulad ng iba wala itong suot na maskara. At ang suot nitong damit ay parang uniporme.
"Lord Adam, nakahanda na po ang sasakyan"
Adam? Iyon ba ang pangalan ng lalaking bumili sa kanya?
Tinanggal din ng binata ang pagkakabuhol ng tela sa likod ng ulo niya na tumatakip sa bibig niya.
"Let's go"
Muntik siyang mapatili nang bigla siya nitong buhatin na parang bagong kasal. Awtomatikong pumulupot ang mga braso niya sa leeg nito. Naramdaman niyang nakatingin ito sa kanya, pero 'di niya kayang salubungin ang intensidad ng mga titig nito.
Nagsimulang humakbang ang lalaki kaya humigpit din ang pagkakakapit niya rito.
Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin o kung anong gagawin sa kanya nito, pero wala na siyang lakas para lumaban pa. Pagod na pagod na ang buong sistema niya.
"A fallen angel indeed"
Nahinto sila nang biglang may humarang na lalaki sa kanila. Napatingin si Zyla sa paligid at nakita niyang nakatingin ang lahat sa kanila. May mga naka ngisi, masasama ang tingin at pagkamangha na nakatingin sa kanila--sa kaniya.
Muli naman niyang iniwas ang paningin at isinubsob ang muka sa malapad at matigas na dibdib ng binata.
Naramdaman naman ito ni Adam kaya mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pag kakahawak kay Zyla.
"Move"
Nag iwasan ng tingin ang lahat nang magsalita si Adam, ang iba nga ay nag sisi alisan na dahil sa nabubuong tensyon."Chill Adam, gusto ko lang naman na makita ng malapitan ang diyosang hawak mo." Malokong sabi ng lalaki.
"Well unfortunately for you, I don't allow anyone to touch or even throw a simple glance to my property." Madiin na sagot ni Adam pero natawa lang ang lalaking kaharap nila.
"I know you will say that, pero gusto ko lang naman sabihin na kapag sawa ka na sa kanya baka naman pwedeng sa'kin naman, I will pay if you want to."
Parang kinilabutan si Zyla sa narinig. Baliw na ba ang lalaking 'to?
"Are you seriously saying that shit to me? Where in the first place you can't even have the money that I just throw away awhile ago"
"Damn you" napipikon na sabi ng lalaki.
"Move before I put a bullet inside that air head of yours."
Para namang 'di natinag ang lalaki. Kaya nagsisimula nang maubos ang pasensya ni Adam.
"RONALD!" Dumagungdong ang lakas ng boses ni Adam sa buong lugar.
Lumapit ang kaninang kasama nilang lalaki na naka uniporme.
"Yes Lord Adam"
"Give me my gun"
Nagsinghapan ang lahat na nandoon pa sa narinig, maging si Zyla ay 'di makapaniwala sa narinig. Napatingala siya at nakita ang nag iigting na panga ng binata.
Para namang duon na natakot ang lalaki at napaatras.
"W-We're not yet done L-Lorcan." Nahihindakutang sabi nito at nagmamadaling umalis.
Bumaba ang tingin ni Adam kaya mabilis na nag iwas ng tingin si Zyla. Kinakabahan siya, hindi sa takot, pero saan?
"Let's go"
"Yes Lord"
Mabilis silang nakalabas sa lugar. Mula doon ay may isa pang lalaking naghihintay sa kanila habang nakatayo katabi ang itim na sasakyan.
Binuksan ng lalaki ang passenger seat habang 'yong nagngangalang Ronald naman ay dumiretso sa may shot gun seat.
Ipinasok siya ni Adam sa loob at tumabi sa kanya. Mabilis naman na umikot ang isang lalaki pagkasara ng pinto at dumiretso sa may driver's seat.
Naramdaman niyang nakatingin sa kanya ang binata. Magsasalita ba siya? Pero ano namang sasabihin niya? Naramdaman niya na naman muli ang kakaibang tambol ng kaba sa dibdib niya.
Napapiksi siya nang biglang hawakan ni Adam ang pisngi niya. Mukang nag pasa nga ang sampal sa kanya ng intsik na 'yon at mukang napansin iyon ng binata.
"Fuck, who did this to you?"
Hindi na siya nakapag isip pa at awtomatikong sinalubong ang mga mata nito.
Pero mukang mali ata ang nagawa niya. Wala ng suot na maskara ang binata. Kaya kitang kita niya ngayon ang makakapal na kilay nito pero hindi iyong ang dahilan kung bakit siya natigilan.
Kundi sa magagandang mata nito. 'Aqua marine' bulong niya sa isip niya.
Para siyang hinihigop ng mga mata nito, parang nababasa ang buong pagkatao niya. Malamig man ang mga tingin nito ay hindi iyon nakabawas para hindi siya matuod at mamangha nang makita at magtama ang tingin nila. Ayan na naman ang tambol ng kaba sa puso niya, hindi niya maintindihan ang mga biglaang nararamdaman niya. Kakaiba. Bago.
"Ang...
ang ganda ng mga mata mo"
WICKEDHAND
BINABASA MO ANG
Black Market (Sold Series#1)
Любовные романы"8 million" "8 million by Mr. Chua!" "10" "10 million by Mr. Trañez!" "12 million" "12 million by Mr. Chua! Looks like Mr. Chua can't resist the charm of our hot item" "Going once" "Going twi--" "10 million" Lahat ay napatigil nang marinig ang barit...