Marami po salamat sa naghintay at mga bumoto sa bawat chapters ng gawa ko. Kung napapansin niyo po purong tagalog yung gawa ko tho late 1980's po yung kwento at modern na rin tayo that time, dun lang po kasi ako comfortable. Thank you 💛💛
MARIA ISABELA
Araw ng linggo ngayon kung kayat hindi gaano karami ang tatrabahuin sa manggahan. Mag a-alas otso na ng gumayak ako papunta sa trabaho, pagkalabas ko ay naroon na ang mga kabataan at naglalaro marahil ay tapos na rin itong mag agahan.
"Maayong aga, manang!"
Sinalubong ako ni Bugoy kasama ng mga kaibigan nito.
"Maayong aga man Bugoy, kumain na ba kayo?"
"Oho, teka lamang po manag. Parang mas lalo atang lumiwanag ang sinag ng araw ng makita kita."
Natawa naman ako sa banat nito, siyam pa lamang ang edad nito pero nasisiguro kong paglaki niya ay babaedor ang batang ito. Pinagpantay ko ang tangkad naming dalawa at piningot ko ang ulo nito.
"Awww, manang naman eh"
"Binobola mo pa ako ah."
Nagpaalam na ako rito at tumuloy na sa paglalakad. Minasdan ko ang paligid, nakangiting binabati ako ng mga kabarangay namin lahat ata sila rito ay malapit sa akin. Hindi dahil sa magkakapitbahay kami kundi ay dahil sa mababait talaga ang mga tao rito.
"Maria!!"
Pagkalingon ko ay naroon na malapit si Basilio, lumapit ito sa akin at muli kaming nagpatuloy sa paglalakad.
"Magandang umaga."
"Magandang umaga rin." Balik bati ko rito.
"Maria sa Sabado na pala ang kaarawaan mo, ano na plano?"
Hala oo nga, muntikan ko nang makalimutan na sa Sabado na pala iyon.
"Hindi ko rin alam haha, ang totoo ang nakalimutan ko nga na sa Sabado na iyon."
"Mag di-disi'otso kana, dapat ay malaking selebrasyon iyon." excited nitong pagkasabi
"Bahala na haha"
■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■
"Maria paabot nga nung isa pang basket."
Narito kami ngayon ng ilang mga trabahador sa bodega at kasalukuyang pinagbabahagi ang mga mangang dapat ng ipakain at ang mga pwede pang magawan ng paraan.
"Salamat Maria." Ngumiti ako kay Aling Neli, isa sa mga nanunungkulan sa manggahan. Umupo ako sa tabi nito at inilipat ang mga manggang bulok na at dapat ipakain sa baboy.
"Tiyay, ano po ang gagawin sa mga mangga'ng maayos?"
"Iyon pa ang hahanapan ng paraan. Mahirap kasi ineng na ibenta ito lalo pat mga reject na ang karamihan."
Bigla naman akong nag isip ng mga dapat na pupwedeng gawin.
"Tiyay eh kung gawin kaya natin na mga chichirya iyan."
Napatingin naman ito sa akin ng may pagkamangha."Oo nga ano? Siya siya at pupuntahan ko kaagad ang Seniorito. Ikaw na muna bahala rito."
Hindi na ito nagpaalam kung kayat pinagpatuloy ko na lamang ang paglilipat ng mga mangga. Wala ngayon sina inay at itay maging si Mang Kepweng sapagkat tuwing linggo nila iniluluwas ang mga mangga sa ciudad upang sa araw ng lunes ay maibenta na ito. Kilala ang mga trinidad sa mga malalaking negosyante patungkol sa mangga kung kayat ganoon nalamang kaingat ni Leonardo ipamalakad ang negosyo sapagkat makakapekto ito sa mga suki nila at manging sa kanilang pangalan.
BINABASA MO ANG
El Unico Que Amo
Algemene fictieAng pag-ibig na hindi inaasahang mabubuo sa hindi inaasahang pagkakataon. Ang pag-iibigan na binuo ni Isabela at Leonardo ay sing tibay nang diyamente ngunit paano kapag ang tadhana na nga ang sumubok sa tatag nila? kakayanan pa kaya nito? Subaybaya...