Alam mo ba yung feeling na yun, yung parang excited ka na umuwi at mapapadpad sa kwarto mo, isara yung pintuan at sa wakas mapag-isa. Para lang mailabas mo lahat ng pain at kadramahan mo na sinarili mo nung araw na yaon, yung feeling ng desperation. Yung tipong pagod ka na sa lahat lahat na lang ng bagay. Yung tipong gusto mo na may magsabi sa iyo na magiging okay lang ang lahat kaso wala eh, walang andiyan para sa iyo. Yung tipong alam mo na kailangan mo maging malakas at matatag kasi ikaw lang talaga ang makakafix sa sarili mo (siyempre may kasamang tulong ng May Kapal) kaso hindi mo na kasi talaga kaya. Masyado ka nang pagod para magpanggap na okay lang ang lahat, na hindi gumuguho ang mundo mo. Minsan na gusto mo na lang na ang buhay ay maging madali, maging simple, at sa wakas matulungan na kaso alam mong hindi yun dadating. At sa labas ng lahat ng kadramahang nagaganap sa iyong buhay, umaasa at ninanais mo na maging masaya ka na. Ngayon, sinusubukan mo maging malakas at kakalabanin mo ang mga luha na malapit nang bumigay. At hanggang ngayon keribels mo pang sabihin na okay lang ako. Nothing’s wrong.
Eto kasi ang disadvantage kapag kakilala bilang isang tao na masayahin, feeling nila na lagi kang okay, na lagi kang masaya, na hindi ka marunong masaktan, na joke nalang lahat. Hindi naman kasi ibigsabihin na pag palagi akong nakangiti eh, masaya na ako. Di porket pa-joke joke lang ako eh wala akong pinagdadaanan. Na kahit na di ako humahagulgul sa iyak sa harapan nila ay hindi na ako naapektohan. Kaso kasalanan ko rin naman eh. Hindi ko kasi pinapakita ang hinanakit ko. Bakit kasi di ko matanggap na wala talagang makakaintindi sa akin? Di na ako na sanay. Wala naman kasing magbibigay ng kamay at sasabihing “Andito ako para sa’yo. Tutulungan kita (: Lilipas din ang sakit na yan pramis.” Kaso wala talaga eh. Alam ko na at tanggap ko na na talagang hindi dadating yung taong yun, kaya wala akong choice, I’ll save myself at ngayon alam kong walang prince charming na liligtas sa akin kasi sa mundo ko di siya nag-eexist. Siya pa nga siguro ang rason ng pagbagsak ko. HAY. Rave dela Torre, bat pa kasi kita nakilala? IKAW ANG RASON KUNG BAKIT AKO NAGKAKAGANITO. IKAW ANG RASON KUNG BAKIT AKO NASASAKTAN. GRABITI, DI KO MATAKE. WALA KANG KWENTA!
WAIT. HAYYY ANG OA KO at anubayan, eto nanaman ako nagdradrama. Bakit kasi ang negative ko at bakit kasi hindi ko matanggal galit ko sa mokong na yun? Ay oo nga pala ansakit kasi eh. Kaso kahit ganun magiging okay din ang lahat diba, diba? ISH. Sana nga maging umayos na lahat.
Alam mo ba yung feeling na yun? Yung mag-isa ka tapos bigla mo na lang maalala yung churvs sa buhay mo na ayaw mo nang isipin. HAYYY. Di talaga yun mawala wala sa isip ko T^T Nag-iisa lang ako ngayon sa kwarto tapos hating gabi na. Hindi talaga ako makatulog at dahil wala akong magawa at tapos ko na lahat ng dapat kong gawin ayan, nag-iisip nanaman ako ng todo, to the point na eto nanaman ako nagdradrama. This is so not my persona talaga. Dapat masayahin ako e, nagiging melodramatic talaga ako pag mag-isa ako. Simula kasi nawala kami ng ka-more than friends, less than lovers (ANG HABA, JUSME) ko in short ka-mu ko, ang negative na ng outlook ko sa buhay kaso siyempre ako lang nakakaalam. Kahit kanino di ko kasi to sinasabi. Kunyari na lang hindi ako maapektohan. Ansakit pala. Ang ews pakinggan kaso bawat gabi kapag hindi ako makatulog (Sobrang dalas nito) bigla nalang magf’flashback sa isip ko lahat ng kasweetan naming ni Rave at ayun bigla na lang ako mapapaluha. Akala ko dati hindi talaga ito nangyayari sa totoong buhay, na sa mga love stories lang at sa mga loser na babae na wagas makareact. Ang unlikely kasi para sa akin ang ganitong klaseng situation eh. Kasi para sa akin, lalaki lang naman yun eh. Mabubuhay ka naman kahit wala siya. Kaso ganito pala yun, so ganito pala ang feeling na broken hearted. Ngayon lang kasi ako napaibig ng ganito kalalim.
Siya kasi yung bestfriend ko. 6 years and 5 months na rin kami magkakilala. Nagmeet kami sa Algarotti High kung saan kami nag-elementary. Ang weird nga ng 1st encounter namin eh, paano kasi ang weird ng pag-approach ko sa kanya.
*BONGGANG BONGGANG FLASH BACK may kasama pang kay daming POV ni Skylar* BONGGA XD jk.
Transferee student siya (grade 5 kami nun) at katabi ko siya. Nung nakita ko siya may naaalala akong tao so yun, sinundot ko yung cheek niya tapos tumingin siya sa akin. Sabi ko, “Huy, kamukha mo ngay kaaway ko.” tas nginitian ko siya. Sinamaan niya lang ako ng tingin tapos hindi niya na ako pinansin ng buong araw, at dahil dun ang impression ko sa kanya ay snob at ang taray (HAHA AKO PALA YUNG MAY MALING GINAWA KAYA PALA GANERN REACTION NIYA, ngayon ko lang narealize eh HUAHUA). Kaso ewan ko kung bakit pero gusto ko siya maging kaibigan kaya the next day nilapitan ko na siya, nang makita niya ako, sinamangutan niya ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/24531827-288-k703265.jpg)
BINABASA MO ANG
KUNYARI (On hold)
Fiksi RemajaWarning: Medyo marereboot ata ang kwentong ito. Medyo jeje kasi ako nung sinulat ko to HUHUBELLS kaso tinatamad pa ako so sorry sa hindi pag-update “Lahat ng tao ay may pinapagdaanan. Lahat may kung ano anong drama. Kaya dapat be kind. Yung iba kasi...