UNANG KABANATA

253 3 0
                                    

Authors note: I would like to express my gratitude to those who keep on supporting me from the very beginning up until now. Thank you guys for not hesitating to spend your time on reading my works, I really appreciate ya'll. It's been a year since I posted this story but I wasn't able to finish it because I don't have time and also I don't like forcing myself to write if I'm not in the mood so. Ahm if you already read the story from Chapter 1 to Chapter 4 I'm really sorry but I change some events and scenes there, so if you can't understand pardon me coz you have to read it from the very beginning. I love y'all thank you so much for countless support and trust.

1986

Maaliwalas na pook, mayamang kalikasan, malinis na kapaligiran, sariwang hangin at masayahing mga tao ang nakatira sa Hacienda Trinidad. Ngunit bukod tangi ang angking kagandahan ng nag-iisang anak ni Mang Sebio at Aling Teresita na si Isabela o mas kilala sa ngalang Maria. Dayo ng mga manliligaw tuwing hapon ang tahanan nila, ngunit namalaging sarado ang puso ng dalaga para sa mga bagay na ito. Ayon pa sakanya ay nais na munang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral dahil iyon ang mahalaga.

"Nay kung payagan niyo nalang ho kaya ako na mamasukan pansamantala sa manggahan nina Don Tiburcio?" pahayag ni Maria sa kaniyang ina na ngayon ay nagtatahi ng mga sapin sa lamesa.

"Ayan ka na naman sa pamimilit mo Maria, alam mo namang kaya naman namin ng tatay mo ang magtrabaho sa iyo. Bakit mo pa pinipilit?" Nakabusangot ang mukha na tiningnan ni Maria ang ina at umupo sa kutchon katabi nito.

"Nay wala naman kasing masama sa pagtatrabaho, at isa pa pandagdag ko pa iyon sa pasukan tyaka mas gugustuhin ko pang magtrabaho kasama ninyo ni tatay kesa maglako habang maraming mga kalalakihan ang nanliligaw sa akin diyan." tugon naman ni Maria sa ina na labis na pinipilit na siyay makapagtrabaho kasama nito.

"O siya siya at ipapaalam kita kay Sinang bukas na bukas kung pwede kang mamasukan." napalundag sa tuwa ang dalaga at agad na niyakap ang kaniyang ina.

"marami pong salamat." Masayang wika nito, ngiti na lamang ang tinugon ng ginang sa anak.

Dumungaw naman sa pintuan ang kararating lang na ama nito.

"Mukhang masaya ang mag-ina ko ah? anong meron?" pumasok ito na may dala dalang bayong at hawak na sombrero.

"Hay nako Sebio itong anak mo, gustong magtrabaho kasama ko sa manggahan ni Don Tiburcio, ayoko mang pagtrabahuin ay pilit ng pilit." tugon ng ginang sa asawa nito.

"Ano ba ang dahilan at hindi mo payagan yang anak mo? walang masama roon mahal, hayaan nalang natin si Maria sa gusto niyo. Tutal ay nasa wastong gulang naman yan at hindi naman masama ang gusto niya."

Sumapit ang hapon at abala si Maria sa pagdidilig ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina sa bakuran nang biglang dumating si Juliana at ang kaibigan nilang si Nestor.

"Magandang hapon Maria, gusto mo bang sumama sa amin mamaya?" nakangiting ani nito sa pinsan.

"Saan ba kayo pupunta?"

"Dun lang naman sa Karerahan ng mga kabayo kina Don Tiburcio, pinamalita kasi ng punong gwardiya nila na magkakaroon daw ng karera ng mga kabayo ang apat na anak nito."

"Sige ba, pero magpapaalam muna ako kina itay at inay. Tara pasok kayo." agad namang tumalima ang dalawa nang pinapasok sila ni Maria.

"Nay, tay magbabakasakali na ho ako ngayon, tutal eh may karera daw po doon kina Don Tiburcio ay naisipan kong ilako na lang ang mga panindang kakanin ko diyan." ani Maria sa ina.

"O sige basta umuwi kayo nang maaga ha? Nestor ikaw ng bahala sa dalawang dalagang ito ha?" tumango na lamang ang binata bilang pagtugon at tinulungan na nila si Maria na dalhin ang mga paninda nito.

El Unico Que AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon