Prologue

116 1 0
                                    

“Kunyari masaya ako, kunyari okay lang lahat, kunyari hindi ako nasasaktan . Mapapanggap nalang ako na tila’y walang mali, na wala lang ang lahat ng sakit na ito para sa akin.”

 Ang depression nga naman kasi pwede lahat tamaan. Minsan ito’y tahimik. Meron din naman kasing mga taong hindi magdradrama at itinatatago lang ang nararamdaman. Para itong maskara na ang mga tao ay may façade na nakangiti at madalas na sinasabing I’m fine o kaya ok lang ako. Walang ibang taong makakadetect nito kundi siya lamang (unless siya yung type ng tao na pagnagdradrama eh halos isigaw niya na, kung ganoon, exception siya) kasi ang pagdi’disguise ay madali lang. Kung mas masiyahin siya, mas hindi nila is’suspect na may pinapagdaanan nga pala siya. Pero hindi kasi ito matatago forever, lahat ng tao ay may breaking point.  Pero okay lang yan, merong kang matatanggap na love at support sa pamamagitan sa pagkwekwento ng totoo mong nararamdaman sa mga taong pinagkakatiwalaan mo (MAS LALO NA KAPAG NAKAKARELATE ANG MGA TAONG ITO HAHA), makukuha mo ang tulong at assurance para ika’y makalaban. Ito’y hindi dapat ikinakahiya, meron namang mga taong makakaintidi. Ngunit ano ang mangyayari kapag itinatago mo lahat ng sakit, na kunyari okay ka lang amidst ng lahat ng nangyayari, kunyari di ka naaapektuhan, kapag binobottle up mo lahat ng iyong nararamdaman?

KUNYARI (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon