Chapter 2: Distraction

60 0 0
                                    

Musta na kaya yun? Ay joke huwag na nga. Anobayan. Masaya naman yun for sure! Simula pala nung bigla na lang siya naging cold sa akin, ni ha ni ho wala akong narinig sa kanya. Kahit iflood ko siya at sobrang sweet na ang laman ng message, laging walang reply. Ang sakit nga eh. AISHH. Ano ba Skylar kalimutan mo na yan. Sus. Move ooon.

Okay. Wagas ako makapagreminisce ah. Nakaabot ako ng isang oras. So 1 na. Grabe ang late na ngay, kaso di pa ako inaantok. Makapagfacebook nga lang para matanggal ko yung mokong na yun sa isip ko *U*

In-on ko yung laptop ko tapos ayun nag-online na ako. Kaso ang boring ng mga nasa news feeds ko grabi. Panay mga taong nagbabakasyon sa ibang lugar habang ako haay computer buong araw lang. Nakakaselos naman ito. Huwag na nga lang, maglalaro na lang ako ng cat mario. Masaya 'to WAHAHA. Good luck na lang sa akin. Ini-minimize ko yung chrome at ayun nga naglaro na ako.Grabe ang hirap niteeey. Naka 499 na ako ng tries kaso di ko matapos tong last part na nasa dungeon.

*Shwiling* Ay may nagmessage sa akin sa facebook. Agad agad kong iniminimize yung cat mario at yun, inaasahan ko na siya kaso si Blaire lang pala. Medyo nadisappoint ako, ay ewan. Binuksan ko yung message.

Blaire: HUY BRUHILDAAAAAAAA, GISING KA PAAAA? Grabe ha 3 na ngaay. HIMALA XD

(ano kasi mga 9 palang tulog na ako at 6 ako magigising. Bihira ako magpuyat dati, ngayon kasi, simula nung iniwan niya ako sa ere, hindi talaga ako makatulog.  Lagi na lang siya ang laman ng isip ko BWISIT.)
Ako: Hindi ngay kasi ako makatulog. Ang boring ngay kasi at ayaw talaga makisama ng brain ko HAHAHA xD. Ansaya ngay ng cat mario. Oh musta naman buhay mo? 

Blaire: Oks lang naman. Ay ano pala alam kong namamatay ka na kasi amboring ng summer mo, ano. XD

Ako: Kilala mo nga ako hahaha. Oh ano yuuun?  xD

Blaire: Ano may parang may parang youth camp na project yung school tas 2 weeks siya, magsisimula siya next week. P2500 siya kasi sa Baguio pa. Oh ano pupunta ka? xD

Ako:  Gora ako. Kaw ngay? 

(Pupunta ako para madistract ako. Kailangan ko ito.)

Blaire: Ge ako rin haha. Labas tayo bukas kasama si Leianne?

Ako: GAME TARA. Anong oras at saan? Grabe nabubulok na ako dito sa bahay. ILABYOOOO.

Blaire: ILABYUTOOO. Mamayang 10, susunduin na lang kita. Ge matutulog na ako. Matulog ka na rin para tumangkad ka pa. CIAO HAHAHA. 

Ako: Ge. Good night HAHAHA. Sweet dreams bruhilda. <3

Tinapos ko muna yung cat mario at pagdating ng 505 natapos ko na din. Ansaya ngaay. Natulog na ako pagkatapos.

Kinabukasan ginawa ko yung normal day to day routine ko. Basta yun, tapos nagpalit ako, yung suot ko ay t-shirt na black, fitted na jeans tapos black na converse. Dahil medyo maaga pa, nanuod na lang ako ng anime <3 

Pagdating ng 10:15 may nagring ng doorbell at binuksan ito ng isa sa mga katulong ko, si Ate Nene at tinawag niya ako. 

 " Huy Skylar, andiyan na si Blaire, naghihintay sa inyo sa baba."

"Sige po. Salamat Manang." tas nginitian niya ako.

Bumaba na ako tapos nakita ko siyang nagfafacebook, kinalabit ko siya ng medyo madiin. Nakikiwi-fi ang loka. HAHA

"Aray. Ansakit nun ah."

"Anong masakit. Heh. Ang hina nga nun eh. Namiss kita bruhildaaaa, sobra. Antagal nating walang gimik ah."

"Namiss din kita ngay hahaha. Walang nanapak sa akin joke. Tara na nga."

"CHE. Asan na pala si Leianne?"

"Susunduin pa natin."

"Ge."

Pumunta kami sa sasakyan niya. Syempre dahil 15 palang siya, may driver siya.

"Kuya kila Leianne po."

"Sige."

 Pagdating namin sa bahay niya ay nasa labas na siya naghihintay.

"UYYYYY. Namiss ko kayo grabi." tas niyakap niya kami.

"Oo ngay namiss ka rin namin ng todo haha." sabi ko naman

"Ge tama na drama guys at tara na sa MOA." sabi naman ni Blaire

Bumalik nanaman kami sa sasakyan ni Blaire

"Kuya sa MOA po kami ngayon."

"Sige. Dito tayo dadaan kasi sobrang traffic."

"Sige po. Thankyou po." sabi naman ni Blaire

 Pagdating namin dun, pumunta kami Star Bucks kasi gutom na kami haha tapos nagkwentuhan na lang kami. Pagkatapos nung pumunta kami sa Comic Alley <3 Andami nga naming biniling necklaces at kung ano ano eh. Ansaya saya. 

Ako: "Tara punta tayo SM Pasig."

Blaire: "Quantuuuum?"

Leianne: "Oo amboring eh. Tara DDR!"

Blaire: "Sige tara. Anubayan guys tumino kayo. Pinapagod natin si Manong kaso tara naaa."

At ayun pagdating namin sa SM  Pasig

*DOOGSH DOOGSH*

Leianne: "Hinay hinay lang sa pag apak Sky. Masisira na yung machine HAHAHAHAHA." 

Blaire: "Kaya nga. Masyadong mahal yung machine noh." 

Ako: "CHE. Nastrestress na nadedepress ako na ewan eh anoba."

Blaire: "Anong stress o depressed churvs ka diyan e ang saya saya mo kaya." Hayy eto nanaman tayo eh -.-

Leianne: "Kaya nga. Anong depress ka jan eh ang hyperactive mo nga ulit eh."

Ako: "Ge sabi niyo eh." Makachange topic nga. "Ay ano Leianne pupunta ka ba sa summer camp churvs ng school?"

Leianne: "Ay malamang auditor ako ngayon diba? At siyempre secretary si Blaire tas 4TH YEAR  rep ka. Alangana hindi tayo pupunta diba. Eh parang nirequire tayo Prez anuba." Ay shocks nakalimutan ko ngay na officer ako haha. Yung president pala namin ay si Marzia tapos nakakatakot siya magalit kaya sa lahat ng utos niya madalas sumusunod na lang kami. 

Ako: "Nakalimutan ko ngay na officer ako. HAHAHA kailan naman daw nirequire ni Prez?"

Leianne: *tumingin siya ng masama kay Blaire.* "Hindi ba sinabi ni Prez sa'yo na sabihin mo sa kanya in full detail?" *hampas kay Blaire* "Anobayan."

Blaire: "Ay sorry naman daw. Nakalimutan ko na in full detail pala." -.- ---> tas ganito mukha niya. HAHA Mas sumingkit.  

Ako: "So lahat ng officers pupunta garod?" 

Sila as in sabay: "Oo nga." 

***

*2 weeks later*

Nagempake na ako at lahat lahat. Exoited na ako SOBRA! HAHA. Maaga ako nagising ngayon tapos papahatid nalang ako kay Kuya M mamaya, Siya nga pala yung driver ko. Sa bahay nga pala namin, apat kami, si Mama nasa abroad at pati na rin si Papa. Only child ako at ang madalas ko kasama ay si Ate Nene (yung head sa mga katulong) ang asawa niyang si Kuya M, sila yung nagpalaki sa akin at dahil dun, mas close ko pa ata sila kumpara sa totoo kong parents yung dalawa pa ay si Kuya Indrex at si Ate Shula. 

Pagdating ng 5 am, hinatid na ako ni Kuya M kung saan magmimeet. Dun sa bus station churvs. 

At ayun lingon here, lingon there, you know para maknows kung andun na sila Blaire o kaya si Leianne o kaya si Marziah haha. Pagtingin ko sa left, nakita ko SIYA, tumatawa kasama yung mga bago niyang kasama. SI RAVE. PAKING TAPE NAKALIMUTAN KO NA VICE PRESIDENT SIYA, MALAMANG NIREQUIRE DIN SIYA. 

SHAKS. PAANO NA YAN? -.-

KUNYARI (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon