IKA-APAT NA KABANATA

111 2 0
                                    

MARIA ISABELA

"Mag-iingat ka roon anak ha? Juliana, Nestor mag-ingat kayo at huwag ninyong kalimutan na manalangin. Pagbutihin ninyo ang pagtanggap ng pagsusulit."

Pagkatapos ng maraming habilin ni inay ay sumampa na kaming tatlo sa bangka na siyang sasakyan namin patungong Ciudad. Malayo ang Guimaras sa mismong Iloilo kailangan mo pang bumiyahe gamit ang bangka upang makarating doon.

"Ilang buwan na rin Juliana noong nakapunta ako ng Ciudad."

"Kaya nga eh, mabuti na lamang at matataas ang markang nakuha natin kung kaya't may pag-asa tayong makapasa."

Nag ngitian na lamang kaming tatlo, pagkatapos ng mahabang biyahe ay sa wakas at nakadaong na din kami sa pier. Malaki laki na nga rin ang pinagbago ng ciudad, maraming mga tao ang naroon. Siguro ay dahil sa araw ng Biyernes kung kaya't marami ang naroon upang mamili.

"Halong kamo mga anak." (Ingat kayo mga anak.)

Iyon ang huling bilin ng matandang naghatid sa amin. Pagkababa namin sa bangka ay agad kaming sumakay sa jeep patungo sa Unibersidad na pagkukuhanan namin ng pagsusulit. Dumaan muna kami sa malapit na karenderya sa Unibersidad.

"Dito na lamang tayo mananghalian, lagi naman kaming narito nina itay sa tuwing luluwas kami rito. Malapit lang kasi dito ang fishing port nila." Ani ni Nestor.

Kumain muna kami rito bago dumiretso sa Unibersidad. Bagamat maaga pa para mananghalian ay minabuti na rin na ipagpauna iyon dahil baka gabihin pa kami mamaya. Mabuti na lamang at hindi mahal ang pagkain rito, at masarap pa.

"Inday kag toto, kukuha ba kayo ng exam ngayon?" Tanong ng ale na nagbebenta sa karenderya.

"Oo tiyay, nagbabakasakali baka pumasa at sayang din ho ang libreng tuition." Tugon naman ni Juliana rito.

"Pagbutihan niyo at para may regular akong mga costumer dito."

"Ho? Wala ho bang kumakain dito kapag may pasok?" Tanong ko rito.

"Nako mga anak, mga mayayaman ang mga nag-aaral kung kayat walang nalalagi rito maliban sa mga tricycle driver na napapadaan. Buti na nga lang at nagbukas sila ngayon ng Scholar." Napatango naman ako bigla, kung ganoon ay mayayaman lamang pala ang nakakapasok rito.

"Sa pagbukas ng klase ho tiyay ay tiyak akong marami ka na rin hong mga costumer. Tiyak akong marami rin kasing magbabakasakaling maging scholar." Ani ko pa.

"Siyang tunay, ang akin ngang bunsong anak ay kukuha rin ng pagsusulit ngayon. Sayang at hindi ninyo siya naabutan. Nauna na siya."

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa Unibersidad, pagkapasok palang namin sa malaking gate ay namangha na ako, may mga gwardiya talagang nakabantay maraming mga tao rin. At halos sa kanila ay makikita mong pinanganak na may gintong kutsara sa bunganga.

"Grabe Maria ang ganda." Manghang tugon ni Juliana, nakangiti kong inilibot ang aking paningin. Ang lawak at ang ganda ng Unibersidad namamangha ako sa pagkagawa ng mga silid, hindi nawawala sa paningin mo ang mga bulaklak dahil kung saan ka titingin ay mayroon noon.

Dumiretso kami sa register's office upang ibigay ang mga dokomentong kailangan para sa scholar na pag-a'aplyan namin. Umabot kami ng isang oras at mahigit kakahintay upang matapos maasikaso ang mga papeles. Pagkatapos noon ay dumiretso kami sa examination room test upang doon na nga kumuha ng pagsusulit.

"Huwag munang sasagot o bubuksan ang papel. Ang bawat eksaminasyon ay may nakatakdang oras, kapag natapos na iyon ay dapat ng ipasa ang papel. Sagutan ng mabilis ang tanong at huwag magkakamaling magtanong o tumingin sa katabi. Mamalaging nasa papel ninyo lamang ang inyong atensyon. Kung kayo man ay may mga katanungan ay lumapit kaagad sa akin."

El Unico Que AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon