06-16-13 (part 1)

35 1 0
                                    

June 16, 2013

Sa pinakagwapong Papa sa buong mundo,

Musta na po kayo ni Mama d'yan? For sure, masaya naman kayo d'yan, di ba? Kasi magkasama kayo. Alam ko naman kung gaano n'yo kamahal ang isa't isa eh. Kahit kamatayan, 'di kayo mapaghiwalay.

Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin kung paano mo araw-araw dinadalhan ng mga rosas si Mama. Grabe, kulang na lang ay langgamin kayo ni Mama noon. Sana kung magkakaasawa rin ako balang araw, magiging katulad din kami sa inyo ni Mama na puno ng pagmamahalan.

Nga pala, may sasabihin talaga ako sa'yo, Pa, kaya nagsusulat ako ngayon. Araw daw kasi ng mga tatay ngayon.

Happy Father's Day, Pa! Sayang, di tayo magkasamang magse-celebrate ngayon. Masaya sana kung magkasama tayo lahat eh. 'Tsaka, matutuwa si Kenken 'pag gano'n. Kung nangungulila nga ako sa'yo na medyo malaki na ako bago ka nawala, paano na kaya si Kenken na baby pa no'n? Pero 'wag kang mag-alala, Pa. Kasi no'ng kasama pa namin si Mama, sinigurado niyang kahit wala ka ay malalaman at mararamdaman ni Kenken kung paano ka magmahal at mag-aruga. Walang araw na hindi ka niya kinukwento sa amin. At ngayong kami na lang ni Kenken, pinagpatuloy ko 'yong ginawa ni Mama.

Pero, Pa, 'wag ka sanang magtampo ah. Si Kenken kasi, binigyan ako ng Father's Day card. Pasasalamat niya raw sa akin, kasi no'ng nawala ka at lalo na no'ng nawala rin si Mama, ako raw 'yong tumayong magulang niya. Loko rin 'tong si Kenken; ginawa akong batang ama. Hahaha! Pero sa totoo lang, naiyak ako kanina. Sweet pala 'tong kapatid ko. Haha!

Don't worry, Pa. Mamaya, plano kong bibisita kami sa inyo ni Mama. Sabi rin ni Kenken, may ibibigay rin siya sa'yo. Kaya 'di mo dapat ikakatampo 'yong card na binigay niya sa akin. Hehe!

'Yon lang muna sa ngayon, Pa. Siguro mamaya, mag-uusap naman tayo kasama si Kenken. I love you, Pa — kayong dalawa ni Mama.

Mula sa nagmamahal at gwapo mong anak,

Nathaniel

The Girl In So Much ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon