Chapter 5: Day 1

51 1 2
                                    

Ewan ko kung bakit kaso ang tigas talaga ng kama. Dito ako sa baba part ng double deck at katabi ko ay sino pa ba kundi si Blaire. Sa taas naman namin ay si Marzia at Leianne. Nagsisi ako na sumama ako -.- Ang pagsisisi talaga ay nasa huli. Anyways, finold na namin ang kumot at pinush ang pagaayos ng pwesto namin. Haller gusto naman namin na manalo. Tapos na kami maligo at lahat lahat na, kulang na lang breakfast hihi. 6 o'clock am na at ang gagawin daw namin sa araw na ito ay pupunta kami sa Burnham at maghahand out ng flyers. BAKIT? Di ko din alam. Lalabas daw kami mamayang 9 at kakain muna kami ng breakfast. Ang rule dito ay sariling hugas kaya ayan mahaba ang pila.

Dahil mejo badboy ang group namin, hindi namin sinunod yung rule na dapat magkakaiba dapat ang school at 2 representatives lang dahil karamihan sa group namin ay galing Braxton University pero na lang si Xerxes, Myles, Cielo, Alfie at Madeleine na kaclose namin na galing Ansel University.  Karamihan ng schools ay may sampung representative at kami na ata ang pinakaunti dahil 6 lang kaming umabot, karamihan sa mga officers ay busy daw katulad ng mga Grade 7,8,9 representatives pati na rin yung muse at escort ng school (Epal lang noh, may muse at escort pang nalalaman),  kasi hinahandle daw nilan yung mga business nila o kaya di sila pinayagan. Napansin ko din na yung mga ibang schools, di rin nila sinunod. Bad boy din sila? Joke edi fair lang, so much for following instructions, lahat palag. Wala eh gusto masunod ang feel namin gawin. Magagalit kaya yung organizers?  At kung nagtataka ka oo, andito si Rave katabi namin, kausap niya si Cielo.

Si Cielo kasi yung parang naging kapalit ko. OO, MASAKIT. According sa ask.fm niya  best friends sila kaso feel ko may something eh </3 ALAM MO KUNG BAKIT? Kasi ganun kami dati. Ano pa ba edi syempre masaya siya, ngiti here, tawa there. Yung ngiti, niya ngayon ganern ngiti niya sa akin dati. ALAM MO BA YUNG NGITING YUN, yung laging namimiss ng mga babae sa movies. Yung may sparkol sa mata na yung audience lang ang nakakakita? Yun ang nakikita ko sa amin dati eh at yun ang nakikita ko sa kanila ngayon. Kaso ewan, baka ganun naman siya sa lahat ng babae at assuming lang ako kasi feel ko. DI KO TALAGA ALAM JUSKO. Ang pinakakausap ko si Xerxes kasi si Blaire kausap niya masyado si Madeleine, di niya na nga ako masyadong pinapansin eh pano ba naman kasi pareho silang model churvs eh, edi magkakarelate-an sila.  Oi eto pa, AMPOGI NGAY NI XERXES, tas matalino pa siya. Ang mysterious ng dating ni fafa ang hot tuloy ng dating niya sa akin.  Nag-aaral siya sa Uni na mas mataas ang standards kumpara sa Braxton at eto pa may back story siya na iniwan siya ng parents niya sa Tita niya na ayaw sa kanya. Kwinento sa akin ni Ashche (a/n: Pronounced as Ash), yung best friend ko na kaschool mate niya at nung inopen up niya daw yun mangiyangiyak siya. OMG ANG KYOT.  Para  sa akin, nakakaturn on ngay yun. Mejo sadista ang peg ko. Ewan, ang weird ko noh?

BACK STORY

Boring sa facebook forevs walang magawa, kaso kachat ko yung best friend ko, Si Aisha (pronounced as Ayeesha) na taga Ansel University, (yung uni na mas mataas ang standards sa Braxton) kaya oks lang din, masaya yun kausap eh. Ang tawag ko sa kanya Ai kasi MOUTHFUL ANG AYEESHA nakakatamad forever. #mayforever

Ai: BEH ano bang pwede kong sabihin sa kaibigan ko, wala eh naglalaslas siya. :(

Ako: Ewan ko ngay. Masaya na yun kaysa naman manakit siya ng iba XD 

Ai: Di ka nakakatulong ngay. Anubayan, ineencourage mo pa xD

Ako: Ay joke hahaha insensitive much. Bat ba siya ganun?

Ai: Ah ang tragic kasi ng buhay niya. HUWAG MO SASABIHIN KAHIT KANINO PRAMIS? Lagi siyang pumapalag sa love life niya, either na napapaasa, broken hearted, o basta ganun. Tapos ano kasi di niya kilala parents niya. Iniwan siya sa tita na ayaw sa kanya. At ang ewan lang ng buhay niya. :(

Ako: Ang  sad nga :< Ge tratry ko siyang kausapin? Ewan. Siguro feel niya yun lang ang pwede niyang gawin? Na ang epal ng life na di siya pwede maging masaya. Ano pa bang pwedeng gawin kung gusto mo sumaya kaso ayaw talaga, edi fight fire with fire. Dapat ewan. Sige beh. <3

KUNYARI (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon